Ending

51 5 0
                                    

It has been a year since nung nangyari tungkol kila kuya Franklin and ate Aubrey. Actually, mag-on na sila kuya Franklin and ate Mika. Ang the best pa ay libre kami lagi sa resort nila kuya Franklin. Ang swerte lang no?

Engaged na kami ni Matt at alam niyo ba? Si Valerie na at si Aaron. Kahit laging nag-aasaran at nagkakapikunan, sa huli ay pagmamahal pa rin ang nananaig.

Si Shawn at Andrea? Nauna na haha. Nagpakasal na't may anak na isa. Girl ang anak nila at syuuuuper cute niya. Her name is Dawn which means new hope para sa kanila. Ako ang ninang and Matt is the ninong. Kelan kami magpapakasal? Uhmm, malapit na. Invite ko kayo a!

"Oy babae! Lika nga dito!" sigaw ni Andrea sa anak niya. Grabe ang kulit kasi. Habol siya ng habol sa anak niya e baka madulas at mabagok ang ulo.

"No! I want my daddy!" Aba't daddy's girl ito. Understandable naman kasi iniispoil ni Shawn ang baby girl niya. Si Andrea kumbaga ang strict sa kanilang dalawa.

"He's in the comfort room okay? Come here for a sec." Hinabol pa rin niya si Dawn na hindi nagpapaawat dahil gusto niya raw ang daddy niya.

Tawanan kaming lahat dahil kila Andrea at kay Dawn na syuuper cute. Dumating si Shawn at dinambahan siya ni Dawn. Nagpout si Andrea na mukhang OP kila Shawn at Dawn.

"Daddy, mommy away me," sumbong ni Dawn... na syuuuper cute.

"Aba! Papaluin natin mimiya si mommy mo. Lagot siya sa akin mimiyang gabi," kindat ni Shawn kay Andrea na nagpamula ng mukha nito. Humagalpak kami ng tawa.

"EHEM!" Pag-interrupt ni kuya Franklin. Dumating siya kasama ni ate Mika.

"Ay haha! Ano yan ha? Anong lagot mimiyang gabi?" Asar ni ate Mika. Tawanan lang kami't mas lalo pang namula ang mukha ni Andrea.

"Daddy, bakit mimiyang gabi pa? Dito mo na gawin para makita nila ninang, ninong, tita at tito pati nila lolo at lola." Lolo at lola tawag niya kila kuya Franklin at ate Mika. Sobrang sakit na ng panga ko kakatawa dahil halata sa mukha ni Dawn... na syuuuper cute ang pagkalito.

"Haha Dawny. Don't worry, you'll know when you get older," biro ni Matt. Dawny tawag niya kaya naiinis sa kanya si Dawn. Yung sound kasi ay Downy, yung nilalagay sa damit.

"Che! I hate you ninong! Ninang Mae, wag niyo na ngang pakasalan 'yang si Ninong. Bad siya! Away niya ako!" sumbong ni Dawn sa akin at sinimangutan si Matt.

"Edi hindi kana magiging flower girl nan ha?" He got it. Matt won this time. Kitang-kita ang smirk sa mukha niya. Alam niyang nanalo siya. Ang cute nitong dalawang ito. Gusto ko na ring magka-Dawn.

Nag-puppy eyes si Dawn tyaka nagpout. Nagtawanan kami. Naka-move on na rin ang pamumula ng mukha ni Andrea dahil sa kakulitan ng anak niya. Manang-mana sa ina.

Pumunta si kuya Franklin at ate Mika sa harap namin at mukhang may i-aanounce sa aming lahat.

"Mga tropa't bunso ko-" I heard Matt snorted. "-papakasalan ko na si Mika!" sigaw niya. Inakbayan niya si ate Mika at inilapit paharap sa kanya sabay kiss. Tinakpan ko naman ang mga mata ng batang si Dawn.

"Woohoo!"

Nagcheer kaming lahat at biglang lumiwanag sa buong paligid. Seems like ate Aubrey was happy now. Mukhang ayos na ang lahat ngayon. Ramdam ko ang saya ni ate Aubrey sa langit.

Dapat nga na hindi tayo magpakulong sa nakaraan. Kailangang deretso lang ang tingin para sa maganda nating kinabukasan. Kung kailanganing mang lumingon para tingnan ang yapak natin, 'wag na dapat humarap sa likod at bumalik pa sa tapos na

Move forward.

____

A/N: last chapter na po ang susunod.

The Ghost Hunters (ORIGINAL) (Completed and Editing)Where stories live. Discover now