VI.

58 4 6
                                    

Hansol.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Minghao hyung nang tumayo kami ni Seungkwan.

"Sa garden lang." Maikli kong sagot.

Nauna na akong maglakad at iniwan si Seungkwan na kinausap pa nila hyung. Sigurado akong iniintriga nila si Seungkwan sa kung anong gagawin naming dalawa sa garden o sa kung bakit magkasama nanaman kaming hihiwalay sa kanila.

Nang makarating sa garden ay nanatili akong nakatayo. Huminga ako ng malalim at pumikit. Ang lamig ng simoy ng hangin. Naramdaman ko ang mga bisig na dahan dahang pumupulupot sa bewang ko mula sa likod na para bang kapag binigla nya ay mababasag ako.

Sa amoy pa lang ay alam ko na kung sino 'to. Nanatili akong nakapikit at dinama ang init na ibinibigay ng yakap nya saakin. Hinawakan ko ang dalawa nyang kamay at kinalas sa bewang ko.

"Seungkwan, wag ka ngang clingy," sabi ko at umupo sa damuhan.

"Niyakap ka lang clingy na agad?" Tanong nya at umupo sa tabi ko.

"Parehas tayong lalaki."

"Bakit sina hyung?"

". . . Straight ako, Kwan."

Tumawa sya na para bang biro ang sinabi ko. Ilang linggo pa lang kaming magkakilala. Tatlong araw pa lang ang nakalilipas simula noong naging totoo kami sa isa't-isa.

Pero bakit parang sobrang gaan na agad ng loob ko sakanya? Dahil ba alam kong naiintindihan nya ako? Kapag tinitingnan ko syang ngumiti at tumatawa para bang gusto kong gawin ang lahat para lang manatili ang mga 'yon sa labi nya.

Sa ilang taong kasama ko sila hyung, kahit minsan ay hindi ko nasabi sa kanila ang totoo kong nararamdaman pero si Seungkwan? Pakiramdam ko hinihila nya ako sa mundo nya para saglit na umalis sa magulong kong mundo. Pakiramdam ko kapag sinabi ko sa kanya ang lahat ay handa syang tumayo sa tabi ko tuwing kailangan ko sya.

Pero magulo din pala ang mundo nya. Nangangailangan din pala sya ng taong hihila sa kanya paalis sa mundo nyang magulo rin. Nangangailangan din pala sya ng taong handang tumayo sa tabi nya tuwing kailangan nya ng masasandalan.

Gusto ko 'yong iparamdam sa kanya. Gusto kong maramdaman din nya na hindi ko lang sya hihilain palabas ng mundo nya, handa akong tulungan syang kumawala sa mga dahilan kung bakit magulo ang mundo nya. Gusto kong maramdaman nya na hindi lang ako tatayo sa tabi nya tuwing kailangan nya ng masasandalan, yayakapin at ipaparamdam ko din sa kanya na hindi sya nag-iisa at na nandito lang ako palagi.

"Matutunaw ako nyang mga titig mo, Sol." Seungkwan snapped. Tsaka ko lang na realize na kanina ko pa pala sya tinititigan habang sya naman ay nakangiti saakin.

I felt my body freeze and I held my breath. Anong sabi mo, Hansol?

Kumurap ako ng ilang beses at umiling. Anong pinagiisip mo, Hansol?

Humiga ako at tumingin sa langit. Ano daw? Kung ano ano pinagsasabi ko. Saan ko nanaman napulot 'yon? Siraulo ka ba, Hansol?

Naramdaman kong dumapa si Seungkwan at inilagay ang mga palad nya sa mga mata ko. "Sol, 'wag mong pilitin na titigan yung langit kahit na maganda 'yon kung nasasaktan naman ang mga mata mo sa silaw nito."

Imperfectus | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon