Chapter 4: Bloody night

90 7 3
                                    

Chapter 4

Ashley's POV

Kanina pa masama ang tingin na ipinupukol sa akin nitong dormate ko. Hindi ko alam kung ano bang problema nito. Simula ng umalis si Kuya Ethan ganyan na yung inasta niya.

"Problema mo?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw." Sagot nito. What? Ako? Ako daw? Aba naman.

"Ano na naman bang problema mo blue guy?" tanong ko ulit.

"Ang kulit." Sabi nito saka ginulo ang buhok. "Sino si blue guy?" tanong nito saka tumingin sa akin.

"Idiot, it's you. I don't know your name so I decided to call you by names I made up." I explained to him.

"Yeah, right. You should buy me groceries tomorrow." Sabi nito.

"What?! At bakit ko naman gagawin iyon?"

"'Coz I helped that cousin of yours bring your luggage inside." Balewalang saad nito.

"As far as I can remember, I didn't ask you to help him."

"Yeah, whatever." He said and stormed into his room.

Natawa naman ako sa kanya. Naalala ko tuloy kanina kung paano siya mag reklamo sa akin.

-Flashback-

Pinihit ko ang doorknob at halos mapasigaw pa ako nung malaman ko kung sino iyong bisita ko.

"Surprised?"

"What are you doing here?" I asked this bastard.

"Yeah, I missed you too." Sarcastic nitong sabi sa akin "Anyway, heto iyong mga gamit mo. Dumaan kasi ako sa bahay niyo kanina. Sabi ko kay Tita ako na lang magdadala, pumayag naman siya." Dagdag niya pa at ngumiti. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Saan ko pala ilalagay itong mga bagahe mo?"

"Malamang sa malamang, edi sa kwarto ko. Sus kuya, nagbakasyon ka lang bumobo kana. Tsk tsk tsk." Saad ko na iiling-iling pa.

"Hay ewan ko sa iyo. Mga bata talaga o." sinimulan na rin naman niyang ipasok sa kwarto ko iyong mga maleta.

Nakakailang balik na siya nung lumabas iyong dormate ko "Kaano-ano mo siya?" .

Tinignan ko naman siya "Pinsan ko. Bakit? May angal ka?".

Hindi naman niya ako pinansin bagkus ay kumuha rin siya ng mga gamit ko at ipinasok sa kwarto ko.

Nang bumalik naman siya ay nagreklamo ito sa akin "Ba't ang dami mo namang gamit? Pasalamat ka dahil nahihilo ako sa kakabalik nitong pinsan mo. Tss." Kada balik niya ay nagrereklamo siya kesyo ang arte ko daw dahil marami daw akong pinadala. Hindi ko naman sinabing tumulong siya diba? Bobo! Hmp.

-End of Flashback-

Si kuya Ethan iyong isa ko pang pinsan na nag-transfer din dito. Kasama niya iyong kapatid niya, si Roseanne. Kasing edad lang ni Sam si Rose habang si Kuya E naman ay mas matanda sa akin ng one year pero parehas lang kaming grade 10. Ayaw niya daw kasing mag-isa lang kaya ayun, umulit siya ng grade 1 nung mag-aaral na ako, dahil gusto nga raw niya ay may kasama siyang kakilala niya. He's so childish. To think na hanggang ngayon ay dala niya pa rin ang ugaling iyon, himala ata dahil nakapasok pa siya sa school na 'to.

Pumasok na lang din ako sa kwarto ko. Hindi na ako kumain ng hapunan dahil busog pa naman ako. Ang sabi din ni kuya E ay sa Monday pa ang dating ni Rose.

Hay, buhay nga naman. Lumapit ako sa may bintana saka dumungaw sa baba. Nakita ko naman ang ilang grupo ng kalalakihan na tila may pinagkakaguluhan. Nakita ko naman na nasa gitna nila ang isang nerd. Psh, kaya pala. Ay naku. Pasalamat siya dahil mabait ako ngayon. Binuksan ko ang bintana at saka tumalon. Mababa lang naman ang tinalon ko since sa second floor lang ang unit ko. Naglakad naman ako papunta sa direksyon nila.Huminto muna ako nung medyo malapit na ako. Mula sa puwesto ko ay tanaw na tanaw ko kung paano mangatog ang mga tuhod ng nerd na iyon, tsk.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ng hindi nila napapansin. They act so tough and yet they're so dumb. "What do we have here?" tanong ko sa kanila. Napalingon naman silang lahat sa akin. Sa tantya ko ay nasa sampu ang mga ulul na 'to, kayang-kaya.

"Umalis kana dito miss kung ayaw mong madamay" sabi nung isa sa kanila.

"Ano bang kailangan niyo sa nerd na 'to?"

"Hindi mo na kailangang malaman miss."

"Very well then, you leave me no choice." Sabi ko saka ngumisi. Dahan dahan akong humakbang palapit sa kanila habang nakatingin lang sa nerd na ngayon ay nakatingin rin sa akin. Isang nakakakilabot na ngiti ang sumilay sa mga labi ko nang maramdaman kong may humawak sa magkabila kong braso, may naramdaman din akong malamig na bagay na nakatusok sa tagiliran ko.

Hope you guys will still have a chance to live. 'Coz this night will be bloody. 

-End of Chapter -

Thanatos University: Where you kill or get eaten aliveWhere stories live. Discover now