Chapter 13

120 7 4
                                    

Amber's POV

Nakarating na ako dun sa bahay ni Tita Alice yung pinagtitirahan ni Andrea nung naghahanap pa kami ng apartment ni Madi so ngayon dun na siya titira sa amin kaya siguro nagpapasundo. Bumusina nalang ako kasi matatagalan pa kami dyan pag lumabas pa ako kasi makikiagusap pa si Tita sa akin tapos nakita ko nang lumabas ng bahay si Andrea may dalang backpack at handcarry na bag para naman tong magaabroad. Tapos binuksan na niya yung pintuan mung kotse.

"Ate, wow naman. Ang gara ng sasakyan mo ha?"

"Regalo kasi sa akin diba?"

"Ahy Ate, alam mo naman siguro kung bakit ako may dalang bag noh?"

"Oo alam ko na."

"Ahy Ate ito pala yung binigay sa akin nila mommy nung birthday ko oh."

Tapos may pinakita siyang ipad.

"Mas magara pa pala regalo sayo Andie."

"Hayaan mo Ate hiraman tayo."

"Sige baka gamitin ko yan sa pagreresearch ko. May iphone naman na ako eh. Pati ikaw diba?"

"Oo Ate. Ahy Ate?"

Tapos tumingin siya sa akin na parang may gusto.

"Oo na Andie. Pupunta tayo sa gusto mong kainan. Saka magtake out na din tayo para kela Madi at JC."

"JC? Yun ba yung cute na gwapo na bestfriend mo Ate?"

"Oo. Wag malandi Andie."

"Oo Ate. Sige na alis na tayo."

Inistart ko na yung kotse.

"Sige san mo gusto?"

"Sa shakeys Ate. Tagal ko nang di kumain dun eh."

"Sige."

Tapos nagkwentuhan kami tungkol sa studies niya, sa paguwi nila dad, yung katabi ni sa classroom at kung ano ano pa. Madaldal kasi kaming dalawa.

Tapos nakarating na din kami sa Shakeys. Umupo na kami dun sa  parang sofa na medyo mahaba.

"Oh anong gusto mo?"

"Yung mojos ate tapos yung pizza na regular yung thick crust."

Buti madami pa akong budget na naipon. Siguro may vision ako na magpapasundo kapatid ko.

"Ano po yung order nila Maam?"

"Yung basket of mojos tapos yung pepperoni pizza niyo yung thick crust tapos yung drinks 1 pitcher of bottomless ice tea."

"Okay po Maam for 20 minutes po yung mojos at pizza okay lang po ba sainyo?"

"Sige okay lang."

Pagkatapos nun nagtext ako kay Madi at kinamusta sila at kung asan na sila tapos sinabi ko na nasa shakeys pa kami ng kapatid ko. Nilagay na nung waitress yung mga plato at etc.

Habang nagtetext ako parang may lumalapit sa amin na lalaki.

"Amber?"

Tapos tinignan ko kung sino yun.

Si AJ.

"AJ? Anong ginagawa mo dito?"

"Kakain siguro."

"Okay."

"Amber sino yung kasama mo?"

"Ahy nga pala AJ meet Andrea kapatid ko, Andrea meet AJ uhm classmate ko."

Kung Tayo, Tayo Talaga?Место, где живут истории. Откройте их для себя