Chapter 13

892 456 39
                                    


Heather's Point of View

Papasok pa lamang ako ng school halata na may problema ako. Nakasuot ako ngayon ng face mask para masabi ko sa kanila na may sakit ako dahil naulanan ako kahapon. Habang papasok ako sa loob ng campus tumulo ang luha ko pero pinunasan ko agad ito para walang makakita. Nakatakip iyong buhok ko sa mukha ko para walang makakita sa mata ko at para narin hindi nila mahalata na ako si Heather Ammarah Marianno, yung babaeng pinagkaka-guluhan ng lahat.

Pumasok na ako sa loob ng building at naglakad papunta sa locker ko. Binuksan ko ito at kinuha ang Math book ko at Physics. Wala na akong gana magsalita ngayon. Gusto ko muna mapag-isa pero hindi nasunod ang gusto ko. Nakita ako ni Yana, Rissa, at Elavine na nag-iisa kaya nilapitan nila ako at umupo sila sa tabi ko.

"Anong nangyari sa'yo, Heather?" Tanong ni Elavine sa akin. Napatingin ako sa kanila pero wala akong sinagot.

"And why are you wearing a mask?" Tanong ni Rissa sa akin.

"Heather... okay ka lang ba...?" Matamlay na tanong sa akin ni Yana. Kahit hindi ako okay tumango na lang ako sa kanya at bigla nila akong niyakap.

"Nagawa mo yung fifth plan?" Biglang tanong sa akin ni Elavine. Yumuko ako ng mas mababa at hindi na sumagot. Ayaw ko ng alalahanin ang mga nangyari kahapon sa garden.

"Heather? Nagawa m-." Hindi pa niya natatapos ang tanong niya nag-ring na ang bell para sa unang klase namin.

"Mamaya na lang tayo mag-usap sa cafeteria." Tinulungan akong tumayo ni Rissa at kinuha iyong bag ko na mabigat.

"I like helping, don't worry." Sabi ni Rissa sa akin at tumungo lang ako sa kanya ng mabagal.

Habang naglalakad kami papunta sa unang klase namin hindi ako nahalata ng mga estudyante ngayon dahil nakatakip yung mask sa bibig ko at nagtatago yung mga mata ko sa aking buhok.

"Are you sure you're fine?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Rissa.

Nang makarating kami sa klase namin timabihan ako ni Rissa at niyakap ako sabay ayos sa buhok ko.

"Sabihin mo kasi sa amin kung ano ang nangyari sa'yo, hindi yung dinaramdam mo kung ano man ang tinatago mo mula sa amin. Lahat kami ay nag-aalala na sa'yo kaya please lang I'm begging you, sabihin mo yung problema para matulungan ka namin." Halata sa boses ni Rissa na naaawa siya sa akin na may halong inis.

Pasaway ako sa kanila ngayon, hindi ko kasi kaya mabalikan yung nangyari kahapon. Masyadong masakit kapag iniisip mo tapos sasabihin mo pa sa kanila.

Sana hindi na lang ako nag-mahal ng todo kung hindi naman maibabalik sa akin ni Jax iyon. Sana hindi ko na lang siya nakita at nakilala. Nahulog ako sa maling tao na hindi naman ako kayang saluhin.

Ang sakit sa pakiramdam na si Jax mismo ang nagsabi kay Alexine na liligawan siya. Tama naman na ang lalaki ang manligaw pero hindi naman tama na papuntahin ako ni Alexine doon para magtago at makinig sa usapan nila. Iyon talaga ang purpose kung bakit niya ako pinapunta doon, para malaman ko na gusto siya ni Jax. Kahit hindi mo sabihin may Alexine na gusto mo ang isang tao basta kapag nahuli ka niya na nakatitig at nakangiti sa isang tao alam na niya na may gusto ka sa taong iyon at ganun ang ginawa niya sa akin.

Lagi niya akong nahuhuling nakatitig kay Jax kaya nung araw na kinakausap ako ni Jax agad niyang inagaw si Jax sa akin. Masakit sobra pero wala naman akong magagawa. Hindi ko naman kontrolado ang utak ni Jax para sabihin sa kanya na hindi sila bagay ni Alexine.

Masama ang ugali ni Alexine pero swerte siya kasi nagustuhan siya ng taong mabait at minamahal ko, si Jax Foras.

Hindi ko namalayan na nandito na pala ang teacher namin na kanina pa nagtuturo. Mabuti na lang at hindi halata na lumipad yung utak ko basta ang alam ko pagkatapos niya magtanong sa amin kung naintindihan ba namin ang lesson yung bell ang tumunog na agad.

Dahil sa lumilipad ang isip ko kanina pa wala akong natutunan kahit isang salita sa lesson niya ngayon. Ganun ako kantinde.

Hinatid ako ni Rissa sa pangalawang klase ko at hindi man lang ako nagpasalamat sa kanya. Alam ko bastos iyon pero wala ako sa mood para magsalita pati laway ko panis na. Charot lang...

Kahit nasasaktan na ako nakukuha ko pang mag-joke para kahit sad ako happy kayo pero syempre kailangan ko muna umupo para hindi ako mangalay tumayo.

Hindi ko rin pala napansin si Alexine at Jax kanina sa unang klase ko. Weird ko talaga.

Sa buong Physics class hindi ako nagsalita. Hindi ako nakinig at wala akong ginawa kundi ang maging tulala. Wala akong gana ngayon sana naman maintindihan ng mga kaibigan ko itong nararamdaman ko. Masakit na siya sobra.

Pagkatapos ng klase ko agad na akong nagtungo sa cafeteria. Nandoon na sila Yana, Elavine, at Rissa na nag-uusap na at kumakain. Maaga ata sila siguro pinalabas ng teachers nila kaya nauna sila sa akin.

Kahit anong pagkain na ang kinuha ko basta may laman tiyan ko. Umupo ako sa tabi ni Elavime at doon ko na tinanggal ang mask ko at inipit ang buhok ko. Nakita nila na namamaga ang mga mata ko at kulay pula yung ilong ko at syempre yung labi ko may lumalabas na dugo kasi kinakagat ko.

"Heather! A-ano nangyari sa'yo?" Tanong ni Yana sa akin.

Tumingin ako sa kanilang lahat at maya-maya napayakap na lang ako kay Elavine ng mahigpit. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naman kinuwento ko na sa kanila ang nangyari kahapon.

"Sinabihan ako ni Alexine na bago ako umuwi dumaan muna ako sa garden kasi may sasabihin siya sa akin." Unang paliwanag ko sa kanila.

"Kaya pumunta ako at doon ko na nakita na kausap ni Alexine si Jax kaya nagtago ako sa mga bulaklak para makinig sa usap nila." Tumulo ang luha ko pero tinuloy ko ang nangyari kahapon.

"Tinanong ni J-Jax kay Alexine k-kung pwede b-ba daw siya manli-ligaw kay Alexine." At doon na ako naiyak ng todo.

Masakit balikan ang nakaraan...

"S-sabi naman ni Alexine p-pwede daw at doon na ako tumingin sa kanila tapos nakita kong hinalikan ni Alexine si Jax sa pisngi at niyakap nila ang isa't-isa." Tulala lang silang lahat sa akin pero maya-maya niyakap nila akong lahat.

Masaya sa pakiramdam na may kadamay kang kaibigan sa oras na kailangan mo sila pero malungkot ka din dahil yung dapat na hindi mo na dapat balikan at inaalala mo dahil kailangan mong sabihin sa kanila ang mga nangyari.

"Hayop talaga si Jax. Hindi ba niya halata na gusto siya ni Heather?!" Naiinis na sabi sa amin ni Rissa.

"Dapat talaga sinabi mo na lang yung nararamdaman mo sa kanya." Sabi naman ni Yana.

"Basta nandito lang kami para sa'yo. Handa kaming tulungan ka sa mga oras na kailangan mo kami. Huwag kana umiyak hindi pa ako patay." Sabi ni Elavine at napatawa silang lahat.

"Masakit..." Sabi ko.

"Sobrang s-sakit... umaasa ako na gusto din niya ako kasi lagi niya akong kinakausap at nilalapitan iyon pala si Alexine yung gusto niya... ang sakit..." Sabi ko habang tumutulo ang luha ko.

Nandito lang sila niyayakap ako at pinapalakas ako pero masakit parin. Hindi ko na kaya, masakit na masakit na. Gusto ko na lang gumising ng isang araw na ayos na ang lahat pero hindi iyon mangyayari dahil ang mga sugat at sakit na iniwan ni Jax sa puso ay hindi na maaalis.

Why do you call it a crush?

Because that's how you feel when they don't feel the same way in return.

✨✨✨

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon