Chapter 2

7.2K 87 3
                                    

Chapter 2:

Stella’s POV:

Bago pa maisara ng katulong ‘yung pinto ng gate ay agad ko nang iniharang ang kamay ko. “W-wait lang po.”

“Ano ‘yon?” tanong niya.

“’Yung pinaskil niyo po. About po sa Personal Maid, mag-aapply po sana ako.” Sambit ko.

Walang anu-ano’y dinala na ako ng katulong sa ‘working office’ raw ni Sir Henry. Sobrang laki nitong bahay kaya medyo napagod din ako sa paglalakad. Sa itsura rin ng mga gamit ay talagang pang-multi-billionaire na.

Iniwan muna ako ng katulong sa labas ng ‘working office’. Habang naghihintay ako ay naisip kong Personal Maid ang papasukan ko, ibig sabihin kailangang lagi akong nasa tabi nung boss ko? E, may klase ako. Tsk.

Alam ko na. Baka naman puwedeng ako ang magbigay ng Schedule sa kanya? Sasabihin ko sa kanya kung anong oras ako puwede. Oo nga. Gano’n na lang.

Paglabas ng katulong ay sinenyasan na niya akong pumasok na sa loob. Medyo kumalabog na ang puso ko dahil feeling ko nakakatakot ‘yung Sir. Henry. Malamang ay mataas na tao siya kaya dapat na maging maayos ang pagkilos ko sa harap niya.

Pagpasok ko, unti-unti na akong nag-angat ng tingin. Expected ko na mala-leon, tigre o kaya naman ay mukhang matandang ulupong na ‘yung Sir Henry pero napa-‘ow’ ako dahil kahit may edad na siya ang guwapo pa rin. Infairness, ah. Ma-eexcite sana ako dahil kung siya ang boss ko, swerte ko dahil guwapo siya. Kaya lang ay tanders na siya kaya hindi na siya bagay sa aki. At saka baka may asawa siya. Malilintikan ako.

Medyo nailing naman ako dahil diretso lang siyang nakatingin sa akin habang naglalakad.

Mas tumindi ang kalabog ng puso ko nang makaupo na ako sa harap niya. Pumapagitan sa amin ang mesa niyang may nakalagay sa gitna na “Henry New York, CEO.” Ibig sabihin ay sobrang yaman talaga niya, ng pamilya na ‘to.

Tinapangan ko na ang loob ko. Walang anu-ano’y nagpakilala na ako. “Good Morning, Sir! My name is Stella Marie Mendoza. Medyo maganda, kita naman po diba? 18 years old at kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Business Administration, first year college.Alam niyo po ba kung bakit niyo ako iha-hired? Dahil isa po ako sa mga taong mapagkakatiwalaan, walang pag-aalinlangang sumunod, serbisyo’y parating the best. Kahit katulong lang ang aking papasukan, sisiguraduhin ko pong kayo’y aking pagsisilbihan ayon sa aking sobrang makakaya.” Marahan akong napabuntong hininga. Ang haba rin ng sinabi ko na ‘yon, a. Nakakapagod.

Napangiti naman ako nang makitang medyo ngumisi si Sir.“You are hired.”

Nalaglag ang panga ko. O.M. G. “T-talaga po?” tumango naman si Sir na mas ikinagalak ko. “T-thank you po!”

“You can start today.” Aniya. “To be my son’s Personal Maid.”

Nanlaki ang mga mata ko. “I-ibig sabihin po ay hindi kayo ang magiging boss ko?”

“Yes.”

"Ok po. Pero sir, may pasok po ako kaya 7 hours lang ang kaya kong i-duty. Kapag naman po weekend, umuuwi po ako sa amin kaya hindi po ako makakapagtrabaho. Kung bababaan niyo po ang sahod ko ay matatanggap ko po 'yon ng buong-buo sa puso ko."

"No. You will work from monday to friday. Wholeday."

"Pero po---"

"I will enroll you on where my son's studying.”

Napabutong hininga ako. "Pero sir, saan po ba nag-aaral ang anak niyo?"

"Klavinson Academy."

Muntik pa kong mapabuga ng laway. Nilunok ko na lang dahil nakakahiya kung maisabog ko ang laway ko sa guwapong mukha ni Sir Henry.

My Extraordinary BossWhere stories live. Discover now