Chapter 37

98 4 3
                                    

Amber's POV

*Monday*

May pasok ako sa univ. ngayon. Di pa rin nagpaparamdam sa akin si JC. Nakakainis at nakakatampo naman yang si JC. Wala man lang tawag or kahit text lang kahit sa fb, twitter, instagram, yahoo mail, whats app, kakao talk, we chat, skype at kung ano ano pa, WALA TALAGA. Pag tatawagan ko, cannot be reached. Pag itetext ko, walang reply. Hayyy.. Wala talaga as in W-A-L-A..

Andito ulit kami sa kitchen studio ng university..

"Class, last practicum niyo ay ang pagbabake. Magbabake kayo ng sponge cake/chiffon cake. So kailangan perfect ang pagkagawa niyo ng cake. Ako ang magtetest niyan. Day by day kayo. Kailangan may magvolunteer bawat day, okay? Pag napasa niyo yan, magggraduate na kayo, okay?"

"Yes Sir." sabi naming lahat

"Okay so class, pwede kayong magpractice ngayon bukas na magsisimula ang mismong practicum niyo okay? Magvolunteer kayo."

"Okay Sir./Yes Sir." sabi parin namin kay Sir

So nagstart na ako tinignan ko kung paano siya gawin sa isang cake book na andun ang mga recipe, ingredients, instruction and so on. Nagsimula ako mag mix ng mga ingredients. And then nilagay ko siya sa isang lalagyan/baking can/tin tapos nilagay ko sa oven.

Ang kailangan mo gawin sa sponge or chiffon cake para malaman mo kung tama ang pagkakabake lagyan mo ng stick or toothpick yung cake at itusok tusok. Pero i think titikman din yun ni Sir tapos ipapauwi sa amin. Yung cupcakes kasi na binabake namin dati, pinapauwi niya yung sa akin at yung kay Bianca(the so called 'war freak') iniuuwi ni Sir dahil gustong gusto daw niya pero hindi ba parang insult yun sa iba? Pero hindi lahat, so may naiuuwi pa ako kay Aki at nagugustuhan din naman niya. Medyo chubby na nga yung anak kong yun.

Yung first cake na ginawa ko, its not that perfect. Pero pwede na rin. Pero gumawa ulit ako ng isa pa, and the second one was the perfect one.

"Okay class dismissed."

Tapos nagsilabasan na sila except kami ni KC.

"Ate Amber, hindi ka pa aalis?"

"Ah hindi pa. May hinahanap pa kasi ako. Yung box ng mga cakes. Alam mo ba kung nasaan? Iuuwi ko sana itong pinagpractisan ko na dalawang cakes eh."

"Ah. I think i saw it, somewhere.(tapos hinahanap din niya.)Here oh. And here is the tali and plastic na din." tapos iniabot niya sa akin ang dalawang box, tali at dalawang plastic.

"Ahy thank you KC. Mauna ka na. Okay na ako dito. Ingat ka ha?"

"Sige Ate. Una na ako. Ingat ka din pauwi."

Tapos umalis na si KC. Habang ako naman binox ang first cake at tinali at nilagay sa plastic then i did the same steps dun sa second cake. Palabas na ako ng studio tapos pagkalabas ko,,,

"AJ???"

"Hi Amber. Uhm yung sasakyan mo pala nasa bahay niyo na. Alangan naman magcommute ka ulit dagdag gastos lang sayo, panggatas and baby things nalang ni Aki yung dapat na pang commute mo ngayon. Kaya sinundo na kita."

"Ahyyy. Sige." pero ang weird. nagkaroon siya ng malasakit kay Aki. lalaking yun talaga ang weird palagi.

"Ahy akin na pala yang dala, mukhang nabibigatan ka na eh." tapos kinuha na niya yung dala kong 2 boxes of cake.

"Uhm.. Thank you AJ."

"Its okay.. Para di ka na mahirapan.." ha? pinagsasabi nito?

Kung Tayo, Tayo Talaga?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora