Chapter 7

1.1K 461 19
                                    


Heather's Point of View

Pagkatapos ng klase agad kaming nagtungo sa gym. Kung saan gaganapin ang stage play nila Rissa at Alexine. Nagpapasalamat naman ako at magkalaban so Rissa at Alexine dahil kung parehas silang nasa iisang grupo at nanalo ang grupo nila hindi ko tanggap ang pagka-panalo ni Alexine. Binigay ko na ang ticket para makapasok ako at umupo sa tabi ni Elavine at Yana.

"Ano pala ang pangalan ng grupo ni Rissa?" Tanong ko kay Elavine.

"Medyo weird para sa akin pero ang pangalan ng grupo nila ay The Legends." Sagot ni Elavine sa akin.

"Sabi ko sa inyo may topak si Rissa minsan." Dagdag ni Yana.

"Good afternoon students of Fauxiton Academy. Welcome to the Shining Star Contest of the English Club and today we will be watching the stage play of the first group named The Legends." Sabi ni Mrs. Damian, ang teacher ng English subject.

Lumabas na ang grupo nila Rissa at ngayon ko lang siya nakita na nagsuot ng dress. Itinago agad ako ni Elavine at doon na ako nagtaka.

"Bakit mo ako tinatago?" Tanong ko kay Elavine.

"Para hindi ka makita ni Rissa. Magtatampo iyon kapag hindi ko sinunod ang gusto niya." Bulong sa akin ni Elavine pero kahit itago naman niya ako at ipagsiksikan sa kung saan-saan, makikita parin ako ni Rissa kasi sobrang liwanag nung ilaw hindi man lang nila pinatay.

Dapat kapag may stage play ginagawa nilang sinehan ang gym yung tipong nakapatay lahat ang ilaw para enjoy ng estudyante ang panonood hindi yung nakabukas lahat ng ilaw sobrang liwanag pa kaysa sa normal na liwanag ng ilaw.

"Being in love with the wrong person is very complicated." Sabi ni Rissa sa lalaki.

"I am not the wrong person you're talking about, Kelsey. I'll do everything just to be with you forever." Sabi nung lalaki kay Rissa.

Inaamin ko medyo corny yung script na ginawa nila pero okay narin since si Rissa naman ang tumatayong bida, nadadala na iyon sa pamamagitan ng maganda pagbigkas sa script. Magaling si Rissa para sa akin pero tignan din natin si Alexine baka sakaling may galing din na itinatago si Alexine.

"If you're not the wrong person then why do I feel incomplete. I don't feel the true love you have for me when the day I met you, Johnny."

"Because true love only exist in our mind, not in our heart nor soul but only in our mind."

"So, you're telling me that your love for me isn't true? You're the wrong person Johnny. I can't be with you... forever." Sabi ni Rissa.

Dama ko na ngayon ang mga sinasabi nila sa isa't-isa. Maganda din pala ang script na ginawa nila.

"What I meant is there are no perfect love that you want to feel. If people are not perfect then neither people's love for someone." Sabi ni nung lalaki na tumatayong Johnny sa script.

Naiiyak na ako sa line nilang dalawa. Ang galing kasi nila umarte.

"There are no perfect relationship. It's just inside your mind because nobody's perfect. I love you Kelsey please don't do this. My love for your isn't perfect and I am not perfect too but I love you because you're my only sunshine, I felt the love I was looking for so long in you and even though your love for me isn't perfect I will always be your prince charming that will love you no matter who you are." Madami ang napaiyak sa line ng lalaki.

Matagal na napatulala sa Rissa at mukhang nakalimutan na nga niya ang line na dapat niyang sabihin. Napatingin siya sa amin at lalo na sa akin. Nginitian ko siya ng napaka-sweet at binulong ko na kaya niya iyon. Napalunok siya at tumango. Pumikit siya ng saglit at tumingin muli sa lalaki na bilang Johnny.

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon