Chapter 17: Weird Feeling

39 1 0
                                    

Ashley's POV

It's another day which means another day to endure all of Kurt's cute acts.

Anyways, nabad trip pa ako kahapon dahil sa kaniya! Sino ba namang hindi mababad trip kung bigla kang iniwan ng kasama mo sa mall dahil may nakita lang siyang babae?! Hindi ako nagseselos okay?  Nabad trip lang talaga ako dahil iniwan niya ako na parang tanga!

Lumabas na ako ng classroom namin at naabutan ko naman siya na may kausap sa cellphone sa may hallway. Tsk. Hindi niya man lang ako napansin. Nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglabas ng room at dumiretso na sa cafeteria.

Habang naglalakad may sumabay sa akin kaya tiningnan ko siya. Nagulat pa ako nang malaman ko na siya yung lalaking tamad na kumausap sa amin ni Kurt nung isang araw.

"Hindi mo ata kasama bodyguard mo?" Inirapan ko na lang siya. Halatang nang-iinis eh.

"May nakikita ka bang hindi ko nakikita?"

I heard him chuckled kaya naman napa-irap ako ulit. "Saan punta mo?"

"Cafeteria," tipid kong sagot habang naglalakad pa rin kami.

"Ano nga palang pangalan mo? Hindi kasi sinabi ni Kurt sa akin. Ang awkward naman kung hindi ko alam pangalan mo." Tanong niya bigla.

"Ashley Kim, ikaw?"

"Jonathan Arceo. Kaibigan ko si Kurt," sabi niya kaya tumango-tango na lang ako para kunwari interested ako. Wait. Arceo? So kapatid niya yung panget na dwende? That makes sense. Parehas kasi silang kasing puti ng gatas. Nahiya naman ako sa complexion ko.

Nakarating na kami sa cafeteria at halos manlaki ang mga mata ko dahil sa rami ng mga mandirigma sa loob. Chos. Ang dami kasing students na kulang na lang ay magpatayan para lang makapila. I thought may proper etiquette ang mga students dito. Well akala ko lang pala 'yon. This school really surprise me.

"Sige my treat. Hanap ka na lang ng bakanteng table." Napangiti ako sa narinig.

"Walang bawian 'yan, ah?" Tumango siya kaya mas lalong lumawak yung ngiti ko.

"Kyah! Sige hanap na ako ng table. Thanks Jona!" Saka ako naghanap ng lamesa. Mukha naman siyang naguluhan sa tinawag ko sa kaniya pero nang marealize niya na Jonathan ang pangalan niya, mukhang nagets niya naman. Tsk. Buti pa siya hindi slow!

Inilibot ko yung paningin ko at nahagip ng mga mata ko yung table nila Tyler. Oh? Bakit kasama niya si Marx at Jennie?

Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Rose. Nagulat naman siya pero kalaunan ay umirap. Tsk. Dukutin ko mata mo eh!

Tumingin ako sa may pintuan ng cafeteria't pinanood ang mga students na lumalabas at pumapasok dito. Kusa akong napangiti nang makita ko si Ivan na pumasok.

"Ivan!" Tawag ko sa kaniya at kumaway. Nginitian niya naman ako habang naglalakad papunta sa pwesto namin at umupo sa tabi ni Tyler. Katapat ko si Tyler at may space pa sa tabi ko.

"Hi Ash. Kamusta buhay?" Natatawang tanong niya. Napa-irap na lang ako. Hay. Kung alam mo lang.

"Seriously? Tinatanong mo ako niyan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

He just shrugged saka bumaling kila Jennie. "Oh? Hi Jens!" Masiglang bati niya pero inirapan lang siya nito.

"Sino ka?" Tanong bigla ni Tyler at hinarang ang sarili niya kay Jennie. Napapagitnaan niya kasi silang dalawa.

"Ah ako? Boyfriend niya bakit?" Nakangiti niyang tugon habang tinuturo pa ang sarili niya.

"What?!" Grabe ha. Ang OA ng pinsan ko. Parang siya yung girlfriend.

Thanatos University: Where you kill or get eaten aliveKde žijí příběhy. Začni objevovat