Chapter 8: Olympian Gods

70 2 0
                                    


Chapter 08

Ashley's POV

"HOY ASSASSIN!!! GUMISING KANA MALE-LATE NA TAYO PARA SA ORIENTATION!!!" napabalikwas agad ako mula sa kama. Tinignan ko naman ng masama itong lalaking ito pero nginitian lang ako. Aba talaga naman o. "Magluluto na ako." Sabi nito bago lumabas ng kwarto ko. Yep alam na niya kung sino talaga ako which I find a little bit odd. Ang hirap kaya malaman kung ano ang identity ng mga may koneksyon sa black market kaya sigurado ako ng konektado rin siya doon.

Hindi na ako nag-abala pang ayusin ang kama dahil hindi naman ako marunong kaya dumiretso na lang ako sa banyo saka naligo at nagbihis. Paglabas ko naman ay nakita ko si Kurt - yep, Kurt ang pangalan niya at pinsan niya si Ivan - na inaayos ang kama ko "Kababae mong tao hindi ka marunong maglinis." Pailing-iling na sabi nito kaya naman napairap ako. "Bakit? Sinabi ko bang linisin mo?" iritang tanong ko saka lumapit sa salamin para magsuklay.

Lumapit naman sa akin si Kurt "Hindi ba masyadong maiksi ang palda mo?" tanong nito kaya naman napatingin din ako sa palda ko saka nagkibit balikat "Ito ang binigay sa akin eh.". Nagulat naman ako ng padabog itong lumabas ng kwarto. Problema non?

Lumabas na ako nung natapos na akong mag-ayos. Dumiretso ako sa kitchen at may nakitang pagkain na nakahain. Umupo naman ako at aktong kakain na nang may tumapik sa kamay ko. "Bakit?" iritang tanong ko.

"Akin 'yan." Sabi nito "Magluto ka kung gusto mo."

"Psh. Damot." Sabi ko na lang saka lumabas. Mag-grocery nga hindi ako marunong pano pa kaya pag magluluto. Jusko. Lumabas na ako ng dorm saka dumiretso sa cafeteria. Galing na kami ni Lalice nung saturday dito buti na lang natandaan ko yung daan papunta dito.

"Narinig niyo ba? Pinatay daw yung gang ni Jerome." Nagpantig ang tenga ko sa narinig.

"Oo nga. Kahapon lang nila nakita iyong mga bangkay."

"Ang sabi nung Saturday na gabi sila pinatay diba?"

"Hindi pa man nagsisimula pero gumagalaw na sila." Anong hindi pa nagsisimula?

"Pero sabi ng iba dalawang babae daw ang nakita nilang pumatay kila Jerome." Dalawang babae? Kami ba 'yon?

Umiling na lang ako saka pumila sa counter. Nang maka-order na ako ay dumiretso agad ako sa isang bakanting table at umupo. Nakaka-ilang subo pa lang ako ay may naglapag ng tray sa harap ko. Tumingala ako para tignan kung sino 'yon.

Si Roseanne Sydney Park kapatid ni kuya E. "Nakakawalang-gana sa dorm." Sabi ng pinsan ko.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko "Bakit? Sino bang dormate mo?" tanong ko.

"Jennie daw. Nerd pa man din. Aish." Inis na sabi nito saka nagsimulang kumain. Jennie? Siya yung babaeng kasama kong pumatay dun sa gang. Gang ba sila? Eh mas malakas pa yung mga freshmen assassin sa company namin eh.

"Dalawa lang kayo?" tanong ko at umiling naman ito. "Tatlo kami. Yung isa naman kasi ang weird niya like duh." Sabi nito.

"O, sino naman yung isa?"

"Lalice." Napatingin naman ako sa kanya.

"Kilala mo?" tumango ako "Kapatid siya ng dormate ko." Sabi ko saka pinagpatuloy ang pagkain.

Nang matapos kami kumain ay sabay naming tinahak ang daan papunta sa gym dahil doon daw gaganapin ang orientation. Nang makarating kami doon ay naabutan naming ang iba pa naming pinsan. Umupo naman kami sa tabi nila.

Natahimik ang lahat ng muling bumukas ang pinto ng gym kaya naman napatingin ako doon. Isang nasa mid-forties na lalaki ang pumasok kasunod nito ang admin at ilang mga estudyante. Napukaw ang atensyon ko ng may pamilyar na mga pigura ang aking nakita - si Jennie at Kurt.

-oOo-

Mabilis lang naman ang naging orientation. Pinaalala lang ang mga rules and regulations at sinabihan muli ang mga estudyante na ipinagbabawal ang pag-labas ng university. Pinakilala rin ang mga Olympian Gods nitong university na 'to. Come to think of it, In Greek mythology , Thanatos was the personification of death . He was a minor figure in Greek mythology, often referred to but rarely appearing in person. And I must say fan ng Greek mythology ang may-ari ng university na 'to which turns out to be that guy. Erobos. 'Yan ang pangalan na sinabi niya pero I doubt na 'yon talaga ang pangalan niya.

Anyway, ang Olympian Gods, sila ang may kapangyarihan sa buong university. Ilag sa kanila ang mga estudyanteng mahihina. Ang basehan naman nila ay talino at lakas. Kung matalino ka pero mahina ka sorry na lang sa'yo and vice versa. Sampu ang miyembro ng O. G. kabilang na doon si Jennie at Kurt. Kasalukuyan na nangunguna si Kurt bilang si Hades - ang sabi nila sila daw mismo ang pipili ng magiging pangalan nila basta daw may koneksyon sa Greek mythology - pangatlo naman si Jennie bilang si Artemis.

Tumayo na ako mula sa sanga ng puno na inuupuan ko saka tumalon pababa. Wala ng estudyante sa labas dahil karamihan sa kanila ay nasa plaza.

"Ash!" napalingon ako sa tumawag sa akin. He motioned me to walk towards him pero tumayo lang ako at ginaya ang ginawa niya.

Mga ilang minuto rin kaming ganoon nang may narinig akong nagsalita "Kita mo nga naman... May mas tatamad pa pala sa akin." Sabi nito.

-End of Chapter-

Thanatos University: Where you kill or get eaten aliveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant