Chapter 50

6.7K 104 7
                                    

Chapter 50

Stella's POV:

"Kung ang mga kwento ng Personal Maid at Boss sa mga nobela at movies ay nakakakilig dahil magagawa ng Personal Maid na mapatibok ang puso ni Boss na cold-hearted, strikto, suplado at may pagka-badboy na ugali, paano naman kaya ang magiging storya ko, NAMING DALAWA?

Ano ang kahihinatnan ko sa Boss kong may KAKAIBANG UGALI at UNDPREDICTABLE NA PAG-IISIP?

Ang sabi sa akin ng tatay niya ay kailangan ko siyang MAPATINO. Pero parang hindi ko ata kakayanin na mapatino siya dahil SOBRANG TINDI ng taglay niyang characteristic!

Exagerated siyang mag-isip. Wirdo. Mapang-asar. May pagka-childish. Slow Poke. Hay nako! Basta. Sa madaling salita, para sa akin, HINDI SIYA ORDINARYONG NILALANG!

Ibang-iba siya sa mga Boss na nababasa at napapanood ko.

Isa siyang alamat!"

Hindi ko mapigilang mapangiti nang mabasa ko ang teaser ng libro. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na naisalibro ang storya namin ni River. Ipinost ko ito sa wattpad at sa 'di ko inaasahang kalamidad, dinagsa ito ng maraming mambabasa. Hanggang sa may kumontak sa aking publishing company na gusto raw nila akong bigyan ng opportunity para maisalibro ito.

Hindi alam ni River na isinulat ko sa wattpad na online writing platform ang storya namin at hindi rin niya nalaman na um-oo ako sa sa publishing company hanggang sa mapublish ito.

Agad kong dinala sa counter ang libro para bayaran 'yon.

Agad kong initsa kay River ang libro nang parehas na kaming makapasok sa kotse niya.

Binasa niya ang title, "My Extraordinary Boss." Kumunot ang noo niya. Tinanggal niya ang cover ng libro at binuklat ang pahina. Nagsimula siyang magbasa. Nagulat ako nang bigla niyang isinara 'yon nang biglaan.

"A-ano 'to?" Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Naging libro ang storya nating dalawa." Ngumiti ako sa kanya. Akala ko ay matutuwa siya pero bigla niyang initsa sa akin libro. Bakas na bakas ang pagkagulat at parang nadisappoint siya.

Napahilamos siya sa kanyang mukha. "Paanong naisalibro ang storya nating dalawa?"

"Pinost ko siya sa wattpad tapos naging million 'yung read. May publishing company na kumontak sa akin. Hindi ko sinabi sa'yo para sana isurprise ka na 'eto na - libro na."

Napanguso siya saka binalot ng pagkalungkot ang mukha niya. "Nakakainis ka naman, e!" Reklamo niya.

Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit ka naman maiinis? Hindi ka ba natutuwa?"

Mahaba pa rin ang nguso niya, "Nakakahiya!"

"Ha? Ano naman ang nakakahiya?"

"Nakakahiya ako. E di, alam na nilang OA ako. Na madalas akong slow. Na exagerrated akong mag-isip."

Natawa ako sa sinabi niya. Ibig sabihin pala ay pinoproblema niya ang ugali niya - na naikwento ko na sa buong mundo kung ano'ng klaseng tao siya.

Humalakhak ako. Tiningnan niya ako ng masama.

"Ano'ng nakakatawa do'n?"

"Ang cute mo!" Natatawa kong sabi. "'Wag ka nang malungkot at madisappoint. Ang dami ngang natuwa, e."

Humalukipkip siya sabay irap sa akin. "Hindi tayo bati! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sakin na 'to."

Lumapit ako nang bahagya sa kanya. Inabot ko ang balikat niya at hinagkan iyon. "'Wag ka na magalit. Ayaw mo n'on, marami kang napasayang tao. Marami ang nainis, natawa, umiyak at kinilig sa atin." Sinabi ko na ang lahat ng positive thoughts para hindi na siya magtampo. Bumabalik na naman kami sa dati. Medyo mahirap na naman siyang paamuhin.

My Extraordinary BossWhere stories live. Discover now