XIII.

49 4 0
                                    

Seungkwan.

Tumingin ako kay Hansol na tahimik na tulala sa kamay naming magkahawak. Binaba ko ang paningin ko papunta sa mga kamay namin at nakitang mahigpit ang hawak nya dito. May problema kaya?

Pinisil ko ang kamay nya ng tatlong beses bago sya tinanong. "Sol, may problema ba?" Tumingin sya saakin bago paulit ulit na kumurap. Ano ba nangyayari dito kay Hansol?

"Hoy, ano nangyari sayo?"

"Ha? Ah, wala wala," sabi nya at umiwas ng tingin. Tinitigan ko lang sya at napansing medyo namumula ang mga pisngi nya. Hala.

"Sol, gusto mo ice cream? Libre kita," sabi ko at pinisil ang kamay nya. Nanatili syang nakatingin sa malayo at parang hindi ako narinig.

"Hansol." Pagtawag ko ulit pero hindi sya lumingon. Hindi nanaman ata ako narinig.

Hinawakan ko ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko bago sya muling tinawag.

"Ha? Ayos lang ako. Ano nga ulit yung sinasabi mo?" Tanong nya na parang lutang na lutang. Kumunot ang noo ko dahil sa inaasal nya. Napano ba 'to si Hansol? Itinaas ko ang palad ko at nilagay sa pisngi nya.

"Hansol, ayos ka lang ba?" Hindi sya sumagot at bigla na lang tumayo. Dahil magkahawak ang mga kamay namin ay napatayo rin ako. Humarap sya sa matandang kausap at katabi ko kanina bago nag-bow.

"Lo, maraming salamat po sa mga sinabi nyo. Pag-iisipan ko po 'yon. Aalis na po kami," sabi nya sa matanda na nginitian lang sya. Teka, ano? Ano kaya yung pinagusapan nila? Ano yung pag-iisipan ni Hansol? Tsaka teka ano, aalis na kami?

"Hansol–" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay hinila na ako ni Hansol palabas ng playground. Ano ba problema nito ni Hansol? Hindi tuloy ako nakapagpaalam dun sa Lolo na kausap ko kanina.

"Sol, saan tayo pupunta?" Tanong ko habang naglalakad kami. Si Hansol kasi ang nauuna at nagpapahila na lang ako.

"Sa lugar kung saan ikaw at ako lang ang mahalaga. Sa lugar kung saan ikaw at ako lang ang nakaka alam."

Naramdaman ko ang paglakas ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin? Bwisit ka, Hansol. Masyado kang pa-fall.

Tiningnan ko ang kamay kong mahigpit nyang hawak at hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Alam ko namang hindi gano'n ang ibig sabihin ni Hansol sa sinabi nya. . . pero kahit ano pa man ang ibig sabihin no'n wala na akong pake. Ang mahalaga, hawak ko ang kamay nya ngayon.

——

Tumigil ako sa paglalakad nang makita ang mataas at malaking gate ng university na pinapasukan namin ni Hansol. Kumunot ang noo ko at tiningnan sya.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya. Hindi sya sumagot at tiningnan lang ang wrist watch nya.

"4 pm na. Umuwi na sila hyung o baka gumala. Si Jeonghan hyung na lang siguro ang nandito dahil sa late classes nya," sabi nya nang hindi tumitingin saakin.

"Ha? Ano naman?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Hindi ko maintindihan 'to si Hansol. Sabi nya pupunta daw kami sa isang lugar na kami lang ang nakakaalam. Eh, hindi lang naman kami ang nakakaalam nitong school!

Hindi na lang sya sumagot at hinila na lang ako papasok at dire-diretso na naglakad. Nakatingin lang ako sa likod nya at medyo napansin kong sa tambayan namin nila hyung kami papunta.

Nang makarating kami sa tambayan ay agad akong umupo sa isang sofa. Nakakapagod yun, ah. Ang haba kaya ng nilakad namin. Narinig kong ni-lock nya ang pinto kaya tumingin ako sa gawi nya.

"Ba't mo ni-lock?" Tanong ko pero hindi nanaman sya sumagot at lumapit na lang sa isang pintong kinakalawang sa dulo ng tambayan. Kumunot ang noo ko. Ngayon ko lang 'yan napansin, ah?

Sinenyasan nya akong lumapit sa kanya kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita.

"I haven't been here in a while, Boo." Panimula nya at tumingin saakin. Tinaas ko lang ang dalawa kong kilay bilang pasabi na ituloy nya ang sinasabi nya.

"And I'm 100% sure na ako lang ang nakakaalam nitong lugar na 'to or kung may iba mang nakakaalam ay matagal na silang di pumupunta rito," paliwanag nya at tinuro ang pintong sinasandalan nya.

"Ano bang meron dyan, Sol?" Tanong ko at nginitian sya. Ngumiti sya pabalik saakin bago hinawakan ang kamay ko at dahan dahang binuksan ang pinto.

"Ikaw pa lang ang nadadala ko dito, Boo."

Imperfectus | ON HOLDWhere stories live. Discover now