Chapter 33

1.8K 28 0
                                    

Chapter 33

Stella's POV:

Papunta akong canteen para bumili ng meryenda dahil maya-maya ay mag-uumpisa na ang finals. Hindi na ako nagpasama kay River dahil kasalukuyan na silang nagbibihis sa locker room.

Mula sa malayo ay natanaw ko ang isang lalaking hinding hindi ko malilimutan ang hitsura at pagkatao. Nagdiretso ako ng lakad hanggang sa magkasalubong kami. Lalagpasan lang sana niya ako pero agad kong hinila ang braso niya kaya agad siyang napalingon sa akin; hindi niya siguro ako nakilala.

Ngumisi ako at saka siya mataray na hinarap, "Long time no see, Adrian," Sambit ko habang sarkastikong nakangisi.

Tumingin siya sa akin na para ba'ng sinisipat ako. "I'm sorry, miss," Ngumiti siya - 'yung ngiting nakakapagpalambot sa babae pero nakakasumpa para sa akin. "Pero kasi may game kami ngayon ng finals, pero kung gusto mo meet tayo after. Just type your num---" Iaabot sana niya 'yung cell phone niya pero agad kong tinanggihan.

"Hindi mo ba ako nakikilala?" Mayabang kong tanong.

"Uh-" Kumunot nang bahagya ang noo niya. "I think you were one of the girls na inaabangan ako sa tuwing uwian doon sa gate? I'm sorry hindi kita napapansin. Ang ganda mo pala." Ngumiti na naman siya.

Napadura ako nang de oras. "Yuck," Nandidiri kong sabi. "Nakakasuka 'yung sinabi mo." Mas kumunot ang noo niya. Nainis 'ata.

"You know what, miss, ang kapal ng mukha mong pandirihan ako. Ikaw na nga itong pinansin ko hindi ka pa magpasalamat?" Pagyayabang niya. May game pa 'ko for finals, i-cheer mo na lang ako at baka matuwa pa ako sa'yo." Akmang tatalikod na siya pero malakas kong sinabi ang pangalan ko dahilan para lumingon ulit siya sa akin.

"I'm Stella Marie Mendoza. Oh, ano? Natatandaan mo na?"

"Y-you mean...Oh God. You are so damn beautiful and hot now!" Namamangha niyang sabi. "You know what, uhmm. I'm sorry. I'm really sorry about what I did," Walang emosyon ko lang siyang tiningnan. Galing talagang umarte nito e. "If you want, I'll treat you after the finals, babawi ako sa'yo promi---" Bago pa siya matapos ay naramdaman na niya ang palad ko sa kanang pisngi niya.

Napangisi ako.

Iba rin talagang umarte ang mga fuckboy, 'no? 'Yung tipong magso-sorry pero may kasamang pang-aakit. Babawi raw pero ang totoo gusto lang ulit maglaro. Best actor, eh!

"Wha---"

"'Yan ang way ko ng pagpapasalamat, Adrian. Salamat sa lahat," Sarkastiko akong ngumiti, "'Wag kang mag-alala, papanoorin kita mamaya - papanoorin ko ang pagkatalo mo."

Napangisi siya habang hawak-hawak ang kanang pisngi. "See for yourself! Makikita mo. Pati 'yung ipinagmamalaki mong joa mong unggoy, lalampasuhin ko!" Inis na sabi niya.

"Ow," Maarte kong saad. "Talaga?" Sambit ko sa sa tonong nang-iinis. "Tingnan natin, uranggutan!" Dinilaan ko siya. "'Wag kang iiyak mamaya ha? Baka ipatapon ka ulit sa manila zoo - sa lugar ng mga hayop kung saan ka nababagay!" Diniinan ko talaga ang salitang 'hayop'. Maarte ko siyang tinalikuran at saka ko ipinakita sa kanya ang likod ko. Mamatay siya sa ganda ko!

Matapos kong makabili ng meryenda ay sakto namang nakita ko si bes Janine sa hallway na naglalakad. Sinigawan ko siya at saka siya hinabol.

"Ano, nagstart na ba? Naka-score na ba ang baby ko?" Excited na tanong niya. Iba rin talaga kung sumuporta itong si Janine, e.

"Kanina paglabas ko hindi pa nag-start, e. Bumili lang ako ng mga meryenda para may lakás tayong magcheer mamaya."

"Tara. Dalian natin!" Aniya at saka hinila-hila ang kamay ko.

My Extraordinary BossWhere stories live. Discover now