Chapter 14

212 6 6
                                    

Aubrey's POV

Kinuwento ko sa kanila ang nangyari noon at baka maaaring matulungan nila ako.

Flashback

"Nasaan na ba 'yang si Mike?" Kainis naman. Naglilibot na ako sa school na ito, pag di ko pa nakita 'yun ngayon! Malalagot 'yun sa akin bukas.

"Hay. Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko at hindi man lang siya nagrereply sa akin," bulong ko sa sarili ko na dismayado.

Nasa hallway na ako ng building ng Grade 7 at nililibot ang tingin sa mga kubo. Kainis! Teka!

"Si Mike yun a. Sino yang kasama niyang babae?!" Tanong ko sa sarili ko habang papalit ako sa kubo na mabigat ang mga hakbang.

"Mike!" Sigaw ko nang makapasok ako sa kubo. "Sino 'yang kasama mo?" Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang sama ng loob ko. Ang sakit mapagtaksilan.

"Girlfriend niya ako. Ako si Laica," sabi ng babaeng kasama niya. Nakapulupot pa ang babae sa braso niya. Malandi!

"Mike. Di ba ako ang girlfriend mo!? Kaya mo pala hindi sinasagot ang mga tawag ko at hindi mo nirereplayan ang mga text ko dahil may kasama kang iba! Walangya ka!" Galit na sigaw ko kay Mike. Wala na akong pakialam kung nag-iiskandalo na ako sa harap ng ibang tao.

Akala ko tapat siya sakin. Akala ko ako lang ang mahal niya. Two-timer ang bwisit! Hindi siya sumisipot sa mga dates namin. Laging may excuses. Halos 2 dates pa lang ang in-attendan niya sa buong 8 months namin. Kailangan ko pa rin siyang ipaglaban kung mahal ko siya. Binulag na ako ng pag-ibig na sa tingin ng iba'y hindi naman niya deserve.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Malandi ka!" Sigaw ko kay Laica at sinabunutan siya.

Nagsabunutan kaming dalawa. Nakita kong naiirita na si Mike at ito ang nangyari na ikinasira ng mundo ko.

"Aubrey! Tumigil ka na nga! Oo nga, girlfriend kita pero mas mahal ko si Laica kaysa sayo!" Sigaw niya at hinigit si Laica't tinulak ako.

"Edi dapat ay hiniwalayan mo na ako nong una pa lang kaysa ganito ang maabutan ko! Pinagsabay mo pa kaming dalawa!" Naiyak na ako. Maraming tao na ang nasa labas at pinapakinggan ang pag-uusap namin. Kakawawaan ako ng mga tao dito at yun ang pinaka-ayaw ko.

"Umalis ka na nga!" Sigaw ni Laica sa akin. Ang kapal talaga ng mukha!

Hindi na rin nkasagot si Mike sa sinabi ko sa kanya at nanatili siyang tahimik. Sinasamaan pa rin ako ng tingin.

"Mahal, ang sakit ng ulo ko dahil sa sabunot niya," pang-lalambing ni Laica sa kanya. Bago pa man ako sumbatan tungkol sa pagsabunot ko sa kalandian niya, inunahan ko na siya.

"Talagang aalis ako! Mga wala kayong hiya!" Sigaw ko at tumakbong papalayo sa kubong iyon.

Marami ang nakatingin sa akin paglabas ko. Puro awa ang mga nasa mata nila. Isang subject na lang din naman at awasan na. Mag-skip na lang ako kaysa awa ang ibigay nila sa akin. Siguradong trending sa buong school ang nangyari. Pinakuha ko 'yung gamit ko sa isa kong ka-close na kaibigan at pumunta sa beach resort na pinupuntahan ko tuwing malungkot ako.

"Mike. Paano mo nagawa sa akin 'to?" Sabi ko sa hangin habang nakaupo sa isang bench at umiiyak.

Si Mike ay isa sa mga lalaking popular sa school namin. Mayaman, gwapo, mabait, matalino pero isa na ngayon ang magpapabagsak sa kanya, ang nangyari kanina. Akala kasi ng mga tao, si Mr. Perfect Guy siya, ngayon, sira na ang image niya. Sira na ang reputasyon niya. Akala niya hindi ako mag-iiskandalo? Kapal niya.

Nagmahalan naman talaga kami e. 'Yung mga araw na nililigawan niya ako at lalo na no'ng sinagot ko siya. Ang hirap nang alalahanin. 'Yan 'yung mga masasayang araw na hindi na kailanmang mararanasang muli. Bakit no'ng sinagot mo na siya tyaka siya naghanap muli ng iba?

"Miss. Okay ka lang ba?" Tanong ng isang lalaki. Hindi ako lumingon para tumingin sa kanya, sa baba lang ako nakatingin. Bale nasa likuran ko siya. Nakaupo ako sa cliff na may railings. Bale nasa harap ko ang railings at naka-laylay ang mga legs ko. Nasa baba mismo ang beach pero mula dito, beach resort ito.

"Ito o. Kunin mo 'yung panyo at punasan mo 'yang mga luha mo," dagdag niya.

Kinuha ko ang panyo at napatingin sa lalaking nag-abot.

"Franklin? Franklin Mendoza?" Tanong ko nang mapatingin sa mukha ng lalaki. Hindi nga ako nagkakamali. Siya nga!

"Kilala mo ako?" Tanong naman ni Franklin ng pabiro.

"Oo naman. Ikaw di ba yung most popular dito sa school natin." Pinunasan ko na ang luha ko gamit ang panyo niya. Ambango naman ng cologne sa panyo niya. Nakakarelax.

"Oo. Teka, ba't ka nga pala umiiyak?" Tanong niya at tinabihan ako. Ang mga binti namin ang nakalaylay sa cliff.

"Nakakahiyang ikwento e," sabi ko. Mukhang wala siya kanina sa school.

"Wag ka nang mahiya. Ikwento mo, handa akong makinig sa'yo," sagot naman ni Franklin sa akin.

Kinuwento ko naman ang lahat kay Franklin at ako naman ang nagtanong.

"E ikaw? Bakit namumula mga mata mo? Umiyak ka rin ba?" Tanong ko habang nakatitig kay Franklin.

"Oo, dahil sa isang babae. Nakipagbreak siya sa akin dahil hindi na raw niya ako mahal," nakatungong sinabi ni Franklin.

"Buti nga siya nagsabi pa ng gano'n sa'yo. Sa akin, nahuli ko pa silang naglalandian," sinabi ko sa kanya. Bakas sa boses ko ang pagkabitter. Magaan si Franklin na kausap kaya nababanggit ko sa kanya ang mga ito.

"Basta, huwag mo nang isipin 'yung Mike na 'yun. Kung kailangan mo ng isang kaibigan, na'ndito lang ako," pang-cheer up ni Franklin sa akin.

Nagsa-sunset na pala rito sa Beach Resort. Napatitig kaming dalawa sa magandang paglubog ng araw.

Minsan lang ako makapunta rito at sinuwerte pa dahil nakatagpo pa ako ng isang mabuting kaibigan. Napagaan niya kaagad ang nararamdaman kong sakit. Parang walang nangyari kanina.

Trineat niya ako pagkatapos at nagprisintang ihatid ako sa amin dahil ginabi kami. Kahit papaano nama'y may nangyaring maganda sa araw ngayon.

The Ghost Hunters (ORIGINAL) (Completed and Editing)Where stories live. Discover now