Chapter 11

944 469 41
                                    


Heather's Point of View

"Yung pang-apat na plano natin hindi lang para kay Alexine 'yon, gawin mo na rin 'yon para sa mga kaibigan niya. Sana magawa mo 'yon dahil mahirap talaga silang maging kaibigan pero alam ko naman sa sarili ko na magagawa mo 'yon tiwala lang." Sabi ni Elavine sabay ayos sa buhok ko.

"Hindi talaga kita maintindihan Elavine. Mabait na nagre-revenge? May gano'n pala." Sabi ni Rissa. Humarap si Elavine kay Rissa.

"Hindi lahat ng taong mabait hindi na kayang gumanti at hindi lahat ng taong masama kayang gumanti." Sabi niya.

Walang imposible pagdating sa akin. Mabait man ako sa inyong paningin, may tinatago parin akong masamang ugali ko at natutunan ko 'yon dahil kay Alexine." Paliwanag ni Elavine kay Rissa. Hindi ako makapaniwalang masasabi ni Elavine iyon pero hindi naman natin siya masisisi. Kung ganito man siya umarte minsan ito at dahil kay Alexine. Kasalanan ni Alexine ang lahat kaya dapat lang siyang magbayad.

"At kahit anong mangyari gagawin mo ang plano natin." Sabi sa akin ni Yana.

"Gagawin ko iyon, maghahanap lang ako ng tamang oras para gawin iyon." Sabi ko sa kanila.

Lumipas ang ilang subject at isang subject na lamang bago matapos ang sa loob ng paaralan. Pumasok na ako sa huling klase ko, Filipino at umupo sa likod. Nandito si Deo kaya naman hindi ako alone.

"How are you?" Tanong ni Deo sa akin at umupo sa tabi ko.

"Fine." Matipid kong sagot. Wala ako sa mood para magsalita pero para sa kanya pipilitin ko dahil kaibigan ko siya.

"Sweet niyo kahapon ni Jax sa beach. Napinsin ko." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Hindi naman sa sweet. Kaibigan ko siya parang kuya ko na. Masaya lang talaga siyang kasama at kausap." Sabi ko kay Deo pero ang totoo nagsinungaling ako.

"Bahala ka, your choice." Sabi ni Deo.

"Alam mo... bagay kayo ni Nathalie." Sabi ko kay Deo. Tumingin agad siya sa akin at napangisi.

"I know..." Nanlaki ang mga mata ko sa sinagot niya sa akin.

Are you thinking what I'm thinking?

"What? Are you serious? Type mo siya?" Tanong ko kay Deo. Kinikilig naman ako sa kanila.

Kahit kaaway namin sila Nathalie, Kylee at Alexine, ship ko parin si Deo at Nathalie DeoLie for life.

"Who? Nathalie Marsh?" Tanong ni Deo sa akin. Tumango ako ng mabilis at napatingin lang siya sa taas.

"Ewan ko pero kung type ko siya ako ang unang magsasabi sa inyo hindi yung kayo ang nagtatanong." Sabi ni Deo sa akin. Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Akala ko type mo, eh." Nadismaya ako pero may feeling ako na may gusto siya kay Nathalie kaya DeoLie for life.

"Maraming namamatay sa akala." Sabi ni Deo sa akin.

"Pero hindi ako namatay." Sumbat ko naman at tawa lang ang sagot niya sa akin.

Sa buong oras ng Filipino nakinig ako dahil wala akong kadaldalan. Hindi naman masyadong madaldal si Deo kaya tahimik lang ako na nakikinig pero ang totoo pasok sa kaliwa, labas sa kanan para masabi lang nila na nakikinig ako.

Salamat sa bell at tumunog na ito. Boring ang Filipino sa akin pero okay naman yung grades ko sa subject na ito. Lumabas na kami ni Deo ng classroom at nakita ang iba pa naming kaibigan.

"Guys una na ako, kailangan ako ng Mama ko." Sabi ni Rissa at sabay lakad papaalis.

"So, kita na lang tayong lahat tomorrow?" Tanong ni Nixon sa amin.

"Sige, ingat ka." Sabi ni Jax kay Nixon at tuluyan na itong umalis. Lumapit si Elavine at Yana sa akin para magtanong.

"Nagawa mo na?" Tanong ni Yana.

"Nope, hindi pa pero ang alam ko pupunta sila N.A.K mamaya sa garden kaya doon na ako aariba." Bulong ko sa kanilang dalawa.

Hindi alam ni Nixon, Deo at Jax ang mga plano namin kaya dapat mahina lang ang boses namin.

"N.A.K?" Naguguluhang tanong ni Elavine sa akin.

"N for Nathalie, A for Alexine, and K for Kylee kaya N.A.K." Natawa si Yana sa sinabi ko pero agree siya na ang ganda daw ng group name ko para sa kanila.

"N.A.K, nakakaloka at kabog." Napatawa kaming tatlo sa sinabi ni Yana at napatingin si Jax at Deo sa amin.

"Why are you guys laughing?" Tanong ni Deo sa amin.

"Wala, girly talks." Sabi ni Elavine at hinila kaming dalawa ni Yana papalayo sa dalawang lalaki.

"Basta ang payo ko sa'yo gawin mo na ang pang-apat na plano. Sige, mauuna na ako kailangan ko pang tulungan si Mama sa bahay." Sabi no Elavine.

"Ako rin uwi na ako. Bye best friend!" Kumaway ako sa kanya at naiwan ako sa dalawang lalaki na ito.

"Hindi ka paba uuwi?" Sabay pa silang nagtanong sa akin.

"Mamaya na... may gagawin pa akong importante." Sabi ko sa kanila at sakto naman na nakita ko si Alexine at yung dalawa na papunta na sa garden.

Gaya ng ginawa ko kahapon sinundan ko sila pero hindi ako nagpahalata. Umupo silang tatlo sa bench at nagusap-usap silang tatlo.

"Miss Marianno." Nagulat ako nang may tumawag sa akin.

"Bakit po?" Tanong ko sa isang estudyante na nasa harapan ko.

"Idol po kita sana magustuhan mo yung ginawa kong sketch para sa'yo. Pinaghirapan ko po talaga gawin 'yan." Sabi niya sa akin. Tinignan ko yung sketch na ginawa niya para sa akin at nagpasalamat ako.

"Salamat sa gawa mo." Sabi ko sa kanya at bigla niya akong niyakap.

"Welcome po, ate! By the way, I am Fraye." Sabi niya sa akin.

"Thank you Fraye." Pasalamat ko sa kanya at tumingin ulit sa tatlo na nag-uusap parin.

Lumapit na ako sa kanila at napatingin agad silang tatlo sa akin.

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Kylee sa akin.

"Hi sa inyong tatlo." Bati ko sa kanila. Nagtinginan sila sa isa't-isa at tumingin sa akin si Alexine.

"Mind telling me why you are here?" Tanong ni Alexine sa akin.

"I wanna be friends with you, please accept mo as your friend." Tumayo agad si Nathalie at hinarap ako.

"Hind kami nakikipag-kaibigan sa talunan!" Sigaw ni Nathalie sa akin. Nainis ako pero kailangan kalmado lang dahil kinukuha ko yung loob nila.

"Nathalie!" Tumayo si Alexine at lumapit sa akin.

"If that's what you want then... yes." Sabi ni Alexine sa akin. Ngumiti ako sa kanilang tatlo lalo na kay Nathalie.

"Thank you." Sabi ko sa kanila. Hindi man lang sila nagsalita basta iniwan na lang nila akong tatlo sa garden. Nang makaalis sila ngumiti ako sa sarili ko.

Fourth plan, be friends with your enemy, Check!

✨✨✨

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon