Second and Third Wish

59 6 0
                                    

Franklin's POV

It has been weeks since Aubrey's first wish has been granted. Laging nagkakaroon ng paranormal activity sa bahay ko pero I'm not scared. Minsan nga natatawa ako e. Si Aubrey kasi ang mga gumagawa ng mga bagay na 'yon lalo na no'ng nasa sofa ako at bored sa bahay e binuksan ang tv at sa Bubblegang nilagay. Tawang-tawa ako no'n e. Creepy pero masaya dahil na'ndito siya. Magpapaalam rin siya sa akin sa huli. Kailangan kong tanggapin.

"Knock knock po," sabi ni Mae. Nakakatuwa lagi 'yong batang 'yan. Sumigaw imbis na kumatok. Binuksan ko naman ang pinto at bumulaga sila sakin. Teka, bakit wala si Matt?

"Nasaan si bunso?" Bunso ang tawag ko doon kaya asar na asar siya sa'kin.

"Nako kuya, nilalagnat e," sabi ni Mae at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Sayang. Wala akong maaasar," sabi ko na natatawa. Pinapasok ko na rin sila sa bahay para makapagpahinga sila.

"Kaya po nilagnat kasi lagi niyong inaasar," sabi ni Andrea na tumatawa at natawa na rin ako habang iniisip ang sinabi niya.

"Haha. Baka nga."

Pinakain ko sila and we talked for hours. Nakakatuwa kasi para silang mga kapatid ko. Napansin ko rin na si Mae ay laging tulala at babad sa cellphone niya. Worried siguro kay Matt.

"Mae, sige na, puntahan mo na si Matt. Kaya naman namin e--" naputol ang sinabi ko nung may nag-doorbell.

Binuksan ko ang pinto't nakita si Matt na putlang-putla. Naka-jacket at nahimatay sa harap ko.

Mae's POV

Bwiset naman si Matt o! Bakit niya ginawa yun? T*nga ba siya ha?  Bwiset! Pupunta dito e nilalagnat siya. Papatayin lang ako sa pag-aalala.

Nakahiga siya ngayon sa guest room ng bahay ni Kuya Franklin. Nasa living room sila at kami lang ni Matt and nandito. Grabeng taas ng lagnat niya kanina. Buti naman at bumaba ngayon. Dalawang oras ang nakalipas nung mahimatay siya kanina. Tarantang-taranta ako non at di alam ang gagawin.

Nasa tabi niya ako ngayon, nakaupo habang siya'y natutulog.

BUUGSHH CRACK!

(A/N: Sensya na sa sound effects XD)

May nahulog and nabasag? Buti't di nagising si Matt. Tumayo ako para tingnan ang nabasag. Picture nila Kuya at Ate na nakatayo sa may cliff na may railings at sunset na sa photong ito. Ang ganda naman ni Ate Aubrey, ang amo ng mukha niya. Naku! Its already 4:40 pm. Kailangang magawa na ang second wish ni ate Aubrey but I can't leave Matt alone.

"M-Mae?"

"Matt? Gising kana?" Tumalikod ako at nakita siyang nakaupo. May lagnat parin siya, bakit siya agad bumangon? Tumakbo ako papunta sa kanya at tumabi.

"Mahiga ka muna. May lagnat ka pa." inalalayan ko siyang mahiga.

"Grabeh ka naman Matt. Pinag-alala mo kami eh. Mas lalo na ako. Bakit ka ba kasi sumunod kung alam mo namang may lagnat ka hah? Di mo ba alam a delikado yang ginawa mo? Pano pa kung dalhin ka ospital hah? Paano kung malagay pa buhay mo sa peligro?" sabi ko ng isang hingahan.

"Relax. Medyo okay na pakiramdam ko. Hipuin mo nga ako." nakangiti niyang sinabi.

Hinipo ko siya at himala, hindi na siya mainit..

"Masakit pa ba ulo mo? Okay na ang pakiramdam mo? Wala nang masakit sayo?" sunod-sunod kong tanong.

"Hindi na. Okay na. Wala na." sunod-sunod niyang sagot.

"Kaya mong tumayo?" baka kasi pwede siyang sumama sa pagtupad ng second wish ni ate eh.

"Yep." masigla niyang sagot at umupo na.

"Makakasama ka ba?" tanong ko.

"Oo. Sure na sure." at yinakap akong bigla. "I love you," bulong niya. Bwiset! Kakagaling lang ng sakit nagkagenan na? Haha. Dapat pala lagi nalang siyang magkasakit XD Joke!

"Ay okay na si Matt?" tanong ni Aaron. "Paalis na kasi dapat kami dahil sa second wish ni ate Aubrey." dagdag ni Valerie." wooh witwew.

"Sama ako. Tara." yaya sakin ni Matt. Aba't nakatayo na ang mokong.

Its been 20 minutes nung nakapunta kami dito at saktong sunset na nung nailibing namin si ate Aubrey dito sa may cliff.

"Aubrey, rest in peace now. It'll be hard for me to grant your third wish Aubrey but I'll try my best. Take care of our baby there. I love you. Always will." naiyak na si kuya. Pati ako naiyak narin. Nakakaiyak naman yung mga nangyayari ngayon huhu.

"Franklin! Ikaw ba yan?" singit nung isang babae.

"M-Mika?" paglingon ni kuya, nagulat siya. Sino naman kaya to?

"I'm sorry Franklin for hurting your feelings back then. Ginawa ko kasi yun para--para hindi ako maging sagabal sa studies mo." Oh my! Siya yung nasa flashback! Yung dahilan kung bakit napadpad si Kuya sa beach resort yung time na nakipaghiwalay ang gunggong na si kuya Mike kay ate Aubrey!.

"I heard about what happened to-to Aubrey and I'm sorry na ngayon lang ako nagkaroon ng lakas para lapitan ka. Sorry kasi nung kailangan mo ng karamay, hindi ako nakalapit sayo. I-I hope you'll give me another chance. But its fine if you wouldn't. I'll understand." sincere na pagkakasabi ni ate Mika. Oh-Em-Gi! Ito na ang third wish! Ang pagmove on at umibig muli! Mukha namang mabait tong si Ate Mika.

"It'll take some time for me to move on Mika. But, it'll be fine if we start as friends." sabi ni kuya. U-wow! Drama!

"Thank you." sabi ni ate Mika. "Aubrey, I promise I'll take care of Franklin. Thank you for showing me na you needed me to help Franklin para maka-move on." nakatingin siya sa sunset.

So, si ate Aubrey pala ang may gawa kung bakit napadpad si Ate Mika dito? Kaya pala. It all makes sense na.

"S-Siya nagsabi sayo?" tanong ni kuya.

"Oo. Yung una, takot na takot ako non pero nung nalaman ko na si Aubrey pala, alam ko na ang ibig sabihin niya. She has three wishes right? She wants me to grant that third wish so, here I am." sabi niya.

"Ah--" biglang humangin ng malakas kaya napatigil si Franklin sa sasabihin niya. Sa may gawing kaliwa, may babae, si Ate Aubrey. Nakangiti siya and mouthed 'Thank you' saming lahat. She began walking away. Balak pa sanang habulin ni kuya Franklin kaso bigla na siyang nawala.

Nakakaiyak naman tong scenario na to! Sa wakas! Tapos narin ang lahat. Nakauwi na kami at nasa bahay kami ni Matt, EHEM! Bahay namin XD. We decided to end this journey na. Its full of fun though. I will never ever forget this :)

_____

A/N:

Last chapter na po ang susunod then Epilogue. huhu T^T

The Ghost Hunters (ORIGINAL) (Completed and Editing)Where stories live. Discover now