Nakapila na kami sa counter nang biglang may mga bastos ang sumingit sa pila.

"HOOOOY!" sabay pang react namin ni Tessa, napalingon samin ang mga boset.

Napaatras agad si Tessa ng marealize na sina Kaicer Klein na naman ang nang eepal samin.

"Oh! andyan ka pala Chaiel Cuervas!" ngumiti siya ng nakakaloko sabay parang adik na kumaway kaway, eh nasa harapan ko naman na siya.

"Andyan ka rin pala Kaicer Klein!" kumaway kaway rin ako na parang nasa malayo siya kahit na nasa harapan ko lang naman siya, parang timang lang? haha!

"Kamusta?" nakangising tanong niya, ngumisi rin ako sabay taas noong sumagot.

"Ayos na ayos!n ung hindi ko nakikita yang mukha mo!" iritang sabi ko atsaka siya tinulak para makadaan na kami ng kaibigan ko at umorder.

Ganyan talaga kapag gutom.

"HOOOOOY!" sabay kaming napatakip ng tenga sa narinig.

"HOOOOY RIN!" inis na sigaw ko , napatawa naman sila ng malakas.

Kal*che,

Nagdadaldal pa ang mokong na nasa likod namin pero hindi na namin siya pinansin pa at payapang umorder ng makakain namin.

Paupo na kami sa isa sa mga table ng biglang--argh!

*BLAAAAAG!*

"AY ANAK NG DEMONYO!" gulat na gulat na sigaw ko, nang bigla nalang akong patirin ng hinay*pak na anak ng demonyo na nagngangalang Kaicer Klein.

"L*che ka talaga no!" bulyaw ko habang marahas na pinapagpagan ang aking pwetan.

May problema talaga tong mga to sa pwet ko eh.. huhu!

"L*che!? sa gwapo kong to!?" ayan na naman, ayan na naman po guys! padaan na ang malakas na hanging habagat at marahas na naman tayong tatangayin patungong kalawakan.

"Nangangamoy kayabangan na naman at kahanginan rito!" umaarteng may naaamoy na kung anong sabi ko, sinamaan niya ako ng tingin.

"Mayabang na kung mayabang! gwapo naman, di katulad ng crush mong kamukha na nga ng aso ng kapitbahay namin, manyakis pa!" aba't hindi parin ba siya nakamove kay *ehem*? parehas kami.. halos ilang araw ko rin iniyakan ang gwapong yon sa sobrang disappointed, waaaaaah! sayang mga luha ko--huhu.

"Hoy! ilugar mo nga yang kayabangan mo, umaabot na sa Antarctica eh!!" bulyaw ko muli atsaka tinignan ang mga natapon kong mga pagkain sa sahig.

The PromiseWhere stories live. Discover now