Chapter 2

2.2K 522 387
                                    


Heather's Point of View

"Seryoso Rissa? Babae ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ang kulit naman ni Heather. I just said earlier that I'm bisexual." Sagot ni Rissa sa akin.

Nakakatindig balahibo talaga itong si Rissa. Sabi ko na nga ba may pagka-tibo siya. Habang kumakain ako napapatingin siya sa akin.

"Rissa you're so weird." Sabi ko sa kanya.

"Can't help it though, you're so freaking beautiful." Sagot naman niya sa akin. Nabulunan tuloy ako sa sinabi niya.

"Oops! Sorry! Maganda ka naman kasi talaga eh." Asar niya sa akin at sabay tawa. Inirapan ko na lang siya at tinuloy ko ang pagsubo ng pagkain ko.

"Ano ang susunod mong klase?" Tanong sa akin ni Rissa.

"Physics." Sagot ko tapos biglang hinawakan niya yung kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Promise me something, please." Hindi pa ako nagsasalita may sinabi na naman siya.

"Kapag may mga lalaking nagfli-flirt sayo or gustong kuhanin yung phone number mo please huwag mo ibigay." Napataas ang kilay ko sa mga sinabi niya.

"Pinaglalaban mo Rissa?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw. Ikaw ang pinaglalaban ko." Sabi niya tapos biglang nagring yung bell signaling for us to go to our next class.

"Promise?" Tanong niya sa akin.

Seryoso, babae ba ito o lalaki? Adik ba ito? Pero kahit naiinis ako kay Rissa tumango na lang ako para wala ng away.

"Wait! Pakiss ako!" Ayun ang hindi ko pwedeng tanguhan. Tumakbo na lang ako para walang ganap kaso nung tumingin ako sa likod ko wala na siya. Relief naman iyon para sa akin kaso pagkaharap ko nandoon na siya kaya agad ko naman siyang sinampal.

"Rissa! Pasensya na!" Napahawak siya sa pisngi niya pero nakatawa parin siya.

"I was just teasing you. Hindi ka mabiro Heater." Sabi niya sa akin.

"Excuse me! For your information, it's Heather not heater na ginagamit sa ibang bansa pampainit ng kuwarto." Naiinis kong sabi kay Rissa.

"Walang may pake..." Doon ko lang narealized na kailangan ko na talaga siyang sapakin kaya ginawa ko.

"Kahit ngayon lang kita nakilala kaya kitang saktan. Ang pangit mo nakakainis ka!" Tumatawa lang si Rissa habang sinasapak ko siya.

Adik diba? Kakaiba talaga.

"Pumasok kana sa Physics room! Nandyan na si Mr. Rowan." Nakita namin sa hallway si Mr. Rowan kaya naman bago umalis si Rissa sinigurado muna niya na nasa loob na ako ng room.

Nakahanap naman ako ng upuan sa likod at agad na akong umupo. Yung upuan sa gilid ko wala pang nakaupo. Nag-iisa ako dito sa likod. Pumasok na si Mr. Rowan at inayos ang mga gamit niya sa desk.

"Sorry I'm late Mr. Rowan." Sabi nung babae na nakatayo ngayon sa main door ng classroom. Tumingin ang lahat sa kanya at pati na rin si Mr. Rowan.

"Miss Smith kailangan mo na magbago. First day of class tardy agad." Sabi ni Mr. Rowan sa kanya.

Kilala agad ni Mr. Rowan yung babae?

Pinapasok siya ni Mr. Rowan sa classroom at umupo sa tabi ko.

"Hi, Loreana Seryna Smith. You?" Tanong niya.

"Heather Ammarah Marianno." Nagshake-hands kami tapos biglang may tanong na nagpop sa utak ko.

"Bakit kilala ka agad ni Mr. Rowan? First day of classes pa lang ngayon?" Tanong ko kay Loreana.

"Lagi kasi akong late pumasok sa klase niya noon hanggang ngayon pero magbabago na ako." Natawa lang ako sa sinabi niya.

"By the way, Yana na lang ang itawag mo sa akin masyado kasing mahaba yung Loreana." Tumango na lang ako at nagtanong ulit.

"Kilala mo ba si Rissa Winfield?" Tanong ko ulit kay Yana.

"Rissa? Yung bisexual girl?" Tinakpan ko yung bunganga niya gamit ang kamay ko at tumango siya.

"Bakit? May masama ba siyang nagawa sayo?" Tanong ni Yana sa akin.

"Hindi kaso ganun ba talaga siya? Yung parang iinisin ka tapos kukulitin?" Tanong ko kay Yana.

"Oo, masaya naman siya kasama kasi kahit ganun si Rissa mabait siya."

"Ah... eh... sabi ko nga mabait siya." Nakakahiya naman magkuwento kay Yana tungkol kay Rissa. Kasalanan talaga ni Rissa ito.

Boring para sa akin ang Physics kasi wala naman talaga akong interest na matuto tungkol sa mga ganto. Nag-aaral pa ako... mabuti naman at mabilis ang oras kaya naman agad na kaming lumabas ng room ni Yana. Sabi sa akin ni Yana gusto niya makipag-kaibigan sa akin kaya syempre okay sa akin.

Nagulat na lang ako ng narinig ko yung boses ni Rissa. Nakasandal siya sa pader habang nakatingin sa amin ni Yana.

"Oh! Hi Rissa. Kamusta buhay mo?" Tanong ni Yana sa kanya.

"Okay lang naman. So, kinakalimutan mo na ako Heather? Ganun na lang yung pinagsamahan natin? Minahal kita pero ako hindi mo man lang napansin?" Sa totoo lang nakakairita si Rissa.

"Rissa, anong problema mo? Tumahimik ka na nga! Sumama ka na lang sa amin ni Yana." Sabi ko sa kanya.

"Duh! Ito yung next class ko, Physics." Sabi sa akin ni Rissa.

"Sorry naman tao lang ako. Sige, ingat ka na lang kay Mr. Rowan. Makinig ka ng maigi sa lesson niya para kapag recitation time makasagot ka. Isa-isa kayong patatayuin kapag hindi kayo nakasagot." Sabi ko kay Rissa pero syempre niloloko ko lang siya para magtino naman na siya.

"Patay na tayo dito." Narinig kong sabi ni Rissa.

"Grabe ka naman kay Rissa. Natakot naman siya. Uto-uto talaga yung babaeng iyon." Natatawang sabi ni Yana sa akin.

"Hayaan mo na. Ganun lang ako kasaya mang-asar sa mga kaibigan ko kaya ikaw na ang susunod." Sabi ko kay Yana.

"Wow, pagkatapos kitang makilala ganyan na agad trato mo sa akin." Sabi ni Yana sa akin.

"Joke lang!" Agad kong sabi sa kanya.

Nakarating na kami sa klase namin at salamat sa upuan komportable naman ang pakiramdam ko.

"Kilala mo ba si Jax Foras, Deo Brent Wang at Nixon Arkinson?" Tanong ni Yana sa akin.

"Si Deo lang kilala ko pero yung dalawa hindi kona kilala." Sagot ko.

"Kailan mo naman nakilala si Deo?" Tanong ni Yana sa akin. Inalala ko yung nangyari kanina.

"Nakilala ko siya kanina kasi tinulungan niya akong hanapin yung Principal's Office para makuha ko yung schedule ko."

"Sana lahat!" Sabi niya sa akin.

"Pero sa ngayon gusto ko makilala si Jax Foras at Nixon Arkinson." Sabi ko at natuwa naman si Yana.

"Hinding-hindi mo pagsisisihan Heather." Sabi sa akin ni Yana.

Sana nga...

✨✨✨

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon