Chapter 30

926 417 277
                                    


Heather's Point of View

Hanggang ngayon hindi pa rin nasasabi sa akin ni Nathalie ang nangyayari kay Fraye. Binabaan niya ako ng telepono kahapon habang nag-uusap kami. Hindi ko rin siya mahagilap ngayon sa school kasi hindi ko siya nakikita. Wala akong nakitang aninag ni Nathalie sa mga klase ko.

Hindi muna ako umuwi ng bahay dahil mas gusto ko munang tumambay dito sa library. Habang nagbabasa ako ng libro tumutulo ang luha ko dahil damang-dama ko ang mga pangyayari sa binabasa ko.

"Bakit ka umiiyak, hija?" Tanong sa akin ng librarian.

"W-wala po. Nagbabasa lang po ako." Sagot ko sa kanya. Tumango ito at iniwan ako.

Ito naman kasing binabasa ko, nakakaiyak.

"Ano! Hindi naging sila?!" Sigaw ko. Tumingin sa akin ang mga nananahimik na estudyante na nagbabasa ng matiwasay doon at nilapitan ako ng librarian.

"Hija, library ito sana maintindihan mo ako." Bulong sa akin ng librarian.

"O-opo, pasensya na po." Nanlaki ang mga mata ko at iniwan na niya ako.

Wala pang isang oras nang matapos ko itong mabasa kaya naman ibinalik ko ito sa shelf kung saan ko kinuha at pumunta naman sa cafeteria para kumain mag-isa. May mga tao pa naman na natira dito kaya hindi ako mag-isa. Sa wakas hindi na ako nag-iisa.

Bumili ako ng kanin na may kasamang ulam, malamang paano akon kakain kung walang ulam? Ano tanga lang?

Nang makaupo naman ako may nakita akong lalaki at babae na ang sweet sa isa't-isa. Ang babata pa eh lumalandi na ang mga pusang ito. Dinaig pa yung Tita ko. Habang kumakain ako parang nanonood na rin ako ng romance movie dahil sa sobrang sweet nila nilalanggam yung cafeteria namin. Nagsusubuan pa talaga silang dalawa tapos itong si babae feel na feel naman niya na sinusubuan siya ng lalaki ng pagkain. Akala niya isa lang siya iyon pala madami silang sinusubuan ng pagkain.

Nahalata naman nila na nakatitig ako sa kanila talagang ayaw pa nila tumigil. Ang paaralan ay hindi lugar para sa kalandian. Ito ay lugar kung saan dapat bigyang respeto natin ang ating mga sarili. Pinag-aaral tayo ng magulang natin tapos ayon pala may boy/girlfriend na pala sila na hindi alam ng mga magulang nila.

Tapos kapag naiwan iiyak sila. Mga mukhang engot lang eh. Hindi na natuto. Aaminin ko bitter ako pero kahit may kabiyak ako hindi ko gagawin ang mga bagay na ito sa publiko dahil masama iyon. Nakakainis na buhay, wala man lang silang patawad.

"Ate, kuya baka naman pwedeng kumain muna kayo bago maging sweet sa isa't-isa." Sabi ko sa kanila habang naka-ngiti ng plastik.

"Ate, ikaw na lang lumayo sa amin. Nasisira araw namin sa'yo." Sumbat nung babae sa akin.

"Bitter ka lang kasi..." Dagdag nung lalaki.

"Oo aaminin ko bitter ako pero kayo aaminin niyo bang malalandi kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Sweet lang kami, hindi kami malandi. For your Fyi ikaw yung malandi!" Sumbat nung babae sa akin.

"Ang bobo! For your fyi daw." Bulong ko sa sarili ko.

"Ako bobo? Share sml?" Napakamot ako sa ulo ko ng madiin dahil sa katangahan ng babaeng ito.

"Share na nga sml pa?" Tanong ko sa kanya.

"Anong pakialam mo doon? Tama naman ako." Sabi sa akin nung babae na may kasamang taray. Wow, taray mali naman pinagsasasabi.

"Para mo na kasing sinabi na ang buhay ay parang life." Sagot ko sa kanya ng naiinis.

"Oh, tama naman ah!" Sabi niya sa akin.

"Ate... parehas lang kasi yung for your fyi tapos share sml. Dapat kasi for your information tsaka share mo lang." Inirapan ako nung babae at ako naman syempre palaban tinarayan ko siya.

"I dunt want hir enemor beyb... let's us go!" Sabi niya ng naiinis sabay hatak sa boyfriend niyang pangit. Tinarayan niya ako at ngumiti ako na para bang nang-iinis.

"Think before you speak!" Pahabol kong quote para sa babaeng iyon.

"Let's na nga us pa." Bulong ko sa sarili ko.

"Paano kaya 'yon?"

Sumakit ng todo utak ko sa kanya. Ang sakit nilang dalawa sa utak. Nakakabanas mga itsura lalo na si ateng for your fyi, share sml.

Pagkatapos ko naman kumain agad akong tumungo sa garden kung saan may oras akong mag-isip ng mag-isa. Umupo ako mag-isa sa bench at ngumiti sa mga roses na nasa harapan ko.

Ang sarap mapag-isa kahit ilang minuto lamang. Kasi dito tahimik, masaya, at nakakaaliw. Titingin ka lamang sa paligid mo talagang ngingiti ka na mag-isa.

Huwag ka mag-alala... mahal ka pa nila...

Huwag ka mag-alala... mahal ka pa nila...

Huwag ka mag-alala... mahal ka pa nila...

Huwag ka mag-alala... mahal ka pa nila...

Huwag ka mag-alala... mahal ka pa nila...

Huwag ka mag-alala... mahal ka pa nila...

Inuulit ko iyon sa isip ko dahil iyon ang tinatak ni Fraye sa puso at isip ko. Huwag daw ako mag-alala dahil mahal pa nila ako. May pulang puso pa rin sila. Kaya pa nila ako patawarin pero sa tamang panahon nila ako mapapatawad. Bawat araw na tumatakbo hindi ako nawawalan ng pag-asa na isang araw mayroong lalapit sa akin at hahatakin ako para yakapin ng sobrang higpit at iiyakan ako at kakatakutan nang mawala ako sa tabi nila. Ang sarap sa damdamin kung ganoon ang mangyayari kaso hindi ako ang magtatakda ng mga mangyayari.

Anong oras na kaya naman naisipan ko ng umuwi sa amin baka kasi hanapin na ako ni Mama. Nang makauwi ako binati ko ang Mama ko at naglinis ng matiwasay at kumain. Pagkatapos ko naman kumain umakyat na ako sa kuwarto ko para maglinis ng katawan at lumipas naman ang ilang minuto nakatapos na akong magbihis. Nagpahinga ako sa kama ko at maya-maya may pumasok na paro-paro na kulay kayumanggi sa kuwarto ko. Dumapo ito sa kamay ko at natuwa naman ako.

Hindi ko alam kung anong mayroon pero bigla na lamang tumulo ang mga luha ko ng umalis ang paro-paro. Tumayo ako at sinara ang bintana at tumingin sa mga bituin.

Ihahanda ko ang sarili ko kung sakali mang babalikan ako ni Fraye para kamustahin niya ako pero kung hindi na man na niya ako mababalikan ayos lang basta masaya siya kung nasaan man siya.

I would rather walk with a friend in the dark, than alone in the light.

✨✨✨

Author: 30th chapter na tayo so let's have a game. Very simple just 'Ask Me Anything' and I will answer it a hundred percent true.

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon