Chapter 27

823 424 56
                                    


Heather's Point of View

Bagong araw na naman para sa ating lahat at wala pa rin ang nangyayari. Hindi pa rin nila ako pinapansin. Kahit papaano naman nandito si Fraye para sa akin.

"Ate Heather!" Tumingin ako sa likod ko at nakita si Fraye na ang taas ng ngiti.

"Hi, Fraye. Kamusta ka?" Tanong ko naman kay Fraye.

"Okay lang naman." Sagot ni Fraye sa akin.

"Fraye, hindi ka ba naninibago sa akin? Lahat kasi ng tao dito ang tingin sa akin masama. Eh, ikaw?" Tanong ko.

"Ate Heather, kahit kailan man ikaw pa rin yung ate kong maganda na nakilala ko na sobrang bait at talino at kahit kailan man hindi ako magiging mabait kay Alexine. Wala ka pa dito, pangit na talaga ang ugali ni Alexine. Sadyang bulag lang talaga ang tumatangkilik kay Alexine. Ako na ang nagsasabi na kapag natauhan ang mga estudyante na tumatangkilik sa kanya... bahala na talaga siya sa buhay niya." Paliwanag sa akin ni Fraye.

"Mabait naman talaga si Nathalie at Kylee pero dahil sa kayabangan at kasungitan ni Alexine talagang napilitan lang silang sumunod kay Evil Alexine." Patago kaming tumawa ni Fraye para walang makakita pero nang tumingin ako sa harapan ko nakita ko si Rissa at Elavine at biglang umirap sila sa akin.

"Tara na!" Sabi ko kay Fraye at pumasok na kami sa loob ng building.

Nang buksan ko ang locker ko agad naman akong kinalabit ni Fraye. Tumingin ako sa kanya at napatingin sa tinuturo niya. Nakita ko si Alexine na kasama sina Nathalie at Kylee. Papalapit sa amin pero mali pala ang inakala ko. Hindi rin pala nila ako papansinin.

"Ang laki na talaga ang pinagbago ni Nathalie at Kylee. Hindi na sila yung kaibigan kong mababait." Tumingin ako kay Fraye at tumingin rin naman siya sa akin.

"Anong sabi mo?" Patago siyang ngumiti at maya-maya pumatak ang kanyang luha.

"Kaibigan ko sila noon pero ngayon hindi na nila ako kinikilala..." Naging blanko ang aking isipan sa mga sinabi niya.

Hindi ko alam na ang babaeng masiyahin ay may tinatagong sikretong sobrang sakit.

"Oo nga pala, mahirap ito sabihin sa'yo pero iiwanan ko na ang school na ito. Hindi na kita makikita." Naiiyak na sabi sa akin ni Fraye. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Ano? Pati ba naman ikaw... iiwan mo na rin ako?" Naiiyak na tanong ko kay Fraye.

"Ate wala naman akong magagawa. Iyon ang desisyon ng mga magulang ko kaya kailangan ko na lang silang sundin. Masakit at mahirap man sa akin pero kailangan tanggapin ko ang katotohanan na... iiwan na kita..." Niyakap niya ako ng sobrang higpit pero hindi ako kumibo.

"Ate Heather pansinin mo naman ako." Hindi ko na magawang magsalita pa dahil sa sobrang bigat na dinadala ko.

"Sana maintindihan mo. Hindi ko ginusto na lumayo sa'yo pero pangako ko naman sa'yo na hindi kita kakalimutan." Maya-maya wala na akong nagawa kung hindi ang mapayakap sa kanya.

"Naiintindihan kita Fraye. Bakit aalis ka?" Mahinhin na tanong ko sa kanya.

"Kailangan ko lumipat ng school kasi m-may sakit yung kuya ko sa probinsya kaya doon muna ako para a-alagaan siya." Pautal-utal na sagot ni Fraye sa akin.

"Magpakabait ka doon tsaka huwag mo kakalimutan ang ate mong dyosa." Tumawa siya at maya-maya nagulat na lang kami dahil tumunog yung bell.

"Ate Heather, punta na ako sa klase ko. Ingat ka!" Kumaway siya sa akin at ngumiti ako sa kanya.

Nabangga ako ni Deo at tumingin ako sa kanya. Tatayo na sana ako mag-isa pero tinulungan niya akong tumayo gamit ang kanan niyang kamay.

"Sorry, hindi ko sinasadya na mabangga sa'yo." Sabi niya sa akin at sabay lakad papaalis.

Pumasok ako sa loob ng classroom at nang makita ako ni Jax tumingin ito ng masama sa akin. Umupo ako sa pinakalikod ng room para komportable ako. Sinundan ako ng tingin ni Jax hanggang sa umupo ako.

Nilapitan niya ako at umupo sa tabi ko. Halata kong galit na galit siya kaya hindi na muna ako nagsalita.

"Heather, mamaya gusto kitang makausap. Pagkatapos ng klase natin doon sa labas ng campus bago ka umuwi." Tumayo siya mula sa tabi ko at iniwan ako.

Nararamdaman ko na may hindi magandang mangyayari mamaya kaya ihahanda ko na ang aking sarili sa kung ano man ang mangyayari mamaya.

Pagkatapos ng klase agad kong pinuntahan si Fraye sa classroom niya dahil sabi niya sa akin sabay daw kaming uuwi. Sinabi ko sa kanya na antayin niya muna ako doon sa garden dahil kakausapin ako ni Jax.

Magka-halong kaba at takot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito pero wala ng atrasan. Nakita ko si Jax na kasama si Alexine para antayin ako.

"Jax..." Nang makita ako ni Jax pinaalis niya muna si Alexine para makapag-usap kami ng maayos.

"Heather, hindi ko alam kung bakit naisipan mo na saktan si Alexine. Akala ko mabait ka. Ang sama pala ng ugali mo." Agad na sabi ni Jax sa akin.

"Si Alexine yung nagsimula kaya huwag kayong umasta na parang siya yung biktima dito dahil ako iyon Jax! Ako!" Sigaw ko sa kanya.

Mabuti na lang at wala ng tao dito sa campus. Kakaunti na lang pero hindi naman kami napapansin na nagsasagutan.

"Nagplano ka pa na sisiraan mo si Alexine at papatumbahin mo siya!" Sumbat nito sa akin.

"Si Elavine ang nagturo sa akin na sirain ko si Alexine dahil gusto niyang magbayad si Alexine sa mga ginawa niya kay Elavine." Sumbat ko naman sa kanya.

"Naiintindihan ko pa kung si Elavine pero ikaw? Hindi! Dahil lang nabangga ka niya at natapunan ng inumin sisirain mo na si Alexine?! Napakababaw ng rason mo Heather! Para kang bata na hindi nakatikim ng ice cream! Be matured Heather! Ayaw kong nasasaktan ka pero mas ayaw ko na nasasaktan si Alexine dahil mahal ko siya!" Sigaw niya.

"Jax! Matagal mo na akong nasaktan! Hindi mo ba nahahalata na gusto kita? Hindi mo ba nararamdaman na mahal kita? Hindi mo ba nakikita na sa bawat pagpatak ng luha ko ikaw yung dahilan! Masakit Jax pero nanahimik na lang ako kasi gusto kitang maging masaya kasama si Alexine. Depressed ako noon Jax dahil sa'yo pero ano ang ginawa ko? Wala, wala akong ginawa dahil sinabi ko na sa sarili ko na hindi ako magugustuhan ni Jax Foras. Ngayon, ako na ang basag! Lahat ng kaibigan natin tinalikuran na ako dahil lang sa maliit kong pagkakamali! Masakit na Jax, yung dapat na maliit na sugat lang mas naging malala dahil sa inyong lahat! Naniniwala kayo sa mga kasinungalingan!" Paliwanag ko sa kanya habang umiiyak.

"Napapansin ko nga... napapansin ko na mahal mo ako... pero sorry Heather... hindi kasi kita mahal."

At mas lalong nabiyak ang aking puso sa mga sinabi niya.

"Naniniwala ka sa kasinungalingan Jax! Sinungaling si Alexine!" Sigaw ko sa kanya.

"Kung sinungaling siya sana matagal ko na siyang nilayuan! Hindi ka marunong magpahalaga ng kaibigan kaya lagi kang nawawalan! Oo alam ko sirang-sira kana pero mas sira si Alexine sa'yo! Napakasama mo Heather." Sabi niya sa akin.

"Bakit gano'n? Nasa harapan mo na yung proweba, tambak-tambak na yung ebidensya bakit hindi niyo pa rin magawang magising?" Tanong ko sa kanya at naging blanko ang tingin niya sa akin.

"Bakit kami maniniwala sa isang babaeng katulad mo?" Tanong niya sa akin.

"Plastik ka kasi Heather kaya hindi kami naniniwala sa'yo. Ayaw ko sa plastik." Sabi ni Jax at napaiyak na lang ako ng tahimik.

"Plastik ka. Layuan mo na kami kasi wala kang maganda maidudulot sa amin. Tandaan mo sa araw na ito na wala ka ng kaibigan." At doon niya ako iniwan mag-isa.

Masakit man para sa akin pero mananahimik na lang ako.

The most painful goodbyes are the ones that are never said and never explained.

✨✨✨

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon