Chapter 36

79 4 4
                                    

Amber's POV

Here@Enchanted Kingdom andito nga ang tropa. Nagpaalam din ako kay JC na pupunta kami dito. Tinext ko siya pero di nagreply.

Hiwalay hiwalay kaming tropa.

Magkakasama ang mga couples.

Madi at Daniel. Kyle at Elisha. Vince at Trisha.

At kami naman nila Andie, Aki, at AJ ang magkakasama.

Si Andie at Aki sinakyan na ang lahat ng rides. Kasama din nila si AJ. Ako? Di ako sumama. Natry ko na lahat ng yan nung last kaming pumunta dito ni AJ. Kaya lang wala siyang maalala. Pero meron isang hindi pa nila sinasakyan, ang bump car.(a/n: ewan ko kung may bump car talaga sa enchanted ginawan ko na lang dito sa story. pagpasensyahan na hindi pa ako nakapunta ng enchanted eh.)

"Moommmyy, cmon lets ride the bump car over there." yaya sa akin ni Aki halos lahat nga ng rides niyaya niya ako pero tumanggi ako

"Kayo nalang Baby."

"Please Mommmyyy. Last ride naman na po eh. Please?" tapos na puppy eyes siya

"Sige na Amber. Please?" sabi din ni AJ

tapos bigla niya akong kiniliti

"Eh AJ naman. Tama na." habang pinipigilan ko ang kamay niya sa pagkiliti sa akin

"Sasakay na yan."

"Oo na. Oo na. Please tama na."

Tapos sumakay kami sa bump car si Andie at Aki magkasama tapos kami ni AJ tig isang sasakyan.

Binabangga ko yung sasakyan nila Aki. Si AJ naman yung sasakyan ko yung binabangga.

Pagkatapos nun kumain na kami ng tropa tapos nagsialisan na din sila kami naman pasakay pa lang ng sasakyan ni AJ. Nakatulog na rin si Aki na buhat buhat ni Andie.

Sumakay na din kami sa sasakyan ni AJ.

Habang nasa biyahe nagkwekwentuhan lang kami ni AJ. Si Andie at Aki naman nakatulog na sa likod. Napagod ang mga yun sakay kasi ng sakay ng rides pati tuloy si AJ pero nagddrive pa rin naman siya..

"Dito muna tayo. Ititigil ko muna yung sasakyan."

Tapos itinigil niya. Lumabas siya ng sasakyan. So lumabas din ako.

Tinanggal niya yung sapatos niya so nakamedyas nalang siya. Tapos umakyat siya sa taas ng sasakyan niya andun siya sa tuktok.

"Anong ginagawa mo dyan?"

"Dito tayo. Maganda dito sa taas. Tapos kunin mo yung dalawang unan dyan sa loob."

Kinuha ko tapos itinapon sakanya yung unan.

"Halika. Akin na kamay mo."

Tapos inabot niya yung dalawang kamay niya para hilain ako papunta sa taas. Tinanggal ko muna sapatos ko nakamedyas nalang din ako tapos inabot ko na yung kamay ko para makapunta sa taas.

Humiga siya doon. So humiga din ako.

"Ang ganda pala dito. Andami daming stars."

"Kaya kita dinala dito eh. Diba yung sa beach dati?"

"Oo. May gusto kasi akong iwish."

"Ahh. May dumaan nung time na yun pero umalis ka."

"Sayang naman. Hindi ko naabutan. Ayun."

May dumaan na meteor.

Nagwish ako na sana maging maayos na ang lahat.

Pagkatapos nun nagusap kami ni AJ kung ano ano pinagusapan namin. Naging close din kami kahit papaano.

Tapos umuwi na din kami.

~~~~~~~

Read, Vote, and Comment.

~~~~~~~

~ShiaoTz~

Kung Tayo, Tayo Talaga?Where stories live. Discover now