Chapter 32

93 4 4
                                    

Amber's POV

May klase na ulit ako kasi Monday na ulit ngayon. Si Baby Aki naman next month na siya magaaral. Excited na ako for him. Matalino kasi siya. Pag nakakakita siya ng books na may letters numbers gustong gusto niya tapos alam na niya magsulat pero hindi pa ganun kaayos at kaganda. Pero diba achievement na niya yun? And I am a proud Mommy.

*sa kitchen studio sa univ.*

"Ate Amber paturo naman kung paano... Di ko kasi maintindihan yung kay Sir." Si KC siya ang parang bestfriend ko dito sa univ. pero syempre 'ate' parin ako.

"Ganito lang yan KC." tapos tinuro ko kung paano

"Thank you Ate.. Naintindihan ko siya.. Ang galing mo Ate.. Siguro ikaw ang magiging top 1 dito.. Kahit andyan yang Bianca na yan.." si Bianca kasi isa sa mga war freak dito sa culinary namin. Lahat ng tao dito inaaway niya, sinisiraan niya, pati yung chef/professor namin hindi niya ginagalang. Si Bianca magaling din siya. Kaya lang ang ayaw ng bawat estudyante dito ang ugali niya. Makapanglait ganun.. Kaya hate na hate nila.. Buti nga walang groupings na ginagawa kundi walang kagroup yang si Bianca.

"Hey you bitches.! Pinaguusapan niyo ba ako?"

"Ha ikaw? No way. Bakit naman namin gagawin yun. Saka ang pinaguusapan namin kasi ang isang babaeng mayabang at war freak na lahat ng tao dito kinakalaban. Well ikaw pala yun? Nice meeting you."

"Grrrr." tapos walkout

1-0. 1 for amber. 0 for bianca

Pagkagraduate din pala namin dito pwede na kami magluto sa iba't ibang restaurants or pwede kami magtayo ng sarili naming restaurants.

》fast forward《

"Okay class, you are dismissed."

Uwian na din sa wakas. Puntahan ko nga sila Madi sa bahay nila. Kinuha ko yung susi ko. Dumiretso sa parking lot, hinanap ang kotse ko, at nagdrive papunta kela Mads.

*sa bahay nila Mads*

*ding dong**ding dong*

"Oh Bessie napadalaw ka? Upo ka dito sa sofa."

"Thanks. Oo nga eh. Wala kasi akong mapuntahan. Medyo ayaw ko pa umuwi ng bahay. Kakapagod. Pagdating ko kasi sa bahay makikipaglaro pa si Aki sa akin kaya pwede dito muna ako for a while?"

"Sure. Hon.! Andito si Amber."

"Hi Amber. Gusto mo maiinom juice or something?"

"Hindi na. Makikipagusap lang ako sainyong dalawa. Musta na kayo?"

"Okay lang kami Bessie."

"Amber napagisip isip namin ni Madi mag3days vacation sana tayong magbabarkada sa isang resort.  Sa friday, saturday, and sunday. Tayo tayo lang. Okay lang ba sayo? Nasabi namin kela Kyle at Vince okay naman daw sa kanila. Sayo?"

"Okay lang. Buti wala akong klase sa friday."

"Kahit kasama si AJ, Bes?"

"Oo okay lang. Nakapagusap na nga kami ni AJ eh. Kahapon. Naggrocery kasi kami ni Andie at Aki pero humiwalay muna sila sa akin pumunta silang department. Tapos nakita niya ako, nagpasalamat, at siya pa nga nagbayad ng pinamili ko eh. Buti nga hindi na niya pinansin yung pinamili ko puro pa naman yun pambata yung mga gatas diapers etc."

"Oh okay. So okay lang talaga sayo Bes?"

"Okay lang."

"Diba mahilig si Aki sa swimming swimming? Isasama mo ba siya?"

Kung Tayo, Tayo Talaga?Where stories live. Discover now