Chapter 39

1.5K 21 0
                                    

Chapter 39:


River's POV:

Lunes na. Sa isang araw ay monthsary na namin ni Stella at hanggang ngayon ay wala pa rin akong naiisip kung ano'ng puwede kong iregalo sa kanya.

Napabuntong hininga ako at saka sinilayan sa gilid si Stella. Napanguso ako. Bakit ba parang ang lungkot-lungkot niya? Sa tuwing tumitingin ako sa kanya e para bang ang tamlay tamlay niya tapos 'yung mga mata niya, parati akong nakakaaninag ng lungkot. Tinanong ko siya kanina kung may problema pero sabi niya wala naman daw.

Napabuntong hininga ako. Totoo nga. Bilang isang boyfriend, kung ano 'yung nararamdaman ng girlfriend mo ay nararamdaman mo rin.

Ano kaya ang dahilan kung bakit malungkot si Stella? Haay. Kung isa lang siguro akong peculiar na nakakabasa ng isip ay ---napailing ako. Ano ba naman 'to! Kung anu-ano na naman ang iniisip ko. Kapangya-kapangyarihan na naman ang nasa isip ko. Tsk.

Pero ano nga kaya? Baka naman nalulungkot siya dahil hindi rin siya makapag-isip ng ireregalo niya sa akin? O baka naman natatae na naman siya at pinipigilan na naman niya? Pero mukha namang hindi dahil kalmado naman siya kung titingnan.

Hmmm.

Nagulat ako nang biglang humarap sa akin si Stella.
"Kanina ka pa tinatawag ni Prof." Napalunok ako at saka ilang beses na napailing. Mabilis akong napatingin sa harap at nakita ko ang kumikintab ng kalbong ulo ni Sir Philippine Literature at ang matatalim na tingin niya sa akin.

Unti-unti akong napatayo habang kagat kagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. "S-sir," sambit ko nang makatayo ako nang diretso.

Nagtaas siya ng kilay. "Sino ang minahal ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal?" Agad akong napaisip pero kalaunan ay kumunot ang noo ko.

"Sir, bakit niyo po tinatanong sa akin 'yan?" Nagtataka kong tanong. Biglang nanlaki ang dalawang mata niya at akmang magsasalita na pero inunahan ko na siya. "Sa tingin niyo ba, tsismoso ako para malaman 'yan?" Bigla akong napatingin sa mga kaklase dahil bigla na lang silang tumawa. Maging si Stella pinagtawanan ako.

Napangiwi ako. Bakit nila ako pinagtatawanan?

"Mr. New York, what are you saying?! I am asking you because it's a recitation!"

"What? Sir?!" Hindi ko makapaniwalang sabi. "Recitation?" Kumunot ang noo ko. "Kailan pa naging recitation ang makialam sa buhay ng ibang tao? It's Dr. Jose Rizal's life. Bakit kailangan pa nating malaman kung sino ang minahal niya or what?"

"What are you---"

"I'm sorry, Sir. But this is wrong." Napailing ako. "Do we really need to know every little detail of someone's life?"

"Stop!" Napadiretso ako nang tayo nang biglang sumigaw ng malakas si Professor. Tumuro siya sa pinto. "G.e.t. O.u.t." Medyo mahinahon pa niyang sabi pero nagpipigil na siya ng galit.

Napanguso ako. Bakit ako pinapalabas ni Prof? Ano'ng problema niya? Porke't tinama ko lang siya na huwag tayong maging tsismoso't tsismosa ay nagalit na siya?

"S-sir pero---"

"I said get out!" Halos lumundag na ang mga internal organs ko dahil sa lakas ng boses ni Professor. "Get out!" Malakas na sigaw niya ulit kaya umalis na lang ako.

Nagdiretso ako sa food court dahil iyon na ang pinakamalapit na lugar na may mauupuan ako. Tatakpan ko sana ng panyo ang mukha ko pero huli na dahil isang grupo na ng mga babae ang nakahuli sa akin.

Pinagmasdan ko silang apat. "P-pwede bang magpa-picture?" Kinikilig na tanong nilang lahat. Tumango ako at halos mamatay na 'yung isa sa kilig dahil parang hindi siya makapaniwala na pumayag ako. Naka-isandaang shot ata sila. Hay.

My Extraordinary BossWhere stories live. Discover now