Chapter 12: The gods and goddesses

39 1 2
                                    

Ashley's POV

Naalimpungatan ako ng marinig ko na iyong bell. Hinahanap ko kung nasaan ang magaling kong pinsan pero nabigo ako.

"Hoy!" Nabigla ako nang may humampas sa kamay ko.

"Yah! Ano ba?" Inis akong tumingin sa kaniya. Problema nitong lalaking ito?

"Lunch na kasi. Wala ka bang balak kumain?" Sabi niya ng hindi nakatingin sa akin. Sinundan ko kung sino iyong tinitingnan niya.

Oh! Kaya pala. Babae. Infairness maganda siya. May kasama siyang mga lalaki. Nagtama ang mga mata namin pero tinaasan niya ako ng kilay.

Umirap ako bago tumingin kay Kurt na ngayon ay nakatingin na sa akin, "Oo na tss." Sabi ko at tumayo. Kinuha ko iyong bag ko saka lumabas ng room. Dumiretso na lang ako sa may garden sa labas. Gusto ko munang mapag-isa at magisip-isip.

Umupo ako roon sa mga upuan na gawa sa bato. Bumuntong-hininga ako. Ilang tao na ba ang nakaka-alam ng totoong pagkatao ko rito? Ano ba talaga iyong misyon ko rito? Saan ba ako magsisimula? At bakit ko ba kailangan pabagsakin ang unibersidad na ito?

Sa pagkaka-alam ko kasi is isang elite school ang Thanatos ngunit bakit kailangan siyang pabagsakin ng dalawang malalakas na pamilya? Ano bang mayroon dito? Ano bang sikreto ang itinatago ng unibersidad na ito?

"Huy." Nabalik ako sa realidad ng maramdaman kong may tumapik sa balikat ko.

"Oh?" Bored akong tumingin sa kaniya.

"Akala ko ba kakain ka?" Kusang tumaas iyong kilay ko, at kailan pa ba naging concern sa akin itong mokong na 'to?

"Pake mo?" Irap ko sa kaniya. Tsk. Bakit hindi na lang siya roon pumunta sa babaeng maganda? Ako pang iniistorbo niya!

"Tss. Heto kumain ka." May inabot siyang lunch box sa akin. Ang taray ha! Disney princess yung design.

"Oh, kanino galing ito? Kay Lalice ba?" Takang tanong ko saka kinuha mula sa kaniya yung lunch box. Masamang tumanggi sa grasya ano ba kayo!

Umiling siya, "Sakin 'yan galing. Nagluto ako kanina sa dorm bago pumasok." Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya. Seryoso ba siya? Sa kaniya ito? Yung lunch box na ito? Yung lunch box na ito na disney princess ang design na kulay pink?

Oh. My. Ghad.

"Hoy! Ano kakain ka ba?" Alanganin akong tumango. Dahan dahan kong binuksan iyong lunch box at napangiti na lang nang makita ko yung ulam, chicken!

Tumingin ako sa kaniya nang umupo siya sa harapan ko, "Ikaw? Hindi ka kakain?"

"Share na lang tayo." Balewalang saad niya.

Naghanap naman ako ng extrang kutsara't tinidor.

"Eh? Meron ka pa bang spoon and fork?" Tanong ko.

Umiling siya,"Subuan mo na lang ako."

Automatic akong napa-irap sa sinabi niya, "Ano ako? Babysitter mo? No way high way!" With matching hand gestures pa 'yan. Para feel.

"Ihhh. Sige na. Please." Saka siya nag-puppy eyes. WTF?

Nandidiring tiningnan ko siya, "Yuck! Mandiri ka nga sa ginagawa mo!" Sita ko sa kaniya.

Umakto naman itong nagtatampo, "Hmpf. Edi 'wag!" Inis na sabi nito bago nag-cross arms at humarap sa gilid niya.

Again.

Oh. My. Ghad.

Anong nangyayari kay Kurt?!

-END OF POV-

Thanatos University: Where you kill or get eaten aliveWhere stories live. Discover now