Chapter 23

94 5 2
                                    

JC's POV

Pagkatapos dun sa karaoke umuwi na agad ako. Masakit kasi yung sagot sa akin ni Amber. Heto lang ako sa bahay. Nakahiga sa kama. Ano kayang gagawin ko? Tumingin lang ako sa ceiling.

*After 10 minutes*

May nagtext sa phone ko.

"JC, may good news ako sayo. Bukas na bukas sasabihin ko. Im proud of you." Madi

Ano naman kaya sasabihin ni Madi?

May "Im proud of you" pang pinagsasabi.

Hayyyy bukas na nga lang.

Patulog na sana ako ng may tumatawag sa phone ko.

(convo sa phone)

"Hello JC?"

"Yes Tita?"

"Favor sana JC."

"Ano po yun Tita?"

"Pwede mo bang sunduin sila Amber bukas? Ayaw ko kasing ipagdrive si Amber. Baka maapektuhan lang ang nasa sinapupunan niya."

"Sige po Tita. Uhm tita, seryoso po ako sa anak niyo. Mahal ko po talaga siya. Sasamahan ko po siyang palakihin yung bata."

"Alam ko yun JC, hayaan mo. Kinausap na namin si Amber tungkol dyan. Bukas mo malalaman yung sagot. Si Madison na lang ang magsasabi."

"Sige po Tita. Goodnight po."

"Goodnight Iho."

Tapos binaba ko na. Ano kayang desicion ni Amber? Nakakakaba.

Hayyy itulog ko na ito. Susunduin ko naman sila eh. Masasabi din sa akin agad ni Madi.

~~~~~~~~~

*kinabukasan*

Amber's POV

Tapos na ako sa lahat ng kailangan kong gawin itong umaga. Nagbreakfast, naligo, nagtoothbrush, nagbihis.

Tapos kinuha ko ang susi ng kotse ko. Tapos bumaba na.

"Madi halika na alis na tayo.!" Amber

"Hindi tayo aalis Bes. May susundo sa atin." Madi

"Akin na yang susi mo Anak. Hintayin niyo na lang sundo niyo. Ayaw kitang magdrive baka kung ano pa mangyari sayo at sa nasa sinapupunan mo." Ma

"Paano si Andie Ma?" Amber

"Okay na Ate. Si Dad ang maghahatid sa akin." Andie

"Okay ka lang talaga ha Andie?" Amber

"Sige na Ate. Okay lang." Andie

Tapos may bumusina sa labas.

"At andyan na ang sundo niyo Ate. Ingat kayo." Andie

Tapos may pumasok sa pintuan. Si JC.

"Hello po Tita, Tito, Andie, Madi. Hi Amber." JC

"Hello Iho. Bakit hello sa aming lahat tapos kay Amber Hi?... Joke."  Ma

"Sige Iho. Mauna na kayo. Baka malate pa kayo." Ma

"Sige po Tita, Tito, mauna na po kami." JC

"Bye po Tita and Tito." Madi

"Bye Ma. Bye Pa. Ingat kayo ah. Pati ikaw Andie." Amber

"Oo Ate. Ako pa." Andie

Tapos lumabas na kami ng bahay.

"Bes dito ka sa harap. Tabi ka kay JC."

Tapos tumingin ako kay Madi. Tinignan ko siya at binigyan ng ayaw-ko-look.

"Sige na Amber. Sa likod ka na lang. Madi wag mo na pilitin."

Tapos sumakay na kami. Syempre nasa likod ako at nasa harap nga si Madi.

Andito ako sa likod. Iniisip kung anong gagawin ko sa buhay. Iniisip ko kung mag quit na lang ako sa univ. at mag U.S. kasama nila Mama at Papa at doon muna magaral hanggang sa manganak ako. At sabihin sa Dean kung okay lang na malaki ang tyan ko? Ganun na lang siguro. Kasi kung titigil ako ako baka makasabay ko pa si Andie sa pagaaral. Baka kasabay ko siyang maggraduate. Ayaw ko nun. Gusto ko mauna ako makapagtrabaho para kela Mama at Papa para sa magiging anak ko. Nasabi ko ba sainyo na, nursing ang kukunin ko pati si Madi, JC, Daniel at AJ? Hindi noh. Pero Nursing kaming lahat kaya medyo mahirap.

Tapos nakarating din kami sa school.

》fast forward《

Natapos na ang klase namin. Tapos tinawagan ko si Mama.

(convo sa phone)

"Ma?"

"Yes Anak?"

"Pwede bang magquit ako dito sa university? Tapos sa U.S. na ako magpatuloy ng pagaaral ko? Kasi lalaki at lalaki ang tyan ko. Baka maintriga ako dito. Marami pa namang chismosa. Baka sabihan akong malandi."

"Yes Anak. Tatawagan ko ang Dean niyo at sasabihin ang tungkol dyan sa pagquit mo pero not now kasi aayusin ko pa ang lahat para maayos na ang lahat pagdating mo sa U.S."

"Okay Ma. Titiisin ko nalang muna."

"Okay Anak. Basta pag may problema, tawag ka o kaya sabihin mo kay JC."

"Opo Ma. Sige Bye."

Gusto kong sabihin kay AJ ang lahat pero wala akong karapatan. Di naman niya ako friend, bestfriend, crush, special someone or girlfriend kaya wala akong karapatan. Pero paano yung anak namin?

Saka na yan isipin. Studies muna.

Dito nalang muna ako sa bench. Para hintayin sila Madi at JC.

~~~~~~~~~

JC's POV

Nasabi na sa akin ni Madi. Sheeeeetttt!!!!! Gusto kong magtatalon. Pero bawas pogi points. Yes!!!!! Bibigyan na niya ako ng chance. May pag-asa ako. Tutulungan ko siyang makamoveon.

Pagkatapos nun naghiwalay kami ni Madi para hanapin si Amber kasi kanina pa namin siya hindi kasama.

Mga ilang minuto, nakita ko siya.

Tinignan ko siya.

Mukha siyang namomoblema. Mukha siyang nahihirapan. Mukhang di niya alam ang gagawin sa buhay niya.

Tapos bigla na lang tumulo luha niya. At nagtuloy tuloy na. Tapos umalis siya. Sinundan ko siya. Tapos pumunta siya sa garden ng university. Di kasi ganun kadami ang dumadaan dito. Tapos nilapitan ko na siya.

"Amber."

"Ah JC ikaw pala yan." tapos pinunasan niya luha niya na parang walang nangyari.

"Wag mo na itago Amber. Iiyak mo lang. Andito ako. Di kita iiwan."

Tapos niyakap niya ako. Halatang umiiyak siya ng todo at mukhang basang basa ang damit ko. Pero okay lang atleast mailalabas niya lahat ng sama ng loob niya. At di na siya iiyak ulit. At sa akin niya nailalabas yun.

Sana nga di na siya umiyak ulit.

~~~~~~~~~

Vote and comment po.

~~~~~~~~~

♥ILoveBaby27♥

Kung Tayo, Tayo Talaga?Where stories live. Discover now