Chapter 21

2.2K 36 1
                                    


Chapter 21:


River's POV:

Nang magtama ang mga mata namin ni Stella ay agad ko siyang inirapan. Hindi niya puwedeng malaman na bumubuo ako ng isang konklusyon—konluksyon kung bakit may biglaang may ganitong pangyayari.

Hmmm. Paanong nangyaring bigla na lang dinate ni Adrian si Stella? Hindi kaya ginayuma niya si Adrian?

Imposible naman kasing magustuhan siya ni Adrian? Hindi si Stella ang mga tipo niya.

Sa guwapo ni Adrian na 'yon ay papatulan niya si Stella? Parang hindi ata compatible, a.

O baka naman, si Adrian ang gumagamit kay Stella? Hindi kaya 'bet' lang ito? Ang balak ni Adrian ay ma-fall si Stella sa kanya tapos ay wawasakin niya ang puso nito?

Agad akong napailing. Masama kong tiningnan si Adrian mula sa malayo. Kung may binabalak siya kay Stella ay dapat kong bantayan ang Personal Maid ko. Wala siyang karapatan na saktan ang PM ko. Ako lang ang puwede!

Nagulat ako nang bigla na lang akong nginitian ni Adrian. Agad akong umiwas ng tingin at saka umiling-iling. B-bakit niya ako nginitian? H-hindi kaya...bakla siya?!

Walanjo! Baka kaya niya dine-date si Stella ay para maging close sila at gagamitin niya si Stella para mapalapit sa akin!

"Dude, bakit ba umiiling ka?" Tanong ni Neff na binalewala ko. Huminto ako sa pag-iling at napatulala sa kawalan.

"Ano na naman bang iniisip mo, Dude?" Mahinahong tanong ni Aerol.

Agad ko silang binalingan ng tingin. Sasabihin ko ba sa kanila ang nalaman ko? O gawin ko munang pribado?

Oo nga. Ilihim ko na lang siguro muna. Hindi ko dapat pangunahan si Adrian. Dapat siya ang umamin o siya ang maglantad ng tunay niyang identity. Mahirap namang pangunahan ang ibang tao.

Pero kailangan ko pa ring mag-ingat. At dapat pagsabihan ko si Stella. Kailangan kong malaman kung ano ang mga pinag-usapan nila ngayon. Baka mamaya ay may binabalak na pala si Adrian sa akin kaya dapat ay maging kakampi ko si Stella.

Pagkapasok pa lang namin ng kwarto sa bahay pagkauwi ay agad ko nang kinompronta si Stella.

"Tell me, anong pinag-usapan niyong dalawa?" Wala nang paligoy-ligoy pa. Kailangang diretsahan na ito.

Nagtaas siya ng kilay at pumamewang pa. "Wala ka nang pakialam do'n." Kumpirmado. Siguradong in-offeran din siya ni Adrian para hindi magsalita.

"Magkano ang ibinigay niya sa'yo? Dodoblehin ko magsalita ka lang."

Kumunot ang noo niya. Tiningnan niya ako na punong-puno ng pagdududa. "Sabihin mo nga sa akin. Ano na naman 'yang nasa utak mo?"

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung eng eng ba 'tong babae na 'to o hindi lang nag-aral. "Hindi niyo ba 'yan napag-aralan? Ilang beses tinuro sa science ang parts of the brain, ah. Tsk." Napairap ako. Sobrang non-sense ng sinasabi niya. Wala sa linya. 'Yung conversation nila ni Adrian ang pinag-uusapan namin tapos biglang mapupunta sa utak? Tsk.

Napapalo siya sa noo niya sabay buntong hininga. Mukha atang problemado siya sa kung ano ang laman ng utak, ah. "Mayroon namang internet kaya isearch m---"

"What the f---"

"'WAG KANG MAGMURA!" Sigaw ko bago niya pa ituloy ang mura niya. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na ang 'panget' sa babae ng nagmumura. Kaya siguro siya ganyan kapanget dahil mura siya nang mura.

My Extraordinary BossWhere stories live. Discover now