Chapter 12

214 8 3
                                    

Andrea's POV

"Game ka na ba Andrea?" Tanong ni Mae sa akin.

"Yup!" Sagot ko matapos isuot ang helmet sa ulo ko. Binuksan ko na rin ang ilaw nito at nagthumbs up kay Mae. Nauna na siyang bumaba sa balon.

Nagpatulong ang may-ari ng resort sa amin na kunin ang mga buto. Naniniwala siyang sa kamay namin dapat at hindi sa mga workers ng resort ipakuha. May nakapagsabi kasi na nakatulong kami sa matagal nang isyu tungkol doon sa bahay na 'yon. Marami pa lang naka-konekta doon sa bahay. Marami ring takot na sumubok sa bahay na 'yon dahil una pa lang, nakaliligaw ang bundok. Bago lang pala si Lyn sa syudad kaya umasa siya sa GPS na nag-give up din sa amin.

Kaya pala hindi kami nakalabas ng gabing 'yon. Pinaglaruan pala kami tulad ng iba. Marami silang na-trap simula ilang taon na ang nakalilipas. Mabuti na lang at natapos na ang delubyo. Kami pa talaga ang nagpatigil.

Dahil sa matagal nang hindi nagagamit ang balon dito sa isang resort kaya wala na siyang tubig. May suot din kaming helmet na may naka-attach na flashlight. Narinig namin sila Matt at Shawn na sinasabing humingi lang kami ng tulong pag may nakita kaming kakaiba o kapag may nangyaring masama. Sumang-ayon na lang kami kundi papalabasin kami ng dalawa rito.

Nagpumilit lang kami ni Mae na bumaba kaysa kila Shawn kasi wala, gusto lang talaga namin. Nasa dugo na namin ang pagka-adventurous.

"Okay ka lang An?" Tanong ni Mae at tumingin sa taas, sa akin. Medyo may kahabaan din ang balon.

"Oo, ikaw ba?" Tanong ko sa kanya. Malapit na siya sa dulo. Hindi na rin siya nakasagot sa tanong ko.

Kaya pala. Nakita niya na ang mga buto. Nandito pa rin ang mga damit ng namatay dito sa loob ng balon. Babae siya. Nakakatakot naman dito. Medyo nanginginig na nga ako dahil sa na-diskubre namin ni Mae.

"Nakita na namin ang mga buto!" sabi ni Mae habang kinukuha ang mga buto tyaka isinama na rin ang mga damit sa loob ng sako. May mga protective gears naman kami at handa talaga para operation namin ngayon. Nagdasal din kaming lahat kanina bago pa sumabak dito.

"Ate, pasensya po sa pag-abala po namin sa inyo," sabi ni Mae matapos kunin ang mga buto.

Pagkatapos naming makuha ang mga kailangang kunin, nagsindi kami ng kandila at umakyat na kami paalis ng balon. Mabuti at naging madali ang paglabas namin dahil nakaalalay sa amin ang mga boyfriends namin.

"Ayos lang ba kayo?" Tanong sa amin Shawn ko at inalalayan kaming dalawa ni Mae. "Wala bang nangyaring masama?"

"Oo," sagot ko kay Shawn. Nakahakbang na kami ni Mae sa lupa at iniabot sa kanila ang sako. Tinanggal na rin namin ang mga ginamit namin pagbaba at pati na rin ang mga gears na sinuot namin.

"Mas masaya dahil alam kong makakatulong tayo sa iba," dagdag ni Mae at ngumiti.

Back to her old self na siya makalipas ang ilaw araw ng aksidente sa ospital at saka doon sa bahay. Salamat din kay Matt dahik tinulungan niya si Mae na makabangon.

Sa totoo, pinagselosan ko si Bea lalo na nung nalaman kong magkaibigan pala sila. Pinagawa ring kwintas ni Mae ang pearl na tanda ng friendship nila.

Nagbuwis pa si Bea ng buhay niya para kay Mae. Hindi ko man nasabi kay Mae pero nagpakita si Bea sa akin sa isang panaginip. Ako na raw ang bahala kay Mae. Syempre, kahit hindi niya sabihin 'yun ay gagawin ko talaga. Ako pa naman ang bestest friend niya.

Saglit man na panaginip 'yun pero dahil do'n, nawala lahat ng inggit ko kay Bea. Nakita ko ang sincerity niya at pagmamahal sa kaibigan niy. Hindi ko man mahihigitan ang nagawa niya, ako naman ang magpapatuloy sa pagpapasaya kay Mae.

Matapos naming makabalik sa aming sasakyan. Nag-isip kami kung anu-ani ang gagawin para matutulungan ang nagmamay-ari ng mga buto sa sako. Syempre, isa lang ang makakatulong sa amin ngayon.

Kailangan namin pumunta sa isang paranormal expert. May kilala raw si Aaron. Ngayong araw din kaming pupunta doon.

"Isang oras pa at nandoon na tayo," sabi ni Valerie habang nakatingin sa phone niya. On the way na kami sa kilalang paranormal expert ni Shawn. Dala namin ang labi ng kung sino man ang nasa balon na iyon.

"Kaanu-ano kaya ng may-ari ng resort 'yung nasa loob balon?" Sabi ni Aaron.

"Oy, 'wag kang magsimula. Baka mimiya magmulto 'yung may-ari ng buto dyan," sinabi ni Valerie kay Aaron na may sama ng tingin.

"Oo na. Malalaman din natin 'yan," sagot ni Aaron.

"Good good."

Tumingin sa akin si Mae at winiggle ang brows niya. Alam ko na ang gagawin ng babaeng ito.

"Bagay kayong dalawa," simula niya.

"TUMIGIL KA NA MAE," simangot na sinabi ni Valerie na may diin. Tumawa lang kaming lahat.

Van ni Matt ang dala namin. Nasa passenger seat si Mae at sa likod kaming lahat nakaupo.

Gusto ko 'yung ganito lang. Walang halong disgrasya pero sa ganitong adventure na meron kami, siguro mga nasa 90% ang chance na may danger kaming mararanasan. That was only my estimation.

"Okay. Nandito na tayo," sabi ni Aaron at tumunog na rin ang phone ni Val na nagsisignal na nakarating na kami sa aming pupuntahan.

Nasa harap na kami ngayon ng isang normal na bahay. Ano kaya ang kwento sa likod ng mga nakuha naming buto?

The Ghost Hunters (ORIGINAL) (Completed and Editing)Where stories live. Discover now