Chapter 28

1.8K 31 0
                                    

Chapter 28

River's POV:

Nakadukdok lang ako sa manibela hanggang sa maramdaman kong bumukas ang pinto ng kotse at pumasok si Stella sa loob.

Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala nang nakita kong may luha mula sa mga mata niya na kasalukuyang umaagos sa kanyang pisngi.

"Let's go," Aniya at saka pinunasan ang kanyang luha.

"A-anong nangyari, Stella?" Nag-aalalang tanong ko.

"Umuwi na muna tayo, River." Pakiusap niya at muli na namang tumulo ang luha niya.

Alam kong may mali. Alam kong may hindi magandang nangyari sa loob. Kitang kita ko sa mga mata niya ang sakit. Ramdam na ramdam ko kung gaano siya nasasaktan ngayon.

Unti-unti akong lumapit sa kanya at saka hinawakan ang kanyang balikat. Marahan siyang nag-angat ng tingin sa akin habang patuloy na himihikbi.

"River, sobrang sakit. Hindi ko kaya. Ang sakit sakit ng ginawa niya sa akin." Sinasabi ko nga ba't hindi mapagkakatiwalaan si Adrian. Sinaktan niya ang babaeng hindi karapat-dapat saktan!

Hinaplos-haplos ko ang likod niya habang patuloy siya sa pag-iyak. Nanatili kaming ganoon hanggang sa naramdaman kong unti-unti nang nawawala ang paghikbi niya.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at saka pinunasan ang mga luha niya sa magkabilang pisngi. Sobra-sobra akong nakaramdam ng kalungkutan nang makita ko kung gaano karaming luha ang ibinagsak ng kanyang mga mata.

Ilang saglit pa. Nagtama ang mga mata namin ni Stella. Kumalabog ng malakas ang puso ko hanggang sa bumilis ang pagtibok nito.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Hawak hawak ko pa rin ang magkabilang pisngi niya at hindi pa rin kumukurap ang aming mata sa pagkakatitig sa isa't isa. Nanatili ang puso ko sa pagtibok ng mabilis. Isa lang ang ibig sabihin nito, kumpirmado, pag-ibig na nga ang nararamdaman ko para kay Stella.

Parang nag-slow motion ang paligid. Napakasarap pakinggan ng melodiya ng katahimikan. Hindi ko namalayan na unti-unti ko na pa lang inilalapit ang aking mukha sa mukha ni Stella. Dahan dahan akong napapikit hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagdikit ng labi namin ni Stella.

It was my—our second kiss. Our kiss is sweeter the second time around.

Hindi ko alam kung gaano katagal magkalapat ang aming mga labi basta ramdam ko ang pagmamahal ko para kay Stella. Kung puwede ko nga lang sanang huwag nang paghiwalayin ang aming mga labi ay ginawa ko na. I want our kiss to reach the infinity.

Ilang sandali pa, unti-unti nang humiwalay sa pagkakalapat ang aming mga labi. Dahan-dahang muling nagtama ang aming mga mata. Kalaunan ay napahawak ang kamay niya sa labi niya at unti-unting binaling ang tingin sa harap ng kotse.
Napalunok ako.

Awkward. Iyon lang ang tanging masasabi ko ngayon.

"I-I'm sorry." Binali ko ang katahimikan.

Nanatili ang kamay niya sa kanyang labi. "Para saan 'yon?" Mahina at awkward na sabi niya.

"Stella," Sambit ko. "I love you." Napalunok ako. Hindi ko alam kung ito ba ang tamang oras para mag-confess ako sa kanya.

Hindi siya sumagot. Pinaandar ko na ang sasakyan.

Nang makauwi kami ay hinayaan ko muna siya. Hindi ko muna siya nilapitan o kinausap. I know, she needs time para dito. Alam kong mahirap sa part niya 'to. Kakaheart-broken niya lang and then...'eto ako at umamin sa kanya ng nararamdaman ko.

Stella's POV:

Buti na lang at friday kinabukasan. Matapos ang klase ko ay nagdiretso na akong umuwi sa bahay namin. Hindi na ako umuwi pa kila River dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong dapat kong maging pakikitungo sa kanya matapos ang nangyari kagabi. Iláng na iláng pa rin ako sa kanya. Ni kahit ang pagtingin sa mukha niya hindi ko nagawa.

Kasalukuyan akong andito sa kwarto ko at nakasandal sa pader. Hanggang ngayon paulit-ulit bumabalik ang pangyayari kahapon sa isip ko.

'Yung nakikipag-sex si Adrian. 'Yung sakit na naramdaman ko. 'Yung pagsampal ko ng cake sa mukha ni Adrian at nung babae. Pero higit sa lahat, ang mas namayani sa isip ko ay ang hindi ko inaasahang 'kiss' namin ni River at ang pagsasabi niyang mahal niya ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.
Mas nanaig ang damdaming sinabi ni River kaysa ang sakit na nararamdaman ko dahil sa pagiging broken hearted ko kay Adrian.
Gusto ko sanang mag-senti dahil broken hearted ako. Gusto kong iiyak ang kawalang-hiyaan ni Adrian. Gusto ko sanang bigyan ng moment 'yung sarili ko sa pagiging broken hearted ko pero hindi ko magawa. Mas naiisip ko pa rin si River.

Kaya pala gano'n na lang ang mga sinasabi niya sa akin. Kaya pala parang parati niyang ipinaparamdam na siya na lang ang mahalin ko. Kaya pala inis na inis siya sa tuwing kasama ko si Adrian. Kaya pala...kaya pala noong minsang ginabi akong umuwi ay galit na galit at alalang-alala siya sa akin.

Mahal niya ako. Iyon pala ang dahilan kung bakit naging ganoon na lang siya ka-concern sa akin. Kung bakit siya naiinis sa tuwing magkasama at busy'ng busy ako sa pagte-text ay dahil nagseselos siya.

Pero ang ipinagtataka ko lang, sino 'yung babaeng ipinapakita niya lagi sa akin sa picture? Sino 'yung babaeng sinasabi niya na nililigawan niya raw? Parati niya pa ngang ipinagmamalaki sa akin 'yon at ang pagiging sweet nila. Hindi kaya pakana lang niya ‘yon para pagselosin ako?

Hindi ako umuwi ng linggo kila River. Nagdiretso ako ngayon sa school. Nagtricycle na lang ako papasok ng parking lot at saktong papababa na ako ay nakita ko ag kotse ni River na kakapark lang.

Agad na kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung paano siya haharapin kaya tinanggal ko ang pagkakapusôd ng buhok ko at inilugay 'yon para magsilbing harang sa mukha ko. Naglakad ako ng mabilis para hindi niya mapansin pero hindi ako  nakatakas sa mga mata niya at isang malakas na pagtawag niya ng pangalan ko ang umalingawngaw sa tainga ko. Rinig ko ang pagtakbo niya kaya mas binilisan ko ang paglakad ko. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang ipapakita ko sa kanya. Naiilang pa rin ako.

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at tumakbo na ako. Hindi ko inalintana ang mga taong nasasagabal ko sa paglalakad lalo na sa hallway. Kahit na sobrang aarte ng mga reaksyon ng mga taong nakakabangga ko ay wala na akong pakialam. Basta makatakas lang muna ako kay River ngayon. Kailangan ko pa ng kaunting oras para maging ready na harapin siya.
Hinihingal akong umupo sa upuan ko. Hindi na ako lumingon pa kung dumating na ba siya o hindi. Buti na lang at ilang saglit pa ay dumating na ang teacher namin.

Lumabas ako sa oras ng recess. Inaaya ako nila Neff pero hindi ko sila pinansin. Ganoon din ang ginawa ko nang mag-lunch. Hindi ako sumama sa kanila sa labas. Sa canteen na lang din ako kumain.

Pero ang hindi ko pagsama sa kanila ay magdudulot pala ng mas malalang pangyayari. Ang sarap talagang sampalin ng tadhana. Kung bakit ba naman andito 'yang walang hiyang Adrian na 'yan. At ang mas nakakagulat pa, ang kasama niyang babae ay hindi 'yung babaeng ka-sex niya sa condo. Napaka-flirt talaga ng lalaking 'yan. Kung puwede ko lang siyang sugurin ngayon ay ginawa ko na. Sisipain ko ng sobrang lakas 'yung pagkalalaki niya at nang magtanda siya! Napakalandi. Bwisit!

Dahil sa pagkakita ko sa walang hiyang lalaking 'yon, nawalan na ako ng ganang kumain. Uminom na ako ng tubig at saka umalis. Hindi ko kayang sikmurain ang nakikita ko habang kumakain. Mas mabuting magutom ako kaysa kumain habang nakatitig sa taong nanakit sa 'kin ng sobra!

Kinahapunan nang bago mag-uwian ay nagpunta muna ako sa CR. Buti na lang at walang tao kaya nasolo ko ang CR.

Hinarap ko ang sarili ko sa salamin. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Sa oras na mag-uwian, siguradong wala na akong takas kay River. Sasakay na ako mamaya sa kotse niya para umuwi. Wala nang dahilan pa para iwasan siya.

Muli akong napabuntong hininga. Brace yourself, Stella. Ito na ang oras para harapin siya. Ito na ang oras para linawin mo ang lahat sa kanya.
Napalunok ako. Kailangan ko nang iwaksi ang iláng na nararamdamam ko.

Kailangan ko nang harapin si River...

My Extraordinary BossWhere stories live. Discover now