Chapter 16

109 7 4
                                    

sorry ngayon lang nakapagupdate kasi naman masyado akong naadik sa meteor garden. kaya pagpasensyahan niyo na kung puro meteor garden ang mailalagay ko dito. so here it goes

~~~~~~~~~~~

AJ's POV

Halatang halata ko ang saya kay Amber ng masakyan namin lahat ng rides. At nung kumakain kami, kwento siya ng kwento tungkol sa mga naramdaman niya sa mga rides at gusto daw niya dalhin si Andrea dito kasi di pa din daw nakakapunta yung kapatid niya.

Mahalaga talaga sa kanya ang pamilya. Di niya hahayaan na ang nararamdaman niyang kaligayahan di mararamdaman ng kapatid or sino man sa pamilya niya. At ang saya ko na siya ang mahal ko kahit nerd siya mahal ko siya.

Kaya nga gusto ko magkapamilya dito sa babaeng to eh. Andito kami sa bench ngayon nakaupo. At nakasandal ulo niya sa balikat ko. Sadyang mas matangkad lang talaga ako sa kanya.

"Halika na Amber. Uwi na tayo. Medyo late na din."

Tinignan ko tulog na pala siya at binuhat ko na lang siya na parsng bagong kasal papunta sa sasakyan, napagod siya mabuti.

Pagkatapos ko siya mailagay sa kotse pumasok na din ako sa loob ng kotse at inistart na. Dadalhin ko nalang siya dun sa rest house namin kasi mas malapit yun dito kesa sa totoong bahay namin. Bukas nalang kami ng umaga aalis.

*sa rest house*

Palagi naman na sa akin ang susi nitong bahay na to dahil ako lang sng nandito sa Pilipinas. Lahat sila nasa New York. Gusto nga nila ako papuntahin dun eh pero ayaw ko talaga. Ako daw kasi ang magmamana ng companya nila Dad at Mom. Sabihin na nating mas mataas sa business nila Amber at Madi at JC.

Ang gusto nga nila dati na magarrange marriage para sa akin pero i want to decide for myself.

Inilagay ko si Amber na natutulog sa kama para mas mahimbing siya makatulog. Bago ako umalis sa kwarto na yun.

"Sana mahalin mo ako hindi bilang kaibigan mo kundi bilang mahal mo." tapos kiniss ko siya sa noo

Tapos umalis na din ako.

*kinabukasan*

Amber's POV

Nasaan ako? Diba kasama ko si AJ? Anong ginagawa ko sa isang kwarto?

"Oh gising ka na pala Amber."

"Nasaan ako?"

"Ah andito ka sa rest house namin. Dito muna kita dinala kasi gabing gabi na eh mas malapit to kesa sa bahay niyo at namin."

"Ah okay. Akala ko, nakidnap na ako."

"Ha? Bakit naman kita papabayaan na makidnap? They will fight with me first before they get you."

Medyo kinilig ako sa sinabi niya.

"Hindi kita hahayaang mapahamak. Sige sumunod ka nalang sa baba kumain ka ng breakfast."

"Sige magaayos muna ako."

Buti palagi akong may dalang extrang damit and all. Maghilamos lang ako.

Pagkatapos kong maghilamos, parang hinihingal ako palagi nalang ganito tapos parang masakit puso ko parang kumikirot nq ewan tapos biglang may tumatawag sa phone ko so sinagot ko agad.

"Hello?"

"Anak?"

"Ma napatawag po kayo. Ano pong kailangan niyo ma?"

"May nararamdaman ka bang masama anak? Parang hindi ka ba makahinga? Parang naninikip dibdib mo? May mga ganun ka bang nararamdaman anak?"

"Opo ma. Bakit po ma?"

"Anak wag kang mabibigla ha? Masama sayo ang nabibigla o nagugulat. Anak may sakit ka kasi."

Ha? Sakit?

"Anong sakit po ba ma?"

"Anak wag kang magalala magpapaopera ka dito sa U.S.."

"Ma ano nga po yung sakit ko? Sabihin niyo po sa akin."

Parang maiiyak na ako dito. Ayaw ko na.

"Anak may sakit ka sa puso. Nung pinanganak kita mahina ang puso mo tapos ngayon lang namin nalaman ng daddy mo na kaya pala mahina ang puso mo noon ay dahil may sakit ka. Anak hayaan mo ipapagamot ka namin dito sa U.S. Gagaling ka anak. Hindi namin hahayaan na mawala ka sa amin ipagdadasal ka namin."

"Ma, can you do it as early as possible? I can't suffer like this."

"Yes anak. We will schedule an appointment to a cardiologist. Then if everything's okay i'll call you back, okay anak? Take care. If there is anything wrong just call me, okay?"

"Yes Ma. I will."

Tapos binaba ko na. Napaupo ako sa kama. May sakit ako sa puso? Di ba ako masyadong bata para magkaroon ng sakit sa puso?

"Hey what is taking you so long up here?"

"Uhm sorry tumawag kasi mama nangangamusta lang. Halika na baba na tayo sorry talaga."

Tapos bumaba na kami. Tulala pa rin ako. Bakit ba ganun? Tapos umalis na din kami at ang tahimik sa kotse. Parang nakakabinging katahimikan pero tulala pa rin ako sa sinabi ni mama. Gusto ko sabihin kay AJ ang lahat pero baka kung ano na ang mangyari pag sinabi ko yun baka di niya matanggap yun baka mawala siya sa akin.

Hindi ko kaya yun.

~~~~~~~~~~

♥ILoveBaby27♥

Kung Tayo, Tayo Talaga?Where stories live. Discover now