Chapter 7: Kurt

69 2 0
                                    

Chapter 7

His POV

"Gutom na ako." sabi ko sa sarili ko.

Hindi pa rin bumabalik si Ashley. Kanina pa siyang tanghali umalis pero magga-gabi na wala pa siya.

Hindi kaya napa-away ulit 'yon sa mga lalaki kagabi? Malabong mangyari 'yon kase dedok na sila.

Hay. Lumabas na lang ako ng dorm para pumunta sa cafeteria. Wala naman kasi kaming pagkain na mailuluto sa dorm.

Napadaan ako sa may faculty office at nakitang nagkakagulo sa loob. Hindi ko na sana papansinin ng may narining akong nagpakaba sa akin.

"Code red!" paulit-ulit na sigaw ng mga teachers sa loob. Code red ibig sabihin nasa panganib ang isang estudyante dahil nasa labas ito. Ipinagbabawal kasi ang lumabas ng campus kung hindi ka didiretso sa labas ng gubat.

Naalala ko bigla si Ashley. Shit. Dali dali akong pumasok sa loob. 

"Mr. Meneses bawal ang mga estudyante dito." Pagsita sa akin ng isa sa mga teachers.

"Sinong nasa labas?!" sigaw ko sa kanila. Natahimik naman silang lahat. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang isang teacher na may hawak na cellphone. Lumapit ako sakanya at agad naman niyang ibinigay sa akin ang cellphone niya. Lumabas naman ako ng faculty at muling umingay ang mga teachers sa loob.

"Hey Ash." pagtawag ko sa pangalan niya. Dumiretso ako sa gate. Bahala nang gutom kesa naman mapahamak yung dormate ko.

"B-blue g-guy." halos pabulong niyang sabi na may halong panginginig. Damn it. Ako may kasalanan nito.

"Hey. I want you to drive away from that creature. Drive as fast as you can then head straight to the university." I'll be waiting for you . Gusto ko sanang sabihin ang pang-huli kaya lang baka sabihan pa niya akong may gusto sa kaniya. Hiniding hindi mangyayari 'yon. Hindi nga ba?

Wala akong narinig mula sa kaniya pero alam kong sumunod siya sa utos ko. Ilang sandali pa nakarinig ako ng sunod sunod na mura. "Ash, what's happening?" nag-aalalang tanong ko.

"D*mn it. Hinahabol niya ako!" natatarantang sigaw niya. Sinubukan ko siyang pakalmahin at sinabihan ng gagawin. "Do you have a gun?" alam ko na kung sino talaga siya. Hindi siya ordinayong apo lang ng isang mayaman na matanda dahil higit pa doon ang pagkatao niya.

Hindi siya sumagot kaya naman natataranta na rin ako.  "Oo meron." pagsuko niya. Good.

"Okay, now I want you to shoot that creature straight in the head. Kapag hindi siya namatay isunod mo iyong dalawang balikat at binti niya 'wag ka nang lilingon sa kaniya non." kapag kasi nakakita sila ng mga tao mas lalo lang silang nagiging wild. They're craving for human flesh. Matagal nang pagala-gala ang mga tulad ng kaharap ni Ash ngayon sa paligid ng campus. Pero hanggang ngayon isa lang ang alam namin tungkol sa kanila. They're fucking dangerous. 

Hindi na sumagot pa si Ash at maya-maya pa ay nakarinig kami ng apat na magkakasunod na putok. Teka, bakit apat lang? Hindi ko na lang pinansin iyon at itinuon ang atensyon sa gate. 

Bumukas naman ito at iniluwa ang isang itim na kotse. Sumunod naman ako doon. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa akin ang namumutlang dormate ko "Okay ka lang?" stupid question. Malamang hindi. Aish.

Inalalayan ko naman siyang lumabas. "Mukha ba akong okay?" tanong nito. Nanahimik na lang ako baka magaya ako sa mga lalaki kagabi. "Okay lang kung matutulog ka ako ng bahala sa iyo." tumango naman ito saka pumikit kaya naman binuhat ko siya. Napayakap naman siya sa akin dala ng gulat. Hindi ko maiwasan ang mapangiti "Tsansing ka na eh no" ngumit naman ito saka sinabi ang mga katagang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Thanks blue-guy." Bakla na ata ako. Iyon lang ang sinabi niya pero ang laki ng epekto sa akin.

Napa-iling na lang ako sa mga pinag-iisip ko. Napatingin naman ako sa paligid at napagtanto na andito rin ang mga teachers. Sa di kalayuan naman ay nakita ko ang kapatid ko at ni Ash pati na rin ang mga pinsan nito.

"Ako ng bahala sa kapatid mo." sabi ko sa kapatid ni Ash. Kung hindi ako nagkakamali Samuel ang pangalan niya. 

Tinanguan naman ako nito kaya nagsimula na akong maglakad papunta sa dorm namin. Habang naglalakad ay pinagmasdan ko ang napakaamo niyang mukha. Tinamaan na ata ako.

-End of POV-

Ashley's POV

Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong mabigat sa may bewang ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at halos mapasigaw—nope hindi pala halos. Sumigaw ako ng pagkalakas-lakas at pinagtutulak ang lalaking nasa harap ko. "What the?!" sigaw nito sa akin. 

Inilibot ko ang paningin ko at na-realize na nasa dorm na ako. Sa living room to be specific.

"Problema mo?" tanong nito sa akin.

"Problema ko? Ikaw!" sigaw ko sa kaniya kaya lang parang iba nag pagkakaintindi niya dahil ngumiti ito ng pagkatamis-tamis.

"Sabi ko na nga ba. May gusto ka rin sa akin." nakangiting sabi niya at pumasok sa kusina. May tama talaga iyong lalaking iyon. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako kasabay nun ang paglabas niya sa kusina. "Kain ka." napatingin ako sa hawak niya. Isang bowl na hula ko ay may lamang instant noodles.

Tumango ako dahil nagugutom na rin ako. Hindi ako nakapag-breakfast kanina. Nag lunch nga ako konti naman ang kinain ko.

Tumabi ito sa akin ng hindi maalis-alis sa mga labi niya ang isang ngiti. Ngiti na siyang nagpapalakas ng tibok ng puso ko. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at umiling-iling. "Can you please stop smiling. It's creeping me out." kunwaring pagsusungit ko.

"Why?" nakangiti pa rin ito.

"Aish. Nevermind." sabi ko. Kinuha ko na lang mula sa kaniya ang bowl at nagsimulang kumain. Nakatingin lang siya sa akin habang nakahalumbaba sa harap ko. "Gusto mo?" pagtatanong ko sa kaniya. Itinaas ko pa ang kutsara at itinapat sa mukha niya.

Tumango naman ito. Hinawakan niya ang kamay kong may hawak ng kutsara at isinubo ang laman. Halos hindi na ako humihinga. Ano bang nangyayari sa akin? Binitawan niya ang kamay ko saka ngumiti ulit kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. "Masarap ba yung luto ko?" tumango naman ako kahit na instant noodles lang yon. Pare-parehas lang naman ang lasa non diba? 

May naalala ako bigla kaya naman tinanong ko siya "Sino iyong babae kanina?"

"Hindi rin namin alam. Basta kapag nakakita ka ulit ng ganon 'wag kang magdalawang isip na patayin siya." tumango naman ako. "Pero buhay pa rin naman sila diba?" tanong ko.

"They may look like but on the inside they're already dead." seryosong sagot nito.

Nakarinig kami ng sunod sunod na katok sa pinto. "Ako na." sabi nito saka tumayo. 

Binuksan niya ang pinto at bumungad sa amin ang mga teachers na nakapajama pa. Wala sa oras naman akong napatingin sa wall clock at napag-alaman na hating gabi na pala.

"Ms. Kim, are you okay?" tanong ng isang teacher. Base sa boses, siya siguro ang sumagot nung tumawag ako.

Tumango ako bilang sagot. Marami pa silang sinabi kesyo delikado raw ang ginawa ko. Pero hindi ako nakikinig hanggang sa nagpapaalam na sila. "Kurt ikaw ng bahala diyan kay Ms. Kim." sabi nung panot na teacher. Tumango naman itong dormate ko. Umalis na yung mga teachers kaya naman umupo ulit sa tabi ko yung dormate ko.

Then it hit me. "Kurt ang pangalan mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko at ang loko ngumiti ulit saka tumango. Juskolord. Siya lang pala si Kurt.

- End of Chapter -

Thanatos University: Where you kill or get eaten aliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon