Chapter 19(Editing)

71 6 0
                                    

Nandito ako ngayon sa resort at nagseserve lang ng nagseserve. Maraming tao ngayon. Reunion ng mga nasa edad na 30 years old. May nakita naman akong tingin ng tingin saking apat na lalaki.

"Aubrey! Lika nga muna dito." sabi ng manager.

"Bakit po?" magalang dapat.

"Pakidala nga ito dun sa mga grupo ng babae dun." tinuro niya yung kubo na puro babaeng nasa 30s.

Kinuha ko yung mga beer at wine at dinala don. Pinasubok nga nila ako pero bawal dahil sa baby ko pati narin sa ayoko.

Pinagpahinga muna ako ng mga co-workers ko at sila yung nagserve. Ang babait nga nila eh.

"Brey, wala pang week yang pagbubuntis mo?" tanong ni Sheira.

"Wala pa eh." nginitian ko siya.

Mas bata siya sakin. Working student siya. Nasa 18 siya ngayon.

"Ako ninang ah. Haha." siya

"Siyempre naman."

Natigil ang pag-uusap namin nung dumating ang manager.

"Sheira, paki-linis nga ng table dun sa kubo." sabi ng manager.

"Sige po. Oh sige Brey, miya nalang ulit!" Umalis na siya at naiwan ako.

Gabi na at magkakantahan na ang mga lasing na guests namin. Nakaupo lang ako sa swing sa likod ng isang building. Pahinga raw muna ako ngayon.

May dumating na apat na lalaki na may hawak na lubid. Papalapit sila sakin. Kailangan ko nang umalis.

Tatakbo na ako nung takpan ako ng isang lalaki ng panyo na nay mabahong amoy at nahimatay ako na iisa lang ang nasa isip. Forgive me.....Franklin

Franklin's POV

Sa wakas! Nasa Pinas na ulit ako. Excited na akong makita ulit si Aubrey at syempre, di na ako aalis pa. Bibilhin ko yung resort na Villa Romansa at gagawing business para samin ni Aubrey at ng magiging baby namin.

"Franklin..." isang pamilyar na boses na narinig ko.

Lumingon ako at nakita si Aubrey na puro dugo at walang damit. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ako makaalis sa pwesto ko. Hindi ko siya matawag dahil walang nalabassa bibig ko. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero di ko magawa.

"Forgive me.." bigla siyang nawala..

"Sir? Sir? Nandito na po tayo." sabi ng taxi driver.

Panaginip lang pala ang lahat. Akala ko may nangyaring masama sa kanya. Di ko mapapatawwad ang sirili ko pag mat nangyari sa kanya.

"Ay sige po. Eto po bayad." Lumabas na ako ng taxi at nasa harap na ako ng bahay ni Aubrey.

Anniversary namin ngayon at susurpresahin ko siya.

"Franklin! Diyos ko! Nawawala si Aubrey! Hindi siya umuwi kagabi!" salubong saakin ng Mama ni Aubrey.

Kinabahan na ako. Baka.. Baka totoo ang nasa panaginip ko. Nagmadali akong pumunta sa resort na pinagtatrabahuhan ni Aubrey at marami akong nakitang tao doon. May mga kotse ng police sa labas. Kinabahan ako ng sobra.

Nagpumilit akong pumasok sa loob. May pumunta saking babae na mukhang nagtratrabaho dito.

"Ikaw po ba si Franklin Mendoza?" Tanong niya sakin at naiyak.

"O-oo" sabi ko.

"S-Si Aubrey," bumuhos na naman ang mga luha niya.

Doon na ako tuluyang umiyak, hinawakan ang magkabilang balikat niya ng napakahigpit.

"Anong nangyari sa kanya?!" Napasigaw ako ng wala sa oras.

"N-narape siya. May nakakitang ginagahasa siya pero tinakot yung nakawitness kaya hindi siya agad nakapagsumbong. Nawawala rin 'yung apat na lalake na gumahasa sa kanya. 'Yung witness ay hawak ng mga pulis ngayon," nanginginig niyang sinabi.

Galit ang nangibabaw sa akin. Nasan siya? Nasaan ang katawan niya? Paano yung magiging anak namin? Paano na 'yung buhay naming dalawa? Bakit kinuha agad siya ng Diyos? Bakit nawala siya sa akin kaagad?

Pumunta ako sa mga pulis at doon ko binuhos ang galit ko.

"Nasan ang katawan ni Aubrey?!" Sabi ko sabay hawak sa kwelyo ng isang officer.

"Kasalukuyan pa po naming hinahanap," sabi niya.

"Mga pulis ba kayo?! Bakit hindi niyo ginagawa ng tama ang mga trabaho niyo?!" Sigaw ko dahil sa galit.

"Sir, ginagawa po namin ang makakaya namin. Maghintay lang po kayo," sabi niya ng mahinahon.

"E pano kung mangyari 'yon sa anak niyo?! Anong mararamdaman niyo?!" Sigaw ko. "Mga wala kayong kwenta!" Umalis na ako.

Binili ko ang resort na ito at hanggang ngayon, 'di ko parin nakikita ang katawan ni Aubrey. Hinahanap na ang mga gumahasa sa kanya.

The Ghost Hunters (ORIGINAL) (Completed and Editing)Where stories live. Discover now