IX.

55 3 1
                                    

Hansol.

A ring from a bell got me out of dreamland as I felt a rough something lick my face. Wait what? I opened my eyes and a saw a ginger colored cat sniffing my face. I yelped and quickly stood up.

Nakita ko ang isang pusang nakaupo sa sahig na sinamaan muna ako ng tingin bago tuluyang umalis. What the hell? 'Yon ba yung sinasabi ni Seungkwan na gagapang saakin? Geez, nakakagulat. Umupo ako ulit sa sofa at nakitang patay na ang tv pero may ingay pa rin ng utensils ang maririnig mula sa kusina.

"Boo?" Tawag ko kay Seungkwan sa medyo malakas na boses. Sumilip sya mula sa kusina habang may suot na apron. Ang cute nya. Ano? What the hell did I just say?

"Oh? Gising ka na pala. Saglit lang, maghahain na lang ako at kakain na," sabi nya bago muling bumalik sa kusina. Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina. Tutulungan ko na lang sya, nakakahiya naman.

"Tulungan na kita," sabi ko kay Seungkwan.

"Oh," sabi nya at inabot saakin ang dalawang plato. Nilagay ko ito sa lamesa kasabay ng kutsara't tinidor na inabot nya din. Ako na ang kusang kumuha ng iba pa at nilagay na rin sa lamesa.

"Umupo ka na dyan," sabi nya bago pinatay ang kalan. Mula sa kinauupuan ko, kitang kita ang likod ni Seungkwan na hinahanda ang mga niluto nya. Bakit parang ang sarap nyang yakapin mula sa likod?

Nilapag ni Seungkwan sa lamesa ang mga niluto nya bago tinanggal ang apron na suot nya at umupo sa tapat ko. Tiningnan ko ang mga niluto nya. Mukhang masarap. Besides, ang bango.

Tinititigan nya ako na para bang inaantay nya kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga niluto nya. "'Wag mo nga akong titigan. Naiilang ako."

Tumawa sya bago iniwas saglit ang tingin nya pero agad akong tinitigan ulit nang hawakan ko ang kutsara sa harapan ko para tikman ang niluto nya. Ito na, titikman ko na. Una kong tinikman ang kimchi stew.

Damn, it tastes so good. Nanunuot ang lasa nito sa dila ko pero pinilit kong 'wag ngumiti. Tumingin ako kay Seungkwan na mukhang kinakabahan dahil hindi ako nakangiti matapos matikman ang luto nya. Gusto ko na ngumiti.

Hindi ko rin napigilan at ngumiti na ako. Tumawa si Seungkwan at sinabing siraulo daw ako dahil akala nya hindi ko nagustuhan ang luto nya. Paano ko 'to hindi magugustuhan?

"Seryoso, Boo. Masarap talaga," sabi ko at nagsimula nang kumain.

"Made with love kasi yan." Seryoso nyang sabi. Take it as a joke, Hansol. Take it as a joke. Tumawa na lang ako na para bang biro nga talaga ang sinabi nya.

——

Almost one and a half hour din ang tinagal namin ni Seungkwan sa hapag. Sabay din naming hinugasan ang mga plato. Sya ang nagsasabon, ako ang nagbabanlaw. It was fun.

Naglalakad kami ngayon papunta sa kanto na nilikuan namin kanina. Seungkwan insisted na ihahatid nya daw ako kahit hanggang dun lang. Syempre, wala akong nagawa.

"May alaga ka pa lang pusa?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, oo. Sya ang gumising sayo kanina, no?" Sabi nya at tumawa.

Imperfectus | ON HOLDWhere stories live. Discover now