Heather Rose Marah Marianno

1.3K 399 148
                                    


Halos ilang taon na akong nakatira dito sa ibang bansa kasama ang Mama ko at kahit kailan man ay hindi ko naisipan na magkaroon ng lalaking magma-mahal sa akin.

Bago kami umalis ng Pilipinas binisita namin si Papa at sa totoo lang gusto ulit ni Mama manirahan sa Pilipinas kaso walang mag-aalaga sa kanya doon kasi nandito ang trabaho ko kaya naman napilitan siyang manirahan dito. Masaya naman siya kahit papaano.

Pero sa uulitin, hindi ko naisipan magkaroon ng lalaking magma-mahal sa akin.

Takot ako...

Oo takot ako...

Takot na masaktan. Takot na lokohin. Takot na hindi mahalin.

Ngunit sabi sa akin ng Mama ko hindi naman habang buhay ay nandyan siya sa aking tabi. Ito na daw ang tamang panahon para magkaroon ako ng kabiyak. Hindi dahil sa wala akong kasama kung hindi ay gusto niya na maranasan ko na mahalin ng isang tao ng tunay at magkaroon ng sariling pamilya. Madama ko kung gaano kasarap magmahal ng taong minamahal ka ng tapat at tunay.

Parang kailan lang ng kami'y highschool. Parang kailan lang nung kami'y magkakasama. Nag-aasaran pa nga kami eh. Madaming drama at saya. Pero ngayon, malayo na kami sa isa't-isa ngunit ang puso at isip nila ay malapit pa rin sa akin. Hindi namin makakalimutan ang mga alaala na ginawa namin simula nang kami'y magkakilala. Iyon ay ang mga alaala na nakatatak na sa aming mga puso at isip at hinding-hindi mawawala at mabubura. Ibabahagi sa magiging mga anak namin kung gaano kasaya ang magkaroon ng tapat at tunay na kaibigan.

Isa na akong matagumpay na Writer sa Pilipinas ngunit ako ay isang Nurse dito sa England. Na-publish na ang aking gawang libro, ang Diary ng Bitter. Kuwento ng isang babaeng hindi pa naranasang mahalin. Madami na ang nakabasa at tumangkilik sa gawa ko. Madami na rin ang umiidolo sa akin at ako naman ay nasisiyahan sa kanilang komento tungkol sa aking libro.

Ang mga kaibigan ko nabasa na rin ang gawa kong libro at masaya naman sila dahil nandoon sila sa libro na gawa ko. Humahanga sila sa akin at pinagmamalaki ako dahil kahit hindi ko passion ang pagsusulat ay nakagawa ako ng isang magandang istorya para mabasa ng buong mundo at iyon ay ang Diary ng Bitter.

Ang pagiging isang ganap ko na Nars? Pinasok ko sa istorya ko para ipahiwatig na kaya nating abutin ang ating pangarap basta magtiyaga at mag-antay lamang.

Ang mga kaibigan ko na mahal na mahal ko? Nilagay ko rin sa istorya ko para ipahiwatig na ang mga tunay at totoong kaibigan ay hindi kailanman mawawala.

Ang papel ni Alexine bilang kontra bida? Nilagay ko upang ipahiwatig na nakagagawa man ng mali ang isang tao sa'yo ngunit kailangan mo itong patawarin dahil mas mabuting gawin iyon kaysa sa maghiganti.

Ang papel ni Rissa bilang isang bisexual? Ngunit sa totoong buhay ay ganoon din siya. Ito ay pinasok ko rin upang ipahiwatig na respetuhin ang mga taong katulad niya dahil tao rin sila at nasasaktan.

Ang papel ni Loreana bilang isang makulit at mapagmahal na kaibigan? Pinasok ko rin upang ipahiwatig na pahalagahan ang mga taong nagpapasaya at nagbibigay ng kulay sa ating buhay.

Ang papel ni Fraye bilang mapagmahal at makamustahin? Pinasok ko rin dahil gusto ko ipahiwatig na habang nandyan ang mga taong nagmamahal at pinahahalagahan ka kailangan mong ma-appreciate ito habang hindi pa huli ang lahat.

Ang papel ni Jax bilang pagiging tapat at tunay na kabiyak kay Alexine? Nilagay ko sa istorya ko upang ipahiwatig na kahit gaano man kahirap ang magkaroon ng kabiyak na masama ang ugali, kaya pa rin itong baguhin sa ngalan ng inyong pag-iibigan at walang sukuan.

Ang papel nina Deo at Nixon bilang mga kuya at kaibigan? Inilagay ko rin upang ipahiwatig sa lahat na maging gentleman sa mga babae at respetuhin sila.

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon