Chapter 15

116 7 4
                                    

Amber's POV

Nakarating kami sa entrance ng mall.

"Oh san mo gusto mahal ko?"

"Kahit saan."

"Wow mahal ko. Magandang lugar yun ah. Madami bang tao dun?"

Pinalo ko siya sa braso niya tapos nagpout.

"Sorry na mahal ko. Sige halika. Sabi mo ako nang bahala ah?"

"Okay."

Tapos dinala niya ako sa sasakyan niya. Umupo ako sa harap kasi ayaw na ayaw daw niyang sa likod ako umupo gusto daw niya katabi niya ako.

"Mga 2 hours pa biyahe dun sa pupuntahan natin, tulog ka nalang muna."

Di na ako sumagot sa sinabi niya inaantok pa kasi ako eh.

AJ's POV

Pupunta kami sa enchanted kingdom. Alam niyo bang dyan sa enchanted na yan pinagawayan pa namin. Dahil hindi pa daw siya nakakapunta ng enchanted simula nung bata siya inaasar ko tuloy siya at dahil birthday niya dadalhin ko siya dun para maging masaya siya.

Nakatulog na si Amber. Di ko na namalayan. Itinigil ko na muna sandali yung sasakyan dahil nagpagasolina pa ako. Ang ganda talaga niya kahit tulog. Ang swerte ng lalaki na mamahalin niya kasi maganda,mabait,maalaga,maalalahanin,inuuna ang pamilya,matalino nasa kanya na lahat. Hindi ko alam na dahil sa kanya magbabago ako. Hindi ko alam na mamahalin ko siya agad. Hindi ko alam na mahuhulog ako sa kanya agad.

"Mahal kita." sabi ko pero mahina lang. tapos kiniss ko siya sa forehead niya.

Tapos inistart ko na ulit para hindi kami gabihin.

Amber's POV

"Amber gising na. Andito na tayo."

Tapos gumising na ako. Kinukusot ko pa yung mata ko tapos nakita ko yung pangalan na nasa labas.

"Enchanted Kingdom?!"

Alam niyo bang di pa ako nakakapunta dyan simula nung bata pa ako hanggang sa naghighschool ako kasi busy sila mama kaya hindi ako madala sa mga ganyan at pinagawayan pa namin yan ni AJ nung elem kami.

*flashback*

"Ha?! Di ka pa nakakapunta ng Enchanted Kingdom? Hahahaahahahahaa."

Tapos umiyak ako.

"Oo hindi pa kasi nga busy ang mama ko." pero umiiyak pa rin ako.

"Si Ambachoy di pa nakakapunta ng enchanted. Ahahahahaahahahaaha."

*end of flashback*

Matagal tagal ko nang kaklase yang si AJ kaya sanay na ako. Ambachoy? Kasi nung bata ako tabachoy talaga ako pero ngayom hindi na dahil nagdiet talaga ako.

"Oo Amber. Ito na yung pangarap mo ah? Nandito ka na sa enchanted kingdom. At kung sino pa yung mismong nangaasar sayo Ambachoy siya pa yung mismong nagdala sayo dito."

Tapos napayakap ako sa kanya.

"Thank you AJ."

"Your welcome. Pasok na tayo sa loob. Ipapatry ko sayo lahat ng rides."

Ang saya ko talaga na dinala ako dito ni AJ. I love you AJ. Ops sa tamang panahon ko sasabihin yan.

~~~~~~~~~

sorry po kung maiksi ang update ko ngayon. may pupuntahan po kasi ako eh.

~~~~~~~~~

♥ILoveBaby27♥

Kung Tayo, Tayo Talaga?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon