XIV.

57 4 0
                                    

please play the video above. it really suits this chapter ang kasoooo at the end of the video medyo nagchika si robbie ma boi hahahahaha just skip it and play the vid again for a better experience.

-°-

Seungkwan.

Hindi ako nakapagsalita nang makita ko ang lugar sa likod ng kinakalawang na pinto. Binitiwan ni Hansol ang kamay ko at tumayo sa harap ko bago ako nginitian.

Nilibot ko ang paningin ko sa lugar at parang gusto ko na lang maiyak. it's a hill na may iisang puno lang. Sobrang tahimik din at kitang kita ang langit.

Naglakad si Hansol at umupo sa kung saan wala ang mga bulaklak

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naglakad si Hansol at umupo sa kung saan wala ang mga bulaklak. Naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa tabi nya. Tahimik lang kaming dalawa at parehas na nakatingin lang sa mga nagliliparang ibon habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

Paano natagpuan ni Hansol 'tong lugar na 'to? Nakakarelax talaga dito. Huminga ako ng malalim bago pumikit. Ano na, Seungkwan? Ano nang balak mo sa buhay mo? Hanggang kelan ka magiging walang kwenta?

Hindi ko talaga maintindihan ang buhay. Lahat ng pinagdaanan ko sa mga nakaraang taon, masyado pa akong bata para sa lahat ng 'yon. Pero bakit hanggang ngayon naghihirap pa rin ako? Hindi na ba ako pwedeng maging masaya? Hindi naman malaking bagay ang hinihiling ko. Gusto ko lang naman ngumiti at tumawa na walang tinatagong sakit.

Minulat ko ang mga mata ko at tumingin kay Hansol pero nagulat ako nang makita kong nakatitig sya saakin. Agad syang umiwas ng tingin at umarte na para bang hindi nya ako tinitigan kanina.

Napangiti ako sa ginawa nya. Itong lalaking na sa harap ko, ito lang ang taong nakayanan akong pangitiin nang hindi ko na kailangang pilitin. Noong unang beses na dumapo ang paningin ko sa kanya alam kong iisa lang kami ng nararamdaman, na maiintindihan namin ang isa't-isa.

Umurong ako palapit sa kanya at sinandal ang ulo ko sa balikat nya. Naramdaman ko ang kaliwang braso nya sa balikat ko kaya medyo nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Alam kong walang ibig sabihin ang mga ipinapakita at sinasabi saakin ni Hansol bukod sa nagiging isang mabuting kaibigan lang talaga sya, pero hindi na 'yon lahat mahalaga. Ang mahalaga para saakin ngayon, yung ito. Yung katabi ko lang sya, yun bang nararamdaman ko ang init na binibigay ng katawan nya.

"Boo. . ." bulong ni Hansol kaya humarap ako sa kanya. Seryoso ang tingin nya saakin pero nanatili akong nakangiti. Humarap din sya saakin bago hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Boo, I don't mean to be dramatic at this moment pero I can't help it," sabi nya habang nakatingin sa mga kamay namin at hinigpitan ang hawak dito.

"Hmm?"

"I. . . I just want to thank you for coming in my life. Boo, kung wala ka sa tabi ko ngayon baka wala na rin ako ngayon." Nabasag ang boses nya na para bang gusto nyang umiyak pero pinipigilan nya.

"Hindi ko alam na sa buhay ko na 'to may dadating pa, na darating ka para ipakita saakin na marami pang magandang bagay ang pwede kong makita dito sa mundo. Boo, it has been really hard for me. I really just want to end it all," sabi nya at nagsimula nang maiyak.

"Sa maikling panahon na magkakilala tayo, I am already thankful to you for so many things. I wanna stay by your side, make you feel loved, pero Boo pagod na pagod na ako. Pwede na ba akong sumuko?" He managed to tell me sa gitna ng mga hikbi nya. Ang mga luha nya ay tumutulo sa kamay ko.

Binawi ko ang mga kamay kong hawak nya at hinawakan sya mukha. Inangat ko ang mukha nya at diretsong tiningnan ang mga mata nyang puno ng luha at sakit. Hansol, alam mo bang nasasaktan akong makita kang ganito?

"Hansol, mapapagod tayo pero konting tiis muna? Okay ba 'yon? Sol, I also have a lot of things to thank you for. You are the greatest person I met. Kung alam mo lang Hansol Chwe, kung alam mo lang how much you make me happy," maingat kong sabi at nginitian sya. Mabilis na tumulo ang mga luha nya bago hinawakan ang kamay kong nasa pisngi nya at pumikit.

"Kaya natin 'to, Sol. Hindi ka na mag isa ngayon. Kasama mo na ako. Kasama mo na akong lumalaban. Hindi ako aalis sa tabi mo, okay? Dito lang ako. Kaya wala munang susuko. Dadating din ang panahon na tatapusin na natin lahat ng sakit, hmm?" Tumango sya na parang bata at tumingin sa mga mata ko. Pinunasan ko ang mga luha nya bago sya muling binigyan ng isang matamis na ngiti.

"Boo. . . kung napapagod ka na saakin, pwede mo naman na akong sukuan," bulong nya at yumuko. Muli kong inangat ang mukha nya at direktang tumingin sa mga mata nya.

"Hansol, hinding hindi ako mapapagod sa'yo. Hinding hindi kita susukuan," Mahina kong sabi habang dahan-dahang sinasara ang distansya sa pagitan ng mga mukha namin. Nanatili syang nakatitig sa mga mata ko.

"It's because, Hansol I like you."

At doon sa lugar kung saan ako at s'ya lang ang mahalaga, sa lugar kung saan kami lang ang nakakaalam, my lips met his for the second time.

-°-

check out cavetown on yt! i really like him uwu.

dedicated to vuoyez







Imperfectus | ON HOLDWhere stories live. Discover now