Chapter 12

916 468 36
                                    


Heather's Point of View

"How was the plan?" Tanong agad sa akin ni Elavine.

"Nagawa ko na yung fourth plan, iisa na lang ang hindi." Sagot ko naman kay Elavine habang iniinom yung mango shake na binili ko sa cafeteria.

"Friends na talaga kayo? Pati yung dalawa niyang alagad?" Tumango ako kay Elavine at niyakap niya ako.

"Ang galing mo talaga!"

"May feeling ko na pinaplastik ka lang nilang tatlo kaya mag-ingat ka imbis na ikaw ang magtagumpay sa huli baka ikaw pa ang matalo." Sabi sa akin ni Rissa.

May point din si Rissa sa mga sinasabi niya sa akin. May chance na kunware lang na gusto nila akong maging kaibigan tapos sa huli ako naman ang matatalo.

"Tama si Rissa. Kahit tanga-tanga minsan si Alexine, matalino parin siya pagdating sa mga bagay na paghihiganti." Sabi ni Yana at nagtinginan sila ni Rissa.

"Basta gagawin mo ang pang-lima nating plano. Kilala ka na ng ibang estudyante dito. Gaya nung nangyari sa'yo kahapon na kinuwento mo sa amin ngayon. Yung si Fraye binigyan ka ng sketch hindi lang naman siya ang may kilala sa'yo halos lahat na ng estudyante dito dahil sobra mong astig tapos maganda ka pa kaya kayang-kaya mo matalo si Alexine sa madaming paraan." Sa totoo lang nakakatulong yung mga payo sa akin ni Elavine. Alam ko naman na magtatagumpay ako dahil nagawa ko naman na lahat ng plano at iisa na lang.

"Mga binibini maaari ba kaming maki-upo sa inyo?" Tanong ni Jax sa amin.

Tulong! Puso ko!

"Oo naman." Tumabi si Deo sa akin at si Jax naman ay kay Elavine at si Nixon ay kay Yana.

Nainis ako kay Jax dahil hindi man lang siya tumabi sa akin. Bitter tuloy ako ngayon dahil sa kanya. Kumaway naman siya sa akin pero hindi sapat iyon.

"Kamusta buhay natin?" Tanong ni Deo.

"Walang tayo..." Asar ko sa kanya.

Kapag ako talaga naging bitter mode hindi na talaga ito matatanggal buong araw pero kung lalapitan ako ni Jax at kakausapin ako doon mawawala ang bitter mode ko.

"Ouch..." Bulong niya pero narinig ko naman ito.

"Sorry not sorry." Sabi ko sabay irap sa kanya. Alam ko napaka-sama ng ugali ko ngayon pero wala akong magawa kasi si Jax lang talaga ang gamot sa pagiging bitter ko.

"Bakit ka pa nagsorry kung not sorry naman?" Sa totoo lang sabog ako sa tanong ni Deo pero hindi naman ako nagpatalo.

"Masama ba?"

"Hindi." Sagot niya.

"Hindi naman pala so why don't you mind your own business?" Napa-English na tuloy ako kay Deo kasi lagi na lang niya ako kinakausap ng English kaya kasalanan din niya ito.

"Because I don't want to, and why are you so harsh today?" Tanong niya.

"Nothing..." Nothing pero bitter tapos harsh.

"If you say so." At doon na natapos ang usapan namin ni Deo Brent Wang.

Tumayo ako mula sa upuan ko para pumunta ng restroom at bago ako maglakad inirapan ko muna si Jax nang hindi halata at umalis na. Nang buksan ko ang pinto ng restroom nakita ko si Alexine doon naglalagay ng make-up sa mukha niya.

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon