Chapter 28

93 4 3
                                    

AJ's POV

Andito na pala sila Mommy, Daddy, si Ate Ali saka yung asawa niyang hindi niya mahal. Dahil na arrange daw siya. Wala nga daw silang anak eh. Sila nagsabi niyan. Wala pa naman ako maalala eh. Ayaw ko din ng arrange pero sa tingin ko, ipipilit pa rin nila sa akin. Pag naalala ko na lahat, magrereklamo ako. Ako mismo kakausap sa Mommy at Daddy ko.

Wala naman nangyayari these past few days. Pero di ko talaga matanggal sa isip ko si Amber. Yung nagbantay sa akin sa hospital. Parang may ewan akong nararamdaman sa kanya. Ano bang meron sa amin dati? Bakit kasi wala pa akong maalala?!

》9 months and 1 week《

Amber's POV

This week manganganak na ako di ko lang alam kung anong araw. Wala naman bagong balita sa akin. May sakit parin ako sa puso. Di ko mapaopera baka kasi mawala ang anak ko. Kaya napagisipan ko na sa araw na lang panganganak ko saka ako magpapaopera sa puso. Si JC ganun pa rin naman nanliligaw pa rin. Si Madi naman sila na ulit ni Daniel 3 months ago. Ako walang nagbago. Buntis pa rin at malapit na manganak. Wala na ngang shape body ko eh.

"Bes ang ganda't sexy mo pa rin kahit buntis ka."

Si Madi talaga.

"Madi pang 100 mo nang sabi yan sa akin."

"Bes kasi insecure ka sa itsura mo."

"Oo nga Ate. Ito talaga. Magaganda at sexy kaya tayo."

"Oo na. Oo na. Wag nang tungkol sa akin. Di ko na kayo nakakausap ha. Palagi kasi kayong nasa school at univ. kayo pag dito naman sa bhay gumagawa kayo ng project. Masyado kayong busy. Bored na nga ako dito eh. Pati nga itong bata sa tyan ko kinakausap ko na. Buti nga di sumasagot kundi masyadong matalino tong batang ito pag sumagot. Magtatanong ako sainyo ha. Namiss ko kayo ha."

"Ikaw muna Mads. Kumusta na kayo ni Daniel?"

"Okay naman kami Bes. Im sure nagbago na siya. Antagal kaya niyang naghintay. Di kaya siya ganun dati. May 1 year and 1 week na nga kami. Tumagal tagal na kami. Kaya ngayon may tiwala ako sa kanya. At mas minahal ko na siya ngayon."

"Wow Madi.! Achievement.! Siya ang pinakamatagal sa lahat ng naging boyfriend mo."

"Oo nga eh. And im proud of it."

"Ikaw naman Andie. Musta studies mo? May nanliligaw na ba sayo?"

"Okay naman studies ko Ate. Nanliligaw? Oo meron nga. He's cute. Pero ayaw ko siyang sagutin. I'll have permission muna sainyo. Sabi niya mahal niya ako pero ayaw ko pa. Crush ko siya pero hindi ko mahal. Inuuna ko studies ko. Ayaw ko pang masaktan ng maaga."

"Good. Tama yan. Wag mo kaming gayahin ng Ate Madi mo ha? Naging tanga kasi kami nun."

"Oo Andrea. Wag ha? Only professionals do that."

Tapos tawanan namin.

Tapos may kumatok sa pinto. Tapos binukasan...

"JC, Kyle? Kumusta na kayo?" sabi ko sa kanila.

"Okay lang kami Amber. Wag mo kaming alalahanin. Ikaw ang kumusta? Hindi na kita napupuntahan dito dahil sa business. Sorry ha?"

"Okay lang JC. Alam ko naman eh. Ito ako ngayon parang nakalunok ng labing isang pakwan."

Tapos tawanan ulit namin.

"Loko ka Insan."

"Nagjojoke lang naman."

Tatayo na ako ng sumakit yung tiyan ko.

"Aray!"

"Bes anong nangyayari?"

"Dalhin na natin sa hospital si Insan."

Tapos inalalayan nila pababa alangan naman buhatin pa nila ako ang bigat ko na nga.

Pagkababa namin. Andun sila Mama at Papa.

"Anong nangyayari Kyle?"

"Tita manganganak na po si Amber."

"Sige sige bilis bilis. Dalhin niyo na siya sa hospital."

》sa hospital《

Third Person's POV

"Ma'am ooperahan na po namin ang anak niyo. Pero maaring may mamatay sa isa sa kanila. Pwedeng ang bata at pwedeng ang anak niyo." Doc

"Doc, sabi sa akin ng besrfriend ko pag umabot daw sa punto na ganito ang anak daw niya ang buhayin niyo. Kahit masakit para sa amin ng sinabi niya yun. Gusto niya mabuhay ang anak niya." Madi

"Ma'am sige po. Gagawin namin ang makakaya namin para mabuhay ang dalawa." Doc

"Sige po Doc. Gawin niyo ang lahat gusto ko mabuhay ang anak ko at ang apo ko." Mama ni Amber

"Opo Ma'am." Doc

Tapos pumasok na sa e.r. ang doctor at umupo naman labas ang Mommy at Daddy ni Amber, si Madi at Andrea tapos si JC at Kyle. Hinihintay nila na lumabas ang doctor dahil nagaalala sila sa kung anong mangyayari.

Nagdadasal ang Mommy ni Amber, si Madi at si Andrea.

Habang si JC at Kyle naman hindi mapakali.

Isang oras din silang naghintay at lumabas na din ang doctor.

"Ma'am nakaligtas po ang bata. Lalaki po ang gender ng bata." Doc

"Si Amber po?" JC

"Nakaligtas din po siya. Lumaban po talaga siya." Doc

"Salamat sa Diyos. Maraming Salamat din po Doc." Mama ni Amber

"Walang anuman po. Sige po. Alis na po ako."

"Sige Doc." Madi

Nakahinga sila ng maluwag ng nalaman nila yun. Nagpapasalamat talaga sila kaya pumunta sila sa maliit na chapel ng hospital at nagdasal. Pagkatapos nun dinala na nila sa isang kwarto si Amber para makapagpahinga.

~~~~~~~~~

Vote and Comment.

~~~~~~~~~

~ShiaoTz~

Kung Tayo, Tayo Talaga?Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ