Chapter 16

2.3K 46 1
                                    

Chapter 16:

Stella's POV:

Mag-isa na sana akong uuwi dahil may praktis daw ng basketball sila River ngayon, naisip kong wala naman akong gagawin doon kaya uuwi na lang ako pero bigla naman akong hinarang ni River na sumama raw ako sa praktis dahil ako raw ang magsisilbing water-girl niya na aabutan siya ng tubig tuwing time-out at ako rin daw ang magpupunas ng pawis niya.

"'Wag ka nang magreklamo. Di ba, Personal Maid kita kaya sumunod ka na lang." Aniya at saka nauna na sila ni Neff na magpunta sa locker para mabihis ng jersey.

Ano pa nga bang magagawa ko kaya sumunod na lang ako sa kanya. Siyempre, kahit naman may authority ako sa pagpapatino sa kanya, nirerespeto ko pa rin ang pagiging boss niya kaya susunod ako sa mga gusto niya.

Aayain ko sana si Aerol na manood kaso lang ay may praktis daw sila ng banda nila. Sa pagkakaalam ko ay vocalist siya. Hindi rin daw siya magaling sa basketball pero nagbabasketball naman kapag mga friendly game lang kaso ay hindi pang-varsity ang kakayanan niya. Sa pagkanta talaga siya naeexpose.

Sa ibabang bleachers ako pumwesto kung saan doon pupunta ang mga players kapag magta-time out. Dahil nga ako ang water-girl at punas pawis-girl ni River ay kailangang nasa tabi niya ako.

May mga ilang players na ang andito pero wala pa sila River at Neff dahil nagbibihis pa. Medyo late na rin kasi kaming pinalabas ng teacher namin kaya nagbibihis pa lang sila.

Halos maglaway ako nang nakita mula sa malayo ang boss kong naglalakad papasok ng gym. Sobrang hot niya sa kulay sky blue sando at jersey niya. Goodness. 'Yung biceps niya talaga, eh. Machong-macho! Mas lalo pang sumilaw ang kagwapuhan at kaputian niya nang matapat siya sa medyo orange nang kulay ng sinag ng araw. Kasama niya si Neff na sobrang hot din pero hindi ko alam sa sarili ko pero mas naaattract ako kay River. Para bang ang tino-tino at ang lakas ng appeal niya sa athletic attire niya ngayon.

Hindi ko namalayan na naitutulak na pala ako ng mga players dahil humaharang ako kanila para magmeeting muna.

"Maupo ka muna roon sa tabi." Ani River at saka ibinaling ang tingin sa coach nila. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila basta ako ay umupo na lang sa bleachers.

Dahil praktis lang naman ito ay wala nang pormal na pagpapakilala ng players kaya agad nang pumunta ang mga starting players ng parehas na team at nag-umpisa na ang game.

Walang humpay ang hiyawan ng mga tao sa gym sa tuwing may maishu-shoot ang parehas na team. Pero mas matindi ang hiyawan sa tuwing nakakashoot si Neff,  River at 'yung lalaki sa kabilang team na may apelyidong Del Monte. Guwapo rin kasi ang Del Monte na 'yon. May katangkaran at parang may halong foreign gene. Malakas din ang karisma niya pero siyempre, dahil hindi ko naman siya kilala ay wala akong pakialam sa kanya.

Narealize ko na lang na nakangiti at kinikilig akong pinapanood ang boss kong si River. Grabe, hindi ko inakalang sobrang galing niya pala talagang magbasketball at three point shooter pa siya. Napahiyaw pa ako ng malakas nang maagaw niya sa isang player ng kabilang team ang bola at walang anu-ano'y shinoot iyon at naka-score sila ng three points.

Sa sobrang aliw ko sa kagalingan ni River ay parang nawala ang lahat ng inis ko sa kanya at napalitan ng paghanga. Bukod sa sobrang guwapo na at hot, magaling pang magbasketball! Crush ko na siya. Hihihihi. Walang kaduda-duda kung bakit siya napasama sa One of the Most Promising Student ng Klavinson Academy.

Nang natambakan ang kabilang team ay nag-time out sila. Agad ko namang nilagyan ng tubig sa malaking container nila ang tumbler na hawak ko at saka ibinigay iyon kay River. Medyo nailang pa ako nang lumapit siya at hinarap ang sarili niya sa akin. Napakapamewang pa habang humihingal. "Punasan mo ang pawis ko." Aniya na sa tingin ko ay nakapagpa-pula sa akin. Lumunok muna ako at saka mas lumapit sa kanya para maabot ko ang katawan niya.

My Extraordinary BossWhere stories live. Discover now