VIII.

54 4 1
                                    

Hansol.

Nilabanan ko ang mga matatalim na titig ni Wonwoo hyung kahit hindi ako komportable doon. Bakit ako kinakabahan?

"Wala kaming tinatago?" Gusto kong suntukin ang sarili ko dahil hindi ko din alam kung bakit patanong ko iyong nasabi.

"Eh, bakit lagi kayong magkasama?"

"Ano? Wala. . .lang? Kumportable kami sa isa't-isa." Sagot ko at tumango tango. Ayoko talaga ng ganito. 'Yong nasaakin ang atensyon ng lahat. Damn, anxiety.

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Seungkwan sa kamay ko na nakapatong sa hita ko sa ilalim ng lamesa. Here he goes again.

"Ows? Hindi kayo? Or hindi mo nililigawan si Seungkwan?" Tanong pa nila.

"Hindi." Maikli kong sagot.

"Di nga?! Ang sweet nyo kaya lagi!" Protesta pa nila na para bang kami talaga ni Seungkwan at ayaw lang umamin.

"Pero Hansol may gusto ka kay Seungkwan?" That question made me freeze. Meron ba, Hansol? May gusto ka ba kay Seungkwan?

"Wala. Magkaibigan lang kami," sabi ko at dahan dahang inalis ang kamay kong hawak ni Seungkwan.

That's the truth. Wala akong gusto kay Seungkwan. Aside from the fact that we're both guys, I don't think I'm capable of falling in love with someone sa lagay kong 'to.

And so the game continued. Ilang oras pa at kung ano ano na ang mga pinag gagawa namin para lang malibang. Dumidilim na noong mapagpasyahan naming umuwi na.

"Boo, hatid kita pauwi?" Tanong ko kay Seungkwan habang papalabas kami sa tambayan. Pakiramdam ko iniiwasan nya ako.

"Ikaw bahala," sabi nya at ngumiti pero nauna na syang maglakad. May nagawa ba akong mali? Nanatili akong nakatayo sa posisyon ko at pinanood lang syang nakikipag usap at tawanan kila hyung.

Naglakad na ako at sumunod sa kanila. Nang nasa school gate na kami ay nagpaalam na kami sa isa't-isa at naghiwahiwalay na. Sabay kaming naglalakad ni Seungkwan pero walang nagsasalita.

Shit, I feel awkward. Nanatili lang akong tahimik habang si Seungkwan ay tahimik din. Galit ba sya saakin? May nagawa ba ako? May nasabi ba ako? Tatanungin ko ba sya kung ayos lang sya? Ilang minuto pang naghari ang katahimikan sa aming dalawa nang basagin ko ito.

"Boo, ayos ka lang?" Mahina kong tanong.

"Oo." Maikli nyang sagot at hindi naman tunog galit ang boses nya. Bakit pakiramdam ko may nagawa ako?

"Seungkwan, galit ka ba saakin?" Tanong ko na halos ako na lang ang nakarinig.

"Hansol, pwede ko bang hawakan ang kamay mo?" Tanong nya habang nakayuko. Bakit gusto nyang hawakan ang kamay ko? Papayag ba ako? Hansol pumayag ka na!

I remained silent for a while before deciding to intertwine my fingers with his. I saw him smile and held my hand tighter. Tinitigan ko lang sya habang sya naman ay nakatingin lang sa daan.

"Malayo ba ang bahay mo?" Pagsisimula ko ng usapan.

"Hmm, medyo." Sagot nya at tumingin saakin kaya naman agad kong iniwas ang tingin ko. Hindi na ako sumagot at tiningnan na lang ang mga kamay naming magkahawak. His hand is soft and warm. Last time na hinawakan ko ang kamay nya ay nangamoy strawberry din ang kamay ko.

Imperfectus | ON HOLDWhere stories live. Discover now