Pinunasan ni B ang mukha ko gamit ang hawak niyang puting bimpo. Cotton ito at damang-dama ko ang lambot. Dahan-dahan niya itong ipinunas sa mga mata ko.

"Kumalma ka muna," sabi niya. "Tama na muna ang pag-iyak. Tingnan mo yang mata mo, o. Kanina lang masayang masaya yan, ngayon.."

Iniiwasan ko ang tingin niya pero hinuhuli niya ako. Pinipilit ko ng tumahan pero sa pagsubok kong magsalita para masabi sa kanya lahat, nagbabadya na naman ang luha. Paputul-putol ang paghinga dahil sa barado kong ilong.

"Inhale, exhale," ani B at sinasabayan ako. Ginaya ko naman siya at sa ilang ulit na ganoon ay gumaan naman ang pakiramdam ko kahit kaunti.

"Okay na?" tanong niya sabay ng pagkunot ng kanyang noo na parang hindi siya sigurado.

Binigyan ko lang siya ng pilit na ngiti. At matapos ang ilang failed attempts sa pagsisimula ng paliwanag ko, nagawa ko rin.

"Isipin mo na lang, ah..." yan pa lang ang nasasabi ko pero may tubig na naman sa mga mata ko. Tumingala na lang ako upang hindi ito agad tumulo. "Na...kinukwento ko sayo..yung kinwento mo sakin last time sa bahay."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig sakin. Hindi tuluy-tuloy ang pagkakasabi ko ng mga salita dahil hindi ko talaga kayang deretsuhin.

"Ah...Mukhang idol ni George si Patrick mo, B." Inagaw ko ang bimpong hawak ni B at saka pinunasan ang mga mata ko. Bwisit na luha kasi. "Parang hilig ata nila tayong saktan."

Tumungo ako uang hindi ko makita ang naging ekspresyon ni Blesie sa sinabi ko. Ayokong makita na nasasaktan din siya. Ayokong makitang naaawa siya. Kasi mas masasaktan pa ko. Mas maaawa pa ako sa sarili ko.

Madali kong pinigilan ang pag-iyak ko nang marinig ko ang sigaw ni Melanie sa labas ng tent.

"Blesie, Georgina! Tara na dito! Swimming na tayo!" Hinawi nito ang telang nagsisilbing pintuan ng tent. "Nandun na silang lahat sa pool, o. Bukas pa pala io-occupy ng mga engineers ang area sa tabi ng pool kaya pwede pa tayo dun! Halina kayo." Umiwas ako ng tingin sa kanya upang hindi niya mapansin ang namumugto kong mga mata. Kinalikot ko na lang ang kung anumang nakita ko sa gilid ko para magmukhang busy.

"Sunod na kami," maiksing tugon ni Blesie sa pinsan niya.

Hindi ko alam kung bakit hindi na nagtanong pa si Melanie. Baka sinenyasan na niya ito na wag na kaming guluhin.

"O, sige. Dun lang ako."

Nang maramdaman kong wala na siya, humarap ulit ako kay B pero hindi ko pa rin itinatass ang tingin ko sa mukha niya.

"Pwede bang pumunta tayo sa...tahimik?" tanong ko. Agad kumilos si B at hinawakan ang kamay ko. Lumabas na kami ng tent.

Dinala ako ni B sa sea shore. Tahimik lang kami sa paglalakad namin hanggang makarating kami dito. Tahimik nga. Tanging alon lang ng dagat ang naririnig ko. Tingin ko rin ay walang ibang taong nandito dahil off-limits na ang beach pagsapit ng dilim. Wala ring kahit anong ilaw.

Hindi pa rin ako binibitawan ni B hanggang hindi kami nakakaupo. Inilapat naming ang aming mga sarili sa buhanginan saka niya inalis ang kamay niya sa'kin. Tumingala ako sa madilim na kalangitan. Natanaw ko ang mga bituin, ang buwan.

"Umiyak ka na ulit." Nabasag ang pagmumuni-muni ko sa naturan ni Blesie.

Lumingon ako sa kanya bagaman hindi ko siya makita. Sobrang dilim kasi talaga sa lugar na ito.

"Hindi ko alam kung pareho lang ang level ng sakit ang nararamdaman natin ngayon. Pero sige na, umiyak ka na. Mas gagaan ang pakiramdam mo pag nailabas mo nang lahat ng nasa dibdib. Hindi man mawala ang sakit, nabawasan naman."

I'm NBSB No MoreWhere stories live. Discover now