Chapter 31

842 423 35
                                    


Heather's Point of View

"Heather!"

Hindi ako lumingon. Patuloy pa rin ako sa paglalakad.

"Heather Marianno!" Naririnig ko na papalapit na ang taong tumatawag sa akin.

"Heather Ammarah Marianno!" Lumingon ako at nakita ang pagod na pagod na Nathalie.

"Bakit?" Naiiritang tanong ko sa kanya.

Bago pa man siya magsalita pinunasan muna niya ang kanyang tumutulong pawis bago ako kausapin.

"Gusto kita kausapin... kung pwede..." Mahinang sagot sa akin ni Nathalie.

Inirapan ko siya at patuloy ulit ako sa paglalakad.

"Heather! Mahalaga ito! Tungkol sa kaibigan natin ito! Si Fraye!" Nanlaki ang mga mata ko nang banggitin niya ang pangalan ng taong hindi na nagpaparamdam sa akin.

"Bakit? Ano ang nangyari sa kanya?" Mabilis kong tanong kay Nathalie.

"Magsalita ka!" Naiiyak na sigaw ko sa kanya.

"Hindi ko maaaring sabihin sa'yo ngayon. Kung pwede mamaya na lang. Kapag binanggit ko ito ngayon sa'yo baka hindi ka makapag-aral ng maayos. Mamaya, sa garden tayo magkita pagkatapos ng klase natin. Doon tayo mag-uusap." At umalis siya sa aking paningin.

"Hinabol mo pa ako di'ba?" Inis na sumbat ko sa kanya.

"Pasensya na." Sabi naman nito.

Tama siya, importante man ito dahil kaibigan namin si Fraye pero mas kailangan ko munang mag-aral. Ayaw kong bumagsak dahil sa iniwan ako ng mga kaibigan ko.

Hindi kami maaaring maging maayos ngayon pero pangako ko sa aking sarili na magiging maayos kami bago pa maging huli ang lahat. Gagawa ako ng paraan.

"Ilang araw ko na itong pina-assignment. Bakit hindi niyo pa nagawa ng maayos?! Kung gusto niyo ng mataas na grado gumawa kayo ng maayos!" Sigaw ng aming guro sa aming lahat.

Hinagis niya lahat ng folder namin na para bang naging flying folder na ang nangyari at habang tinitignan ko siyang ihagis iyong mga folder namin ay naiiyak ako. Pinag-hirapan namin ng husto tapos itatapon lang niya sa maduming semento.

"Magsalita nga kayo kung bakit ganyan ang mga gawa niyo?!"

Ni-isa sa amin walang naglakas loob na tumayo para ipaliwanag ang nangyari. Para sa akin naman tama ang nagawa ko dahil nasunod ko naman ang lahat ng gusto niya na dapat makita sa loob ng folder namin pero hindi niya pa nakikita ang folder ng iba hinagis na niya lahat dahil sa isang maling folder na gawa ng isang kamag-aral namin.

"Ano?! Wala?!" Tumayo ako at tumingin sa kanya ng deretso.

"Ma'am, lahat naman po ng dapat niyong makita sa folder namin ay ginawa namin. Hindi naman po ibig sabihin na kapag yung isa mali, lahat na kami mali ang ginawa. Pinaghirapan po namin at pinagpuyatan ang folder namin para may maipasa po kami. Tsaka ma'am don't judge a book by it's cover po. Hindi mo pa nakikita ang loob tinatapon mo na agad dahil sa nakita mo sa labas. Last ma'am, pumasok po kami para matuto at hindi para mapahiya at makilag-sapalaran." Umupo ako at ang mundo ko ay naging tahimik.

Ang terror teacher namin ay nanahimik rin sa aking mga nasabi sa kanya. Maya-maya dito na siya nagalit.

"Naging estudyante rin ako katulad niyo kaya huwag mo akong sabihan ng ganyan. Ako noon, top student, nagagawa ng tama ang mga takdang aralin ko. Hindi katulad niyo baboy ang ginagawa niyo!"

"Ma'am hindi naman po lahat ng tao pare-parehas ng katalinuhan at talento. Kung ikaw po ay top student noon at maayos ang gawain, sorry ma'am hindi po kami ganoon katulad mo kasi hindi naman po namin pinangarap maging isang teacher. Kung ang isang teacher ay hindi maituro ang lahat ng subject mas lalo pa ang estudyante na katulad namin na starting pa lamang. Sorry po ma'am pinagtatanggol ko lang po ang mga kabataan ngayon. Hindi naman po lahat ng kabataan ngayon ay pangit ang ugali. Sinusubukan po naming maging maayos para sa kinabukasan ng mundong ito." Sumbat ko sa kanya.

"Matalino ako kaya ako nakapag-aral hindi katulad niyo mga walang alam." Sabi niya sa amin.

"Ma'am hindi naman po nababase ang pag-aaral sa katalinuhan. Ang kailangan lamang ay matutong makinig, maging masipag at gawing inspirasyon ang pamilya mo para maabot mo ang iyong pangarap. Ganoon po ang aking ginawa bilang mag-aaral. Kahit wala na po akong tatay inspirasyon ko po sila ng aking nanay dahil kung hindi dahil sa kanila wala ako sa mundong ito at hindi ako nakakapag-aral. Ma'am wala rin po kayong karapatang sabihan kami ng masasakit na salita dahil tinuturuan niyo lang po kami. Hindi niyo po kami pinalaki at pinakain." Doon ko na tinigil ang sumbat ko sa kanya at naupo na ako.

"Tama ka sa mga sinasabi mo Miss Marianno pero wala kang karapatang bastusin ang iyong mga guro." Napakagat ako sa labi at tumungo.

"Ma'am sabi mo kasi ipaliwanag kung bakit ganyan ang mga gawa namin. Ang gusto ko lang naman po ipahiwatig ay ginawa po namin ang lahat para sa grades namin pero bakit hindi niyo pa po kayang tanggapin ang paghihirap namin? Ma'am, dumaan po kayo sa sitwasyon namin. Mahirap po ma'am pero hindi niyo naman po kailangang maging terror na teacher para takutin kami at pakabahin. Pangalawa po namin kayong mga magulang ma'am. Pasensya na po sa aming mga mali, hindi po kami perpekto." Sabi ko.

Tumunog na ang bell at tumingin siya sa aming lahat.

"Pakipulot ng mga folders at ilagay niyo sa Science Faculty. Sa table ko." Sabi niya sa dalawa naming kaklase.

Lumabas na siya at lahat ng mga kaklase ko lumapit sa akin.

"Thank you talaga Heather. Kung hindi dahil sa'yo baka hindi natanggap yung gawa namin na pinaghirapan namin." Ang iba pinasalamataan ako at ang iba naman ay niyakap ako.

Masaya na ako na nakatulong ako sa aking kapwa estudyante dahil pare-parehas lang naman kami ng kinalalagyan ngayon.

Natapos ang klase namin at sinunod ko ang gusto ni Nathalie. Pumunta ako sa garden para kausapin siya tungkol kay Fraye. Habang nag-aantay ako pinagmamasdan ko ang buong garden at maya-maya dumating na si Nathalie para kausapin ako.

"Ano na?" Nagmamadali kong tanong kay Nathalie.

"Huwag ka magmamadali. Hindi tatakbo yung ibabalita ko." Sumbat nito.

Nag-usap kami saglit tapos maya-maya doon na siya bumanat. Bigla na lang tumulo ang kanyang luha bago pa man niya sabihin ang balita sa akin.

"Nathalie, sabihin mo na..."

"Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa'yo pero Heather..." Tumigil siya ng saglit at sinabi na sa akin kung ano na ang balita.

Remembering you is easy, I do it everyday; but missing you is a heartache that never goes away.

✨✨✨

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon