Chapter 6: Someone?

68 2 0
                                    

Chapter 6

Ashley's POV

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag. Pero pag-lingon ko sa nilalang nakatingin din ito sa akin. Para bang nakikita niya ko sa loob ng kotse. Pero tinted naman saka itim ang kotse ko kaya imposible talaga na makita niya ako. Madilim na rin sa paligid kaya imposible talaga.

Tumingin na lang ako sa cellphone ko at dinial ang number ng University.

Naka-ilang ring din bago may sumagot.

"Good evening, Thanatos University, how may we help you?" magalang na tanong ng sa kabilang linya.

"Hi this is Ashley... Ashley Kim, I'm a transferee. There is something or someone - I don't actually know what it is - but is there someone missing in the university?" mahabang sabi ko.

"What? Where are you right now Miss Kim?"

"Malapit na po ako sa university pero nag-park po ako sa gilid ng kalsada kasi nga po may nakita ako." sagot ko sa tanong.

"Okay. No matter what happens 'wag kang lalabas ng kotse mo." may diin na sabi nito. Parang automatic naman na gumalaw ang mga kamay ko para ilock ang mga pinto ng kotse.

Naging tahimik sa kabilang linya pero nakarinig ako ng mga vibrations na para bang tumatakbo ang may hawak sa phone. May naririnig din ako na para bang may sumisigaw ng 'code red' or something.

Tumingin ako ulit sa nakita ko kanina pero wala na ito roon. Nagpalinga-linga ako sa loob ng kotse.

Napatakip ako ng bibig at napahawak ng mahigpit sa phone ko. Nasa harap ito ng kotse ko at nakatingin sa akin. Nakita ko ng mas buo ang itsura niya. Gulo gulo ang mga buhok nito. Marming bahid ng dugo sa kaniyang damit. Meron din sa kaniyang bibig. Nakita ko rin iyong mga ugat niya na nagsilitawan na kulay asul dahil sa headlight ng kotse. Sa hindi malamang dahilan ay natakot ako.

"Hey Ash." tawag ng nasa kabilang linya. Iyong boses na iyon.

"B-blue g-guy." nanginginig kong sabi.

"Hey. I want you to drive away from that creature. Drive as fast as you can then head straight to the university." pag-uutos nito sa akin. Sa unang pagkakataon ay susunod ako sa kaniya ng hindi nagrereklamo.

Dahan dahan akong nagmaneho palayo doon sa babae. Sinundan ako nito ng tingin pero hinayaan ko na lang. Nang sigurado na ako na hindi ko matatamaan ay binilisan kona ang pagpapatakbo ng kotse papunta sa university.

Lumingon ulit ako sa babae at nakita ko itong tumatakbo papunta sa akin. Mas binilisan ko pa pero sobrang bilis nitong tumakbo na halos nakikipagsabayan na ito sa takbo ng kotse ko.

Paulit-ulit akong napamura dahil sa nangyayari.

"Ash, what's happening?"

"D*mn it. Hinahabol niya ako!" sigaw ko.

"Hey Ash... Listen to me, calm down okay." sabi ni blue guy.

Huminahon naman ako at itinuon anv atensyon sa mabilis na pagmamaneho.

"Do you have a gun?" napatigil naman ako sa tanong niya.

"Answer me Ash. Do you have a gun?" bakas ang pagka-irita sa boses niya.

"Oo meron." pagsuko ko. Kesa naman mamatay ako no.

"Okay, now I want you to shoot that creature straight in the head." agad ko namang kinuha ang baril ko sa compartment. Iniloud-speaker ko ang phone ko at ibinababa pero bago iyon ay nagsalitang muli ang dormate ko "Kapag hindi siya namatay isunod mo iyong dalawang balikat at binti niya 'wag ka nang lilingon sa kaniya non." tanging okay na lang ang nasagot ko. Binababa ko iyong bintana saka inilabas iyong kalahati ng katawan ko.

Nakita ko naman na sumama ang tingin sa akin nung babae at parang mas lalo pang bumilis iyong pagtakbo niya. Para bang isa akong pagkain para sa kaniya na kailangan niyang makuha kung hindi ay may aagaw. Inasinta ko sa ulo niya ang baril. Kinalabit ko ang gatilyo saka pinaputukan ang ulo niya. Dapat ay hihinto na ito pero tuloy-tuloy pa rin ito sa pagtakbo yun nga lang ay bumagal na ito. Isinunod ko naman ang dalawang balikat niya. Tapos ay ang kaliwang binti niya. Mabagal na ang pagtakbo nito at paika-ika na.

Pumasok na ako ulit sa koste at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Tanaw ko na iyong gate na agad naman nilang binuksan na tila ba ay alam na nila ang pagdating ko. Nakita ko naman iyong dormate ko na nasa tapat ng gate na may hawak na cellphone.

Agad ko namang pinark ang sasakyan ko. Lumapit ang dormate ko sa sasakyan kaya naman binuksan ko agad iyong pinto. "Okay ka lang?" tanong nito. "Mukha ba akong okay?" tanong ko naman sa kaniya.Inalalayan niya akong lumabas.

Feeling ko napagod ako ng todo. "Okay lang kung matutulog ka ako ng bahala sa iyo." sabi niya kaya nginitian ko siya. Sinungitan ko na nga nakuha pa niya akong alalahanin. 

Tumango na lang ako saka pumikit naramdaman ko naman ang pag-angat ko sa lupa kaya napayakap ako sakanya. "Tsansing kana eh no" sabi nito kaya napangiti ako ulit.

"Thanks blue-guy."

-End of Chapter-

Thanatos University: Where you kill or get eaten aliveWhere stories live. Discover now