Chapter 54

68 3 3
                                    

~~~~~~~~

late UD ulit. may pasok na po kasi kami eh kaya malalate po talaga update ko. pagpasensyahan niyo na po.

Iplug ko lang po sana yung isang story ko "MayBe This Time" basahin niyo po sana. Ongoing din po siya.

Pakiintindi nalang po.Thank you po.

God Bless Us All. :)

~~~~~~~~

*After 1 year and a half*

AJ's POV

Isang taon at kalahati na ang nakalipas na wala si Aki sa tabi ko. Miss na miss ko na ang anak ko. Lumipas na ang Christmas at New Year di man lang kami nakapagexchange gifts ng anak ko. Kung hindi ko sana pinagtaksilan si Amber nung mga panahon na iyon di sila aalis. Pinuntahan ko sila sa bahay nila noon pero huli na ang lahat.

*flashback*

Papunta ako ngayon sa bahay nila Amber. Gusto ko magpaliwanag. Mahal ko siya. Hindi ko na sinabi kela Vince, Daniel at Kyle kasi mga 7 palang.

Pagdating ko sa bahay nila.

Nakita ko si Andrea na papasok ng bahay.

"Andrea nasan ang ate mo?"

"Ah... Kuya AJ hayaan niyo na po si Ate. Nasaktan niyo po siya. Nasabi na po sa amin ni Kuya Kyle lahat."

"Si Kyle?!"

"Kuya wag kayo magalit kay kuya Kyle. Pinilit po siya ni Ate Amber na halos umiyak na po siya ng dugo di na po natiis ni kuya Kyle. Alam po kasi ni Ate na nakausap niyo si kuya Kyle. Naawa po siya kay Ate."

"Saan pumunta si Amber? Andyan ba si Aki?"

Umiling lang si Andrea.

"Andrea nasan sila? Saan sila pumunta?"

Tapos umalis na ako. Pumunta ako sa bahay nila Madi baka kasi alam nila kung saan nagpunta sila Amber at Aki.

"Sorry talaga AJ. Walang sinabi sa akin yung bestfriend kong yun." sabi ni Madi sa akin

Pumunta din ako kela Kyle.

"Jacob pumunta ka ba kela Andrea?"

"Oo pero ayaw sabihin sa akin ni Andrea."

"Jacob pupunta si Amber sa U.S. kasama si Aki. Ihahandle niya yung business nila doon na naiwan nila Tito and Tita."

Tumulo ang luha ko ng wala akong kaalam alam. Kahit na nakakabakla. Di ko na kasi alam ang gagawin ko. Nahuli na ang lahat. Baka sa ngayon nasa eroplano na sila. Kaya di ko na sila mahahabol.

Huli na ang lahat para magsorry at magpaliwanag kay Amber.

*end of flashback*

Pero ngayon medyo masaya na ako sa girlfriend ko. Si Carla. Nagkatuluyan kami. Nahahawakan ko naman yung business ng maayos kasama ko kasi yung business partner ni Mom. Speaking of Mom alam niya yung tungkol sa akin ni Carla. May anak kami ngayon na mago-one year old next next month. Si Aki paniguradong nagbirthday na yun. 5 years old na siya. Hayy pero ngayon masaya din ako with my baby girl. Si Jemicah Keisha Villacorta.

"Babe halika na. Lets go shopping. Hanap tayo ng damit for baby Ica." si Carla

Ica kasi ang tawag namin kay Baby Jemicah para maiksi.

"Halika na baby Ica. Bibili tayo ng dress mo."

**

Pagdating namin sa mall pumunta kami ng department store. Kasama namin ang yaya ni Ica. Nakalagay si Ica sa stroller. Di kasi hinahayaan ni Carla na bubuhat buhatin lang si Ica.

"Carla doon lang sa kids boy's wear."

"Sama na ako sayo?"

"No need may titignan lang ako. Pili ka nalang ng isusuot ni Baby Ica. Di ko kasi alam pumili ng damit ng pambabae."

"Ok Babe basta bumalik ka agad."

Tapos pumunta ako sa panlalaki na damit pangbata.

Naalala ko si Aki. Minsan pumunta din kami dito.

Nasaan na kaya si Akihiro ngayon?

~~~~~~~~

nagustuhan niyo ba?

vote and comment po.

pafollow din po.

thank you. :))

~~~~~~~~

Kung Tayo, Tayo Talaga?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon