Chapter 2

513 13 6
                                    

Matt's POV

Na'ndito kami ngayon sa waiting shed ng Elementary school na papasukin namin. Pumayag ang principal ng shool dahil dating kaklase raw ng ama ni Shawn ang may ari ng shool.

"Handa na ba ang lahat?" Tanong ni Mae.

"Yes Ma'am," sagot ko, sabay kindat sa kanya.

Napatawa na lang ako ng biglang namula ang mukha niya. Nilagay ko na lang ang braso ko sa balikat niya at nilapit siya sa akin.

Lahat naman ay sumang-ayon. Aba'y siyempre, nandito na kami eh. Alangan namang may back-out. Sanay na rin kami sa mga ganitong kaso. Kadalasang binabayaran kami pero hindi naman namin tinatanggap. Pag may mapilit, doon na lang namin tinatanggap. Minsan, mga fruits ang ibinibigay. Ginagawa namin ito dahil sa gusto namin at para na ring makatulong sa ibang tao.

Nabilang ako sa grupo na ito kahit wala naman akong hilig sa mga ganitong bagay, dahil lang kay Mae. Si Mae at Andrea ang naging founder ng grupo na ito. Simula noong elementary kasi sila ay napagpasyahan na nilang mag-hunt sa school na ito. Ang nag-tulak na rin para magawa nila ito ay dahil sa mga rumours na kumalat noong mga estudyante pa sila.

Marami 'raw' multo sa school nila tapos, may nakita 'raw' na lapida sa may likod ng building. Oo, puro 'raw'. Kaya sinubukan nila kung may makukuha sila.

Naalala ko pa 'yung kinuwento sa akin ni Mae. Noong ibinili raw siya ng papa niya dati ng MP5, pumunta sila sa building ng Grade 1 kasama ng dati niyang classmates, dahil sa cr daw na nasa tabi ng room ay may nagpaparamdam na multo. Ang ginawa niya ay ipinasok niya ang MP5 na naka-on ang video sa cr na 'yon, matapos ang ilang minuto ay hinigit niya ang I.D lace ng MP5.

Resulta= Gasgas na screen.

Pero kahit ganyan parin ang nakuha nila, nagpatuloy parin sila sa paghuhunt doon sa eskwelahang iyon.

...At marami silang nakuha.

Andrea's POV

Papasok na kami sa school ng biglang natalapid si Shawn.

Pa-worry effect? O teka... Lampa ang boyfriend ko?!

Ay, hindi pala kami.

"Mag-iingat ka naman Shawn," nag-aalalang sabi ko at napakamot sa ulo dahil sa mga naiisip ko.

"May nakita lang kasi akong nagalaw sa Canteen," pahabol ni Shawn na parang nagtataka. Well, 'di maiiwasan dahil nasa haunted school-slash-past cemetery-slash-past hospital kami e.

Pumunta kami ni Mae sa harap ng Canteen na maraming bintana at may pintong naka-lock, dahil nga sa sinabi ni Shawn.

"Anything suspicious?" Tanong ko habang naka-silip sa bintana ng Canteen.

"Wala naman ata," sabi ni Andrea habang nililibot ang paningin niya sa loob ng Canteen.

Ganyan naman palagi e. Makikita mo, pagkurap mo, wala na. Ano bang gusto nilang iparating? Pag multo ka kaya, masarap manakot lalo na kung super matatakutin ang tatakutin mo? Ayoko i-try kasi ako'y buhay.

"Tara na Andrea," sabi ni Mae sa'kin na nagsimula nang maglakad papalayo sa Canteen at nagsisunudan na kaming lahat.

Tumigil kami sa harap ng isang building at siniguradong dala na naming lahat ang mga kakailanganin namin.

"Flashlights, Matt?" sabi ni Mae habang naka-tingin sa listahan ng mga kakailanganin namin sa kanyang cellphone.

Nagkanya-kanyang dala kasi kami ng gagamitin namin at napunta kay Matt ang flashlights. Nilabas ni Matt ang isang malaking pouch na puro flashlights at ipinakita niya ito kay Mae.

"Okay. Check na ang Flashlights," sabi ni Mae at pinindot ang box na katabi ng salita na 'Flashlights' sa isang Notepad application para magkaroon ng check dito.

"Dalawang first aid kit naman."

Nilabas ko ang first aid kit namin sa bag ko at ipinakita kay Mae. Good thing kasi nurse ang mom ko. Binuksan din ni Aaron ang bag niya at inilabas ang first aid kit na dinala niya. Mas maliit 'yun sa dala ko pero nando'n naman lahat ng kakailanganin namin.

"Check," sabi ni Mae at itunuro ang isang bench na malapit lang sa kinaroroonan namin.

"Paki-lapag na lang doon para maayos nating ma-distribute mimiya ang gagamitin."

Naglakad kaming lahat sa bench at doon inilagay ang mga flashlights at first aid kit.

"Susunod naman ay..."

Ano ba 'yan. May pa-suspense pang nalalaman si Mae.

"SNACKS!" Napatawa na lang kami dahil gutom na naman si Mae.

"Ito o," narinig kong sinabj ni Matt at palingon pa lang ako sa gawi niya ay may biglang tumakip ng mga mata ko.

"Huwag kang titingin. Sa abs ko na lang ikaw tumingin," bulong ni Shawn. Sobrang namula ako at pinuwersang tanggalin ang kamay niya na nakatakip sa mga mata ko nang nahaligap ng mga mata ko si Mae na namumula ang mukha.

"Matt naman e!" nakatitig siya sa abs ni Matt ng matagal at biglang nagtakip ng mata.

Natawa na lalo kami sa inasta niya. Nakakatuwa naman talaga si Mae e. May pagka-isip bata pero ako rin naman e.

'Sorry bestfriend!' sabi ko nalang sa isip ko habang natawa.

"O totoo na 'to." Inilabas ni Matt ang sandamakmak na junkfoods chips at bottled mineral water mula sa bag niya.

Sumilip si Mae sa pagitan ng daliri niya at naka-hinga ng maluwag dahil hindi na nagloloko si Matt.

"Okay, check na rin."

At isa pa pala, lahat kami ay may suot na cross necklace. Pang-proteksyon na rin sa amin.

"...At isa pang mahalagang dapat baunin ay isang prayer," dagdag ni Mae.

Nag-form kami ng isang bilog at doon taimtim na nagdasal para sa kaligtasan at para sa tagumpay namin.

~~

A/N:

Comment down for your critics or reactions. :)

The Ghost Hunters (ORIGINAL) (Completed and Editing)Where stories live. Discover now