Chapter 29

1.9K 33 0
                                    

Chapter 29

Stella's POV:

Napabuntong hininga ako saka matapang na tiningnan sa mata si River. Kailangan ko nang burahin ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Dapat ko nang ma-klaro ang lahat sa aming dalawa.

"River," Paunang salita ko. Parehas kaming nakaupo sa kama niya. "'Y-yung about noong huwebes...'yung sinabi mong---" hindi pa ako tapos magsalita ay nagsalita na siya.

"Oo, Stella, Mahal kita." Seryoso niyang sabi. Napapikit ako ng isang beses at saka napalunok.

"P-pero---" Natigil ako sa pagsasalita dahil sa paglapit niya sa akin. Nakaramdam ako ng pag-akyat ng dugo sa mukha ko dahil sa paghaplos ng kanang kamay niya sa kaliwang pisngi ko.

"Alam kong wrong timing ang pagco-confess ko sa 'yo pero Stella, seryoso ako, mahal kita. Hayaan mo 'kong tulungan ka para makalimutan si Adrian. Hayaan mo akong mahalin ka."

"River, kailan pa?"  Tanong ko.

"Hindi ko alam, Stella. Basta naramdaman ko na lang na mahal kita. Kaya parati akong naiinis tuwing si Adrian ang bukambibig at parating kasama mo. Naiinis ako sa tuwing inuuna mo ang ibang bagay kaysa sa akin. N'on pala, mahal na kita kaya ko nararamdaman 'yon." Hindi ko alam pero parang medyo nakaramdam ako ng kilig sa sinabi niya. Kahit na nasaktan ako ni Adrian, pakiramdam ko may taong sumalo sa akin; may taong mas karapat dapat na mahalin ko kaysa kay Adrian.

Akala ko hahayaan na ako ng tadhana na masira nang tuluyan dahil sa taong minahal ko pero ginago lang ako. N'on pala, may taong andiyan lang pala sa tabi ko at mamahalin ako.

"Bakit, bakit mo ako minahal, River? Paano?" Alam kong luma na ang tanong na 'to pero gusto kong malaman kung bakit. Gusto kong malaman 'yung rason kung bakit niya ako minahal. Lahat naman siguro ng taong minahal, gustong malaman ang rason kung bakit sila minahal.

Muling nagtama ang tingin naming dalawa. Naramdaman ko na naman ang sinsiredad ng kanyang mga mata. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin gamit ang mga mata niya. Hindi ko lang maintindihan 'yung sarili ko kung bakit ang saya saya ko ngayon. Ang saya saya ko na malaman na mahal ako ni River.

Parang nabalewala 'yung nararamdaman ko para kay Adrian. Parang 'yung saya at sakit na ibinigay niya sa akin ay nawala na lang bigla nang malaman kong mahal ako ni River.

Ibinaba na niya ang kamay niya sa pisngi ko at saka sinagot ang tanong ko. "Bakit kita minahal?" Aniya na parang tinatanong din ang sarili. Napakibit-balikat siya. "Hindi ko rin alam. I just felt it. Nagising na lang ako isang araw na mahal na pala kita and I don't know why
"Hindi naman ikaw 'yung tipo ng babae na gugustuhin ko," Medyo kumunot ng onti 'yung noo ko. Medyo hindi ko nagustuhan 'yung term niya, ah. Pero sige na, go. Mahirap naman kung sirain ko 'yung moment of confession niya. "Ikaw?" Nagtaas siya ng kilay. "Hindi ko talaga pinangarap na magmahal ng isang panget---" Ngayon, hindi ko na napigilang sumagot.

Napahalukipkip ako. "Hindi ako panget. 'Medyo panget' lang." Asta ko at saka napanguso. 'Yung moment na seryoso ang ambience tapos maiinis ako. Kasi naman, e. Oo nga, seryoso talaga siya sa sinasabi niya. Hindi niya intensyong mainis ako pero kasi...nakakainis 'yung mga term niya, e.

'Yung ang inosente ng pagkakasabi niya pero 'yung dating sa'yo medyo maiinis ka.

"Ok. 'Medyo Panget'," tumikhim siya. "'Di ba sabi ko sa'yo dati hindi kita magugustuhan dahil sa 'medyo panget' ka? I was wrong. Hindi ko inakalang magugustuhan at mamahalin pa pala kita."

Medyo nawala naman ng bahagya 'yung inis ko. Magaling. Magaling bumawi.

"Hindi pala basehan ng pagmamahal ang pisikal na kaanyuan dahil hindi mata ang umiibig kundi ang puso. Hindi mata ang magdidikta kung sino ang mamahalin. Puso—puso ang basehan sa pagmamahal."

My Extraordinary BossDonde viven las historias. Descúbrelo ahora