Chapter 37

821 414 48
                                    


Heather's Point of View

"Ang bilis ng araw, malapit na agad matapos ang buwan ng February. Ano kaya mangyayari sa March?" Tanong sa akin ni Elavine habang ako naman ang nagbabasa.

Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno nag-aantay sa iba. Wala na rin kaming masyadong ginagawa ngayon. Nakapasa naman na kami lahat ng requirements namin. Ang hindi na lang namin nagagawa ay ang last exam namin which is on March na.

"Exams and exams and exams." Sagot ko naman sa kanya.

"Naiisip ko pa lang yung exam natin sa Math hindi ko na kakayanin." Tumingin ako sa kanya at ngumiti habang siya naman ay nag-iisip pa rin.

"Kakayanin mo. Madali lang naman kung iintindihin mo yung lessons eh. Tsaka nandito naman ako para turuan kayo." Napabuntong-hininga si Elavine at ginulo ang buhok ko.

"Ang cute talaga ng bunso namin." Sabi nito sa akin.

"Bunso? Baka si Yana bunso niyo."

"HEATHER!" Nagulat na lang kaming dalawa ni Elavine nang biglang sumulpot si Rissa.

"Kamusta mga gays?" Tanong niya sa amin sabay upo sa tabi ko.

"Gays?" Sabay na tanong namin kay Rissa.

"I mean guys. Kayo naman eh." Agad na paliwanag niya.

"Hindi niyo ba alam na madaming langgam dito? Bakit dito pa kayo umuupo?" Tanong ni Nixon sa amin.

"Wala namang kumakagat sa amin eh." Sabi ko sabat tingin sa inuupuan ko.

"Ay! Aantayin mo pang makagat ka?" Natatawang tanong ni Nixon sa akin.

"Mama mo makagat." Naiinis na sumbat ko sa kanya.

"Ate Heather, Ate Elavine, Ate Rissa, Kuya Nixon!" Tumingin si Nixon kay Yana at nginitian ito.

"May kuya ka pang nalalaman eh alam ko namang gusto mo ako." Confident na sabi ni Nixon.

"Magaling ka na niyan?" Sumbat ni Yana.

"Burn!" Tumingin kami kay Rissa at bigla siyang tumawa ng weird.

Minsan natutuwa talaga ako sa expressions ni Rissa. Ang cute kasi niya lalo na kapag nambabara. Pero wala akong gusto sa kanya. Para sa akin flirt lang yung mga ginagawa niya.

"Asan na kaya si Jax?" Tanong ni Rissa.

"Matutong mag-antay. Siguro may gusto ka kay -." Bago pa matapos ni Elavine ang kanyang sasabihin agad naman ng nag-react si Rissa.

"Ano? Ako magkakagusto sa lalaki? No way in the way on my way. So weird." Nagtinginan kaming lahat na para bang naguguluhan sa sinabi niya.

"Ano daw? No way in the way on my way? Ano kaya 'yon." Tanong ni Yana.

"No way in the way on my way." Inulit ni Rissa.

"Jax and Deo my boys!" Tumingin ako sa tatlong lalaki at agad silang naglabas ng kanilang mga cellphone.

"Pasahan mo ako mamaya nung video na na-download mo,bro." Sabi ni Nixon kay Deo.

Video?

"Suking-suki kayo sa google ah. Nood ng nood ng weird." Sabi ni Yana sa kanila.

"I love weird... things." Sabi ni Rissa sabay kindat sa amin.

Adik...

"Share mo lang, Rissa?"

"Tinatamad na ako mag-aral." Sabi sa amin ni Elavine habang nakatingin sa mga dumadaan sa campus.

"Tinatamad na nga akong pumasok eh. Wala naman nang masyadong ginagawa." Sabi naman ni Yana habang napabuntong-hininga na lamang.

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon