Chapter 8

341 7 1
                                    

"Ang sarap talaga ng mushroom soup. Pwedeng isa pa?" Tanong ni Mae pagkaraang mahigop niya lahat ang soup at tumingin ng nakangiti kay Shawn. Nabaling ang tingin niya sa tabi nito't tumitig ng matagal.

"Ano'ng meron?" Tanong ni Andrea at tumingin siya sa tinitingnan ni Mae. "Mae, ano bang tinitingnan mo? Kinikilabutan ako e," sabi ni Shawn kasabay ng pagtaas ng balahibo nito.

"A. May napansin lang ako na nurse sa tabi ni Shawn kanina e. Hindi niyo ba nakita?" Tanong ni Mae at tinuro ang tabi ni Shawn kung saan nakita niya ang sinasabi niyang nurse.

"Ano?!" Gulat na gulat na sinabi nila Andrea at Shawn. Wala silang nakitang pumasok na nurse. Ilang oras na rin ang lumipas nang may dumating na nurse para i-check si Mae.

"Isang iglap ko lang nawala agad siya," sabi ni Mae na may pagtataka sa mukha niya at kinutubang multo ang nakita niya.

Sakto naman no'ng bumigat ang tensyon ay biglang pasok nila Valerie at Aaron sa kwarto ni Mae. Ngumiti silang dalawa nang makitang gising na siya.

"Mae, gising ka na pala. Pwede ka na raw umalis kung kaya mo na sabi ng doktor," sabi ni Valerie at ngumiti. "Ando'n din 'yung may-ari ng Van sa labas ng ospital," dagdag niya.

"Ge. Kaya ko na naman matapos kong makakain ng mushroom soup," sabi ni Mae at kumalam muli ang t'yan nang maisip na naman ang paborito niyang pagkain. "Bakit siya nasa labas?"

"Gusto niya raw tayong lahat makausap," sabi ni Aaron. Napatango na lang si Mae.

May napansin naman si Mae sa nakabukas na pinto at nagulat siya nang ilipat niya ang tingin niya doon.

"Ano 'yun?" Tanong niya na naka-kunot ang noo. "May dumaang wheelchair kanina e, wala namang taong nakasakay," dagdag nito.

Nagtaka ang lahat sa sinabi ni Mae at bigla namang lumabas sina Valerie, Aaron, Andrea at Shawn sa kwarto para tingnan ang sinasabi ni Mae na wheelchair pero wala naman silang nakita. Nagsimula na namang bumigat ang tensyon.

"Mae wala naman a—" Biglang naputol ang pagsabi ni Andrea nang may nakita siyang babae sa gilid ng hinihigaan ni Mae."

"Mae!" Banggit niya at nilapitan si Mae. Nawala naman ang babae.

"May babae kanina sa tabi mo," sabi ni Andrea pinuntahan ang pwesto ng nakita niya. Sinilip din ni Shawn ang ilalim ng kama ni Mae pero wala siyang nakita. Chineck naman ni Aaron ang C.R. pero wala rin siyang nakitang tao doon.

"Anong itsura!?" Tanong ni Valerie habang ninenerbyos. May pagka-curious kasi siya kahit balot na ng takot. "Kakakilabot naman e," dagdag nito.

"Parang pasyente siya dito sa ospital kasi suot niya rin 'yung suot ng iba pang pasyente rito. "Nakatingin din siya kay Mae at may dugo siya ulo," sagot ni Andrea na natatakot sa mga pangyayari.

"Hawak-hawak niya yung braso ni Mae," dagdag nito.

Tiningnan ni Mae ang braso niya at bakas ng dugo ang nakita niya.

"Dugo," sabi ni Mae nang makita niya ang brasong sinabi ni Andrea na hawak ng multo. Bakas ng isang kamay na may dugo ang nakalagay sa braso ni Mae. Pinunasan naman nila ito at may nakitang madiin na pagkakahawak ng kamay at ito ay namumula.

"Wala akong naramdaman kanina. Pero bakit gano'n na ngayon ko lang naramdaman 'yung sakit ng pagkakahawak niya?" tanong ni Mae.

"Hindi ko rin alam," sabi ni Andrea habang tinitingnan ang braso ni Mae. Pumasok na rin si Matt sa kwarto nito.

"Ano'ng nangyari?" Pag-aalalang tanong ni Matt habang papalapit kay Mae at tiningnan ang braso nito.

Kinuwento naman nila Andrea ang nangyari at bigla namang pasok ang doktor.

The Ghost Hunters (ORIGINAL) (Completed and Editing)Where stories live. Discover now