Hindi ko alam kung para kanino niya itinatanong iyon dahil diretso lamang ang mga mata niya sa harap. Si Carlson ang sumagot sa kan'ya.

"Wala hong nakitang tao na naglalakad sa hallway kung saan naroon ang unit ni Mr. Vasquez. Walang nakita sa CCTV na pumasok sa kan'yang unit bukod kay Mr. Vasquez at iyon ang lubusan naming ipinagtataka."

Kunot-noong paliwanag ni Carlson sa mag-asawa at saka ako tiningnan. Napailing-iling ako sa stress na nararamdaman. Napakagaling ng taong iyon. Paano niyang nagagawang hindi mahuli?

"May sa-engkanto yata ang walang hiyang iyon, a. Hindi naman siguro multo iyon para hindi makita ang pagpasok sa unit ni Jason? Kung ganoong hindi siya nakita sa hall ng floor ni Jason, saan siya dumaan?" si Tito Rigor na ngayon ay unti-unti na namang nagagalit.

"Kami at ng team ko ay pupunta ho ulit doon mamaya. Itatanong namin ang mga posibleng daan na hindi nasasakupan ng CCTV, kung mayroon man. Magaling magplano ang suspek. Napaka-linis kumilos kung kaya't kailangan ang buong atensyon ng kapulisan."

Muli na namang naluha si Tita. Hinawakan ko ang kan'yang kamay at marahang hinagod ang kan'yang likod.

"Please, do anything to catch the suspect, Chief. Tumitindi nang tumitindi ang pag-aalala ko sa kalagayan ng anak ko. Kung ganito kahayop gumawa ng krimen ang taong iyon, hindi imposible na gawin niya rin ito sa anak ko."

Agaran ang pag-alma ko. "Tita, please, don't say that. Let's just always be positive about Ali. Alam kong hindi siya pababayaan ng Diyos."

Tumango-tango si Tita at niyakap ako. Malungkot namang ngumiti sa akin si Tito nang magkatinginan kami.

Sa biyahe patungong bahay ay tahimik kaming pareho ni Carlson sa loob ng kan'yang sasakyan. Tutok lamang ang mga mata niya sa daan habang ako naman ay nakatulala lamang sa bintana. Nagkakabuhol-buhol na ang mga tanong sa isipan ko na hindi ko alam kung kailan masasagot o masasagot pa ba. Gusto ko na lamang pumikit at sana pagdilat ko ay maayos na ang lahat. Na wala na akong poproblemahin pa. Na nandito na si Ali. Bumuntong hininga ako, hindi ko alam kung pang ilang beses na.

"How are you feeling, by the way? Sumasakit pa rin ba ang ulo mo at nahihilo ka pa rin ba?" marahang tanong ni Carlson.

Hindi ko na sya nilingon pero sumagot ako.

"Ngayong araw ay hindi naman masyado. Pero... nagsuka na naman ako kaninang umaga pagkagising ko."

An awkward silence stretched between us after I said that. Iniliko niya ang sasakyan sa highway at doon sumalubong sa amin ang traffic. Nang huminto ay saka siya muling nagsalita.

"You should go to the doctor, Gabe. Baka nga totoo ang hinala ng kapatid mo."

Bahagyang kumunot ang noo ko ngunit agad ring bumalik sa pagod na ekspresyon ang mukha ko.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung totoo ngang buntis ako. I'm afraid to tell it to Daddy. I'm scared to disappoint him."

"Your dad loves you. Matatanggap niya 'yan kahit anong mangyari."

Napapikit ako. "This is Ali's child. Paano ko bubuhayin ang batang ito?"

Wala si Ali. Makakaya ko bang palakihin ang anak namin nang wala siya? Kakayanin ko ba nang mag-isa? Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang paglingon ni Carlson sa akin.

"Bakit, hindi na ba siya babalik?" tanong niya.

Gumuhit ang sakit sa puso ko. Napakasimple ng tanong pero agad akong pinangilidan ng luha. Ang sakit-sakit. Hindi ko alam kung bakit ganito katindi ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing si Ali ang pinag-uusapan.

Femme FataleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora