Chapter 49

2.5K 34 1
                                    

Chapter 49


River's POV:

"Okay na ba?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Yes. Mamaya makakatulog na rin siya." Sagot ni Zania.

Isa 'yon sa plano namin. Ang patulugin muna si Stella para mabihisan siya and then saka sila magbi-biyahe papunta sa Island Beach Resort na nirentahan namin.

Tumingin ako sa salamin. Bumuntong hininga ako at saka ngumiti sa sarili. Sa wakas, after all ng pinagdaanan namin ni Stella - magmula sa pagiging mortal na kaaway, nagka-in love-an, sinubok ni Dad - ito na 'yung araw kung saan ilalathala ng walang hanggang pag-ibig ang pangalan naming dalawa.

Isinara ko na ang huling butones ng aking dark blue tuxedo at sinuklay ang aking buhok. Hindi sa pagmamayabang, pero wala pa ring kupas ang kaguwapuhan ko. Mas lumupet pa nang magsuot ako ng ganitong pormal na damit.

"Mukhang ikakasal ka na ang pormahan mo, anak ah?" Ani Dad nang pumasok siya sa kwarto ko.

Nangiti na lang ako. "Kung puwede nga lang kasalan ituloy na natin ng kasalan, e." Biro ko na alam ko namang hindi pa puwede at ayaw ko pa. Nag-aaral pa lang kami. Tama na muna ang engagement. Para kung sakaling may magtangka kay Stella, atleast alam nilang may fiance na siya.

"Puwede rin naman," Halakhak ni Dad. "Para makita  ko na ang apo ko."

Ngumuso ako. "Saka na Dad. Excited ka masyado. Sabi ni jujun ko, magtapos daw muna kami ni Stella bago siya pumasok." Natatawang sabi ko.

"Siraulo ka talaga, anak!" Natawa na lang si Dad.

Kinuha ko na ang box na naglalaman ng singsing. Bubuksan ko sana iyon pero bigla akong pinigilan ni Dad.

"'Wag mo munang buksan, anak. Baka hindi matuloy," Aniya na para bang nag-aalala na parang may mauudlot.

Nagkibit balikat na lang ako. Okay. Wala namang mawawala, e.

"Ang tahimik naman ng bahay, Dad." Sambit ko nang makalabas kami ng kwarto.

"Ofcourse. Tulog pa ang mga katulong natin. It's only 4:30."

Bigla akong napatingin sa cell phone ko para tingnan ang oras. Hala! 4:30 na nga.

"Kailangan natin magmadali, Dad! Baka maabutan tayo ng sunrise."

Mabilis na kaming lumabas ni Dad. Nagulat ako nang biglang pumasok si Dad sa kotse ko.

"Bakit, di mo sasakyan ang kotse mo, Dad?"

"No. Tinatamad akong mag-drive."

Nasa kalagitnaan na kami ng daan nang biglang tumawag si Zania. Sinagot ko iyon at saka niloud speak.

"Hello, nasa'n na kayo?"

"Medyo malapit na. Kayo ba? Ano, tulog pa ba si Stella?"

"Yes. Andito na kami sa Resort. Inaantay na lang namin kayo."

"Okay. Okay." Natataranta kong sagot. "Diyan lang kayo. 'Wag muna kayong papasok."

Binilisan ko na ang pagmamaneho. Nang makarating kami ay tinext ko si Zania na papasok na kami. Bahala na muna siya kay Stella dahil ako ang dapat na maunang pumasok.

Bumaba na kami ni Dad mula sa parking lot. Pinapalibutan na ng mga red ribbons ang kabuuan ng resort. Nakatayo sa entrance iyong may ari ng resort at ang asawa niya. 'Yung mga employee rin ay naroon at nakasubaybay.

Paglapit namin ni Dad sa entrance ay narinig ko na may kumakanta sa loob. Isang sweet and romantic song. Nabosesan ko kung sino ang kumakanta - si Aerol.

My Extraordinary BossWo Geschichten leben. Entdecke jetzt