XXVIII.

37 2 0
                                    

Hansol.

Inaantok ko'ng tinitigan ang isang matandang lalaki na nagsasalita sa unahan. He's our History Professor. Dala ng katandaan ay mahina ang boses nito at mabagal magsalita dahilan kung bakit inaantok ang karamihan saamin sa mga klase n'ya.

Tiningnan ko ang katabi ko'ng si Seungkwan na tulala at halatang nilalabanan ang antok. Bahagya ako'ng natawa dahil sa itsura n'ya. Napatingin s'ya saakin na kunot ang noo.

"Bakit mo ako pinagtatawanan?" bulong n'ya.

"You look cute."

"Di ka ba nagsasawang maging cheesy?" tumatawa n'yang tanong at mahina ako'ng siniko.

Muli ako'ng tumingin sa unahan at nakita ang Professor naming nakatalikod at mabagal na nagsusulat sa white board. Naramdaman ko ang pagtapik ni Seungkwan saakin.

"Sol, cutting tayo," sabi n'ya.

Agad ako'ng napatingin sa kanya na may kunot na noo. Here Seungkwan goes again with cutting classes.

"Boo, hindi pwede. Papatayin tayo ni Seungcheol hyung," bulong ko.

"Hindi nya naman malalaman kung walang magsasabi!"

And so two hours later natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng isang mall kasama si Seungkwan.

Habang nakatalikod ang Professor namin ay dahan-dahan kaming lumabas ng classroom at sa pangalawang pagkakataon ay tumalon ng mataas na bakod.

"What do we do now?" tanong ko sa katabi ko'ng mukhang nag-iisip din ng pwedeng gawin.

"Tara, Arcades."

Pumunta nga kami doon at nagsayang ng pera para sa tokens. Pinanood ko lang si Seungkwan na maghulog ng isang token at matapos ang ilang segundo ay binatukan ang claw machine.

"Madaya 'to, Sol! Nakita mo ba 'yon? Makukuha ko na, e! Sino ba'ng nag-imbento nito?"

"Ba't galit?" tumatawa ko'ng tanong. Hindi s'ya sumagot at muling naghulog ng isa pang token.

"Boo, nagsasayang ka lang ng token d'yan," sabi ko nang natatawa. Bakas kasi sa mukha n'ya ang determinasyon na makuha ang plushie na kanina n'ya pa pinupunterya.

"Aish!" naiinis n'yang sabi nang hindi n'ya nanaman ito nakuha.

"Ako na nga," sabi ko at hinarap ang claw machine.

Naghulog ako ng isang token at sinubukang kunin ang plushie pero hindi ko ito nagawa. Narinig ko si Seungkwan na pinagtatawanan ako at inaasar.

Nakakainis pala talaga 'tong machine na 'to. "Chill ka lang d'yan, Boo. Makukuha ko 'to."

Tatlong token pa ang sinayang ko bago nakuha ang isang maliit na pusang plushie. Inabot ko ito kay Seungkwan na tuwang tuwa at sinabit ito sa phone n'ya.

"Ang boring pa rin no, Sol?" sabi n'ya at hinawakan ako sa braso, trying to imply something.

"Boo, kung may trip ka nanaman, we already cut classes tapos gagawa pa tayo ng trip dito sa mall. Papatayin na talaga tayo ni Cheol hyung."

Imperfectus | ON HOLDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz